ONE

1.1K 19 7
                                    

AMBER
   

       "Jeremy paki-usog nga ng konti." utos ko kay Jeremy dahil nagsisiksikan na kami dito sa upuan.

"Sorry Amber, pero wala na talaga space para umusog, kung gusto mo kumandong ka nalang sakin." agad namang napalingon si Gray kay Jeremy.

"Hehehe, joke lang ikaw naman kung makatingi  parang papatayin mo na ako!" pagprotesta ni Jeremy kay Gray.

I just rolled my eyes with Jeremy's nonsense idea. Paano ba naman hindi ako magrereklamo, yung dating four seater na long table naging five seater na ngayon. Siguro ay madami ang nag transfer na studyante dito sa Bridle HS ngayong year o di kaya ay nagshort lang ang budget o nag cost cutting? Imposible, nagbabayad naman kami ng tuition namin ah. Buti nalang at may aircon sa room dahil mamamatay na ako sa init at suffocation.Tinignan ko naman ngayon ang katabi kong naka salampak ang mukha sa table.

"Ah Zywon, may space ka pa ba dyan? Pausog naman ng konti oh." Yes, you heard it right. Zywon is one of the students who transferred this year here in Bridle high. He then stared at me coldly, patulog na siguro.

"Oi! wag mo sabihing papakandungin mo rin si Amber, Zywon?" sabat ni Jeremy.
" Baka mag World War lll hehehe." dugtong pa niya sabay tingin kay Gray na seryosong seryoso ang mukha ngayon. Mamaya ka talaga sakin Je. Tumikhim naman si Zywon tsaka umusog ng ilang inches lang naman, hindi na pinansin ni Zywon ang sinabe ni Jeremy, buti naman at hindi na niya pinatulan.

The discussion went on at lutang lang ako buong magdamag buti ay hindi ako napansin ng prof ko at pinasagot sa board o di kaya ay pina recite lahat ng natutunan ko sa kanya ngayon.

After an hour of boredom, finally, breaktime na at hinatak na kami ni Jeremy papuntang canteen to grab snacks. Madami na ang nagkukumpulan sa counter at ang iba naman ay halos tumakbo na sa mga vacant table para maka pwesto.

"Carbonara and iced americano nalang sakin, Gray." Math requested and Gray merely nodded.

"Edi orderin mo sa counter." Jeremy said in a low voice.

"Ano may sinasabi ka ba Jeremy?" and the rest is history ano pa nga ba, nag away na naman ang dalawa.

"Ikaw Amber ano sayo?"
"How about you, Amber?"

Biglang napatigil at nagpalitan ng gulat na mukha si Gray at Zywon. Pano ba naman eh halos magkasabay lang sila magsalita. Tumikhim si Jeremy para basagin ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

"Ah bestie, ako nalang oorder, ano gusto mo?" Jeremy said.

"Ikaw nalang bahala Je, kung ano nalang sayo yun na din yung akin." Wala talaga kase ako sa mood ngayong kaya hindi ako makapagdecide.

"Bestie, walang 'ikaw nalang bahala' menu sa canteen natin. Bahala ka at magugutom ka niyan." konti nalang talaga ay mababatukan ko na si Jeremy. Kanina ka pa wag mo ko susubukan.

"Fine, cheesecake at soda nalang." suko na ko sayo Je.

"Jusko ka anong klaseng combination yan Amber!? Tara na nga boys tulungan niyo ako magdala ng trays." He dragged Gray ang Zywon to the counter at kaming dalawa ni Math ang naiwan sa table namin. Bigla namang lumipat sa katabing upuan ko si Math at tinitigan ako ng kanyang mapanuring tingin.

"What can you say Amber? Huh?" pang iintriga niya sakin.

"Kung about yan kanina sa lesson natin ay mali ka ng tinatanungan, hindi ako nakinig kanina kaya pasensya ka na."

"Omg ka, ganyan ka na ba talaga ka manhid Amber!? Hindi mo ba napapansin yung dalawa? Gray and Zywon!?" Math whispered.

"And what about them Mathilde?" walang gana kong sagot. Ano bang kakaiba sa kanila bukod sa mga poker face nila, mag pinsan nga sila.

DETECTIVE FILES (A FANFICTION)Where stories live. Discover now