"Ako o iyang hill climb mo?" bigla niyang tanong.

"Hill climb..."

Nasaksihan ko yong pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Lumukot ng bahagya ang kilay niya. Her emotions are showing right through her face. I can definitely say that she's an open book. Umupo siya sa tabi ko at nanatiling tahimik. Hindi ko alam kung naoffend ko ba siya o ano.

Humalakhak ako sa pag iinarte niya. Pero alam kong nasaktan ko yong damdamin niya.

"Sorry, it was so insensitive of me. Biro lang yon but it crossed the line." I apologized to her sincerely. Nanahimik siya at nanatiling walang imik kaya mas lalo akong kinabahan. Pero maya-maya niyan ay may ngising sumilay sa labi niya at humalakhak.

"Nakakatawa yong guilt-face mo bebs. Akala mo agad akong nasaktan sa sinabi mo? Hindi nohh.. Ilang beses na nga akong pinagtabuyan ni Zander eh pero hindi ako tumigil." She smiled proudly at what she just said.

Gulat at pagkabigla naman ang naramdaman ko sa sinabi niya. Inimbitahan niya ako kanina na maghanap ng gwapo pero it turns out na may gusto na pala siya?

"B-bakit ka pa naghahanap?" Tanong ko sa kanya ng makabawi. "Bakit naman hindi?" diretsong sagot niya sa'kin. I saw pain and disappointment in her eyes.

"Vacant ninyo?"

Sabay kaming napalingon ni Aubrey sa nagtanong nito. And speaking of the devil, andito ang lalaking pinag-uusapan namin ni Aubrey. He was standing in front of us, kasama yong si Jandrik.

"Oo, kayo ba?" Si Aubrey na ang sumagot sa tanong ng lalaki. Kita kong tumango ang lalaki sa sagot nito. Bumaling ang tingin ko kay Aubrey ngayon at nagkatingin kami. She put her index finger in between her lips 'shh..' and then winked at me.

So she had an unrequited love towards that guy. Nakakatakot magmahal, di mo alam kung totoo ba ang pagmamahal na pinapakita nila sa iyo o puro kasinungalingan lang. I was busy looking at Aubrey kaya di ko napansin na tinititigan na pala ako ni Jandrik.

Tumagilid ang ulo kong tumingin sa kanya. Gusto kong magtanong sa kanya kung ano ang sadya niya sakin pero nahihiya ako dahil palagi kong naaalala ang pangyayari kahapon.

"Uhh, vacant niyo?" tanong niya sa'kin.

"Oo, mapeh at philo lang ang klase namin sa umaga." sagot ko sa kanya.

Naunang naglakad si Aubrey at Zander sa aming dalawa ni Jandrik. At masasabi kong bagay nga sila. But I keep wondering kung bakit siya inayawan ni Zander? May iba ba ito? O talagang ayaw niya lang masira yong pagkakaibigan na meron sila. Madalas ko kasi iyong napapanood sa mga pelikula sa TV.

A movie where the male lead and the female lead are afraid to tell the truth about their true feelings. Sinisekreto nila sa isa't- isa ang nararamdaman dahil sa takot na mawasak ang bond na nabuo sa pagiging magkaibigan nila.

Pero iba ang sa kanila ni Aubrey. Sinabi niya sa akin kanina na sanay na siyang ipagtabuyan ni Zander. So it means...

Teka... umamin ba siya?

Tumingin ako sa likuran ng dalawa habang naglalakad. Nalulungkot ako sa sitwasyon ni Aubrey. It hurts when you are rejected without even doing anything yet. Her love is being denied by someone she cared. Mas tumagal ang paninitig ko sa likuran ni Zander dahil gusto kong maintindihan kung bakit sa kaibigan pa nahulog itong si Aubrey. I won't deny the fact na gwapo ito pero...

"Huwag yan, may nagmamay-ari na diyan." Kuha ni Jandrik sa atensyon ko.

"Nagmamay-ari? What do you mean? Sino? Si Aubrey ba?" Desperadang tanong ko sa kanya.

Removing Her FacadeKde žijí příběhy. Začni objevovat