Natawa si Echo. "Oo, pre. Nakabawi ka na sa kaniya sa ginawa niya sa 'yo sa CR. Tapos nakabawi na rin siya sa 'yo sa pag-nominate sa 'yo bilang representative no'ng pageant. Bawian mo na lang ulit, asarin mo nang asarin. Sabi nga ni Magnu, parang hindi naman talaga titigil 'yang bangayan ninyo, eh," sabi ni Echo.

"Talaga! Hindi ko rin siya titigilan. Wala namang problema sa akin kung ako maging representative. Puwede ko naman 'yon mapag-aralan, kaya hindi naman siya nakabawi. Nagulat lang ako, pero hindi ako nainis sa ginawa niyang 'yon. Nainis lang ako no'ng tinakot na naman niya ako. Gusto pa niya akong batuhin ng mic. Halatang napipikon na, e. . ." sabi ko at sarkastiskong natawa.

Napangiwi si Magnus. "Nakakainis 'yung part na ayaw niyang ginagamit against sa kaniya 'yung sexuality niya, pero ginagamit niyang pang-asar sa 'yo," sabi ni Magnus at umiling-iling.

"Wala naman kasi siyang maiaasar sa akin. Kaya 'yon ang ginagamit niya para mabwusit ako. Siya na nga nagsimula ng lahat, siya pa may ganang magalit. Tapos mukhang kinilig pa ata siya sa akin kanina dahil nakangiti ako sa kaniya at sinabihan kong siya ba ang ka-partner ko," sabi ko at mahinang natawa.

"Tangina! Tawang-tawa ako no'ng sinabi mo 'yon. Pikon na pikon na siya, eh. Tumutulong pa 'yung audience sa pang-aasar sa kaniya. Napipikon na 'yon no'ng napilitan siyang mag-president, kaya mas lalong napikon no'ng inasar mo pa," sabi ni Titus 'saka bahagya ring natawa.

"Nga pala, club ulit mamaya, ah? Papayag ba 'yung isa diyan na wala siyang naka-hook up kahapon?" Sabi ni Echo.

Napatingin silang tatlo sa akin habang nakangisi nang nakaloloko. Kusang naglaho lahat ng iniisip ko at natuon lahat sa sinabi ni Echo. Tangina talaga no'ng bading na 'yon. Ngayon kailangan ko ng palaging i-distract 'yung sarili ko o libangin para mawala siya sa isip ko.

Tama, hindi talaga ako papayag na wala ako makahu-hook up ngayon. Fuck. Hindi ko dapat bini-busy at sinasayang ang oras ko sa pag-iisip sa buwisit na 'yon.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Hindi gaano maingay at matao sa cafeteria ng BS Engineering kaya rito kami nag-lunch nina Ashton. At saka nakita namin 'yung mga kumag na kumakain sa labas, malapit sa department building ko. Picnic sila accla. Putangina ni Caiden. Nabibwisit ako sa kaniya.

"Ang akin lang, Leroy, tangina niya. Although kahit expected ko ng gaganti siya, sana man lang hindi na, 'di ba? Para matapos na 'tong bangayan namin. Dahil hindi rin ako titigil gumanti kung hindi siya titigil. Ang nakase-stress do'n, ayaw kong gumanti para matapos na lang pero kapag hinayaan mo naman, naiipon sa akin at mas lalo lang akong nabubuwisit. Paano na 'yung mga iba kong gagawin kung bad trip na ako," singhal ko bago uminom ng iced tea para pakalmahin ang sarili ko.

Mahinang natawa si Leroy. "Beh, kung gaganti ka ngayon sa kaniya. Malamang hindi ka rin niyan titigilan. Tama na 'yong away ninyo kanina. Siguro sa final mong statement, manginginig na 'yung kalamnan no'n. Ewan ko na lang kung hindi pa siya tumigil do'n," sabi ni Leroy.

Napatingin ako kay Ashton na nakatingin sa akin at wala pa rin siyang sinasabi mula kanina. Kanina pa siya tahimik. Kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Ash, bakit ang tahimik mo kanina pa?" Concern kong sabi.

Umiling siya. "I just hate that topic. Naalala ko 'yung inis ko kagabi sa kaniya. How he called you names and pushed you down kahit kagagaling mo lang no'n sa isang pangit na pangyayari. And now, he humiliated you in front of every one. I just don't understand his fucking logic, Zern. Kung ayaw niya sa 'yo, then he should stay away from you, right? He should just avoid you. Pero parang nage-enjoy pa siya sa feud na nangyayari sa inyo. Parang pinagti-trip-an ka na lang niya," sabi ni Ashton at umigting ang panga.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now