"And now, let's proceed to the nomination of the new representative of our org! Ayan, excited ba kayo kung sino ang randomly-ng napili ni Sir Macapagal sa mga nag-register ngayon?" Sabi ni Miss Yumiko kaya pumalakpak na lang kami kasi hindi naman kami excited.

Malaking responsibility pa naman 'yan. Palaging dapat present sa meetings lalo na kapag may event. Kaya nga hindi ko pinakinggan lahat ng event kasi maraming gagawin. Minsan pa nakikipag-coordinate sila sa mga courses for additional grades and such. Ang gusto ko diyan, minsan may pa-cash prize. Since bilang alipin ng salapi, laban ako diyan.

"Pero may isang student dito na ni-recommend ni Caiden Flynn na maging nominated para maging president!" Nangunot ang noo ko nang may pahabol na sinabi si Miss Yumiko. What!

Napabuntonghininga ako dahil nararamdaman ko na na ako 'yon. Putangina nitong Caiden na 'to. Ambantot ng apilyido niya. Parang brand ng biscuit na hindi pina-patronize dahil sobrang tamis. Napapikit ako nang mariin at kinuyom ko pa ang kamao ko sa nagbabadyang irita.

Tumingin pa si Miss Yumiko kay Caiden pero hindi ko sinundan ng tingin ang bwisit na 'yon. Baka mas lalo lang ako mairita at baka iuntog ko siya sa lamesang nasa tabi niya. Bwisit siya. Kupal. Pag straight talaga, bobo.

Napapikit akong muli at parang ayaw ko ng marinig ang kasunod na sasabihin ni Miss Yumiko. At para akong nanginig nang narinig kong tinawag ang pangalan ko. Umakto na lang akong gulat na gulat para hindi halatang gusto ko ng sakalin si Caiden sa irita ko.

"Hala ka! Ikaw 'yon, beh. Trip ka na naman ni straight," sabi ni Leroy at tinulak-tulak ako para tumayo. Gusto ko sana batukan si Leroy para tumigil sa pagtulak sa akin pero lahat pala sila nakatingin sa akin.

May lumapit sa aking babae para bigyan ako ng mic. Pumirmi ang expression ng mukha ko at hindi ko na naitago ang irita ko. Hindi ko na kayang magpanggap na gulat na gulat. Dahil walang nakakagulat, putangina. Sino pa bang pagti-trip-an dito ni Caiden? Ako lang naman. Crush ata ko nito, e. Hindi matigil si bading.

Patago akong bumuntonghininga at mahigpit na hinawakan ng dalawang kamay ang mic habang deretso lang ang titig kay Miss Yumiko. Pakiramdam ko kapag tiningnan ko si Caiden, sasapakin ko siya sa mukha kahit mas matangkad siya sa akin.

"Mister Caiden Flynn said that you are capable of being the newest president of our org that's why he nominated you. Do you agree?" sabi ni Miss Yumiko at parang natatawang nilingon pa si Caiden.

Putangina mo, Caiden Flynn. Ampangit ng pangalan mo. Parang tunog donut naman ngayon na mumurahin 'yung tunog. Nakakairita! Putangina mo talaga. Anong capable? Feelingero talaga 'tong Caiden na 'to.

Lumipat ang mga mata ko sa kaniya at saka siya kinunotan ng noo. Mas lalong umusok ang ilong ko dahil sa position niya. Nakahalukipkip pa siya at nakangisi. Sobrang yabang. Tapyasin ko 'yang ilong mo, e. Sarap dukutin ng mga mata! Bwisit talaga. Bibigyan pa ako ng panibagong responsibilidad. King ama talaga.

"Uh. . . hindi ko po alam," sabi ko at sinamaan ng tingin si brand ng biscuit. Sinubukan kong hindi patunugin naiinis 'yung boses ko at sana nagawa ko. Hindi ko na alam kung anong tono ng boses ko dahil sa inis ko sa lalaking 'to.

"Gano'n ba? How about we asked Mister Caiden directly why did he nominate you," sabi ni Miss Yumiko at sinenyasan si gago na pumunta sa tabi niya. Sinundan ko siya ng tingin at masaya pa siyang naglalakad. Halatang tuwang-tuwa sa plano niya.

Napangiwi ako nang harapin niya akong nakangiti pa. Ampangit mo gago. Sarap tusuk-tusukin ng tinidor 'yung mukha niya hanggang sa malamog.

"Magaling po kasi siyang mag-speak. Marami po siyang pinapaniwalaan sa buhay at matapang po siya. Pakiramdam ko po, fit po siyang maging president ng org. Bukod sa napaka gwapong lalaki, napaka responsable pa! Paniguradong titilian ng mga girls!" sabi niya at pumalakpak kaya ginaya naman siya ng mga ibang estudyante, may kasama pang hiyawan.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now