Chapter 9

0 0 0
                                    

[ Jhoylyn's POV ]

Ito na nga ang araw ng mga puso, abala na kaming naghahanda para sa mga dadagsa na customers sa shop namin.

Naka-display na rin ang mga product na ginawa namin ni Bleu, may iniligay kami sa may counter at sa may labas kung saan naka-pwesto ang reservationist namin na si Khleia.

Nakausap ko na rin lahat ng mga empleyado ko para maging handa sila at alam nila kung ano ang dapat na gagawin.

10am palang ng umaga ay marami na rin ang pumupunta rito sa shop, lahat sila ay sinalubong namin ng pagbati.

Hanggang mamayang 5pm ay hindi na magiging available ang 2nd floor ng shop namin dahil para na iyon sa mga may reservation, para sa mga couple na magd-date.

Nakatayo ako sa may cashier habang pinagmamasdan ang mga customers ko.

Ang saya lang nila tignan, lalo na ang mag couple sa kabiland dulo. Ang sweet nilang dalawa, nagsusubuan pa ito ng cupcakes.

Sa kabilang banda naman ay sabay ininom ang drinks nila gamit ang straw at nagtititigan pa ito.

Habang pinapanood ko nga ang mga customers ko ay bigla nalang sumulpot si Sebastian.

" Ang sweet nila, inggit ka? " aniya, tumingin ito sa akin at ang mukha niya ay mahahalata mong mang-iinis na naman.

" Hindi ako inggit " mahinahon na saad ko habang nakatingin pa sa mga customers. Bigla akong napatingin kay sebastian " Teka, anong ginagawa mo rito? Balik sa loob! " pagsita ko sa kanya.

Agad itong bumalik sa loob para ituloy ang trabaho nito.

Habang inaasikaso ko ang mga customers na nagbabayad ng mga napamili nila ay bigla nalang may lumapit sa akin na emplayado, galing ito sa taas ng shop.

" Master! May problema po sa taas " saad nito, hinihingal ito at hinahabol ang paghinga.

" Anong problema? " tanong ko sa kanya.

" May nag-aaway po "

Agad akong pumunta sa taas para tignan ito. Habang paakyat ako ay unti-unti kong naririnig ang mga boses nito na nagsisigawan.

" Anong nangyayari? " tanong ko sa isang crew.

" Away po ng legal at kabit, Master " aniya.

Nilapitan ko ang mga ito para awatin sila, nakakahiya rin kasi sa ibang mga customers.

Pumagitna ako sa kanila " Excuse me, pwede po bang huminahon muna tayo? " pagpapakalma ko.

Sinamaan ako ng isang babae " Paano ako kakalma, Ms?! Kabit 'yan ng asawa ko! " idinuro nito ang babae sa likuran ko.

Sumagot ang babae nito " Eh ano naman kung kabit? Atleast maganda! " saad nito.

Dahil sa sinabi ng kabit na ito ay mas lalo pang nagalit ang legal na asawa.

Ako naman ay todo awat sa pagitan nila. Kinausap ko na rin ang lalaki na kung pwede ay huwag sila rito.

" Kuya, ano? Walang aksyon? " saad ko habang nagpapalitan ng mga salita ang dalawang babae. " Kausapin mo po itong dalawa, nakakahiya sa mga customers ko " dagdag ko.

" Enough! " sigaw ng lalaki.

Hinila nito ang kanyang asawa pababa ng shop at ang kabit naman nito ay naiwan. Umalis din naman ito kalaunan dahil mukhang nahihiya, pinagtitinginan ba naman ng ibang mga customers ko.

Bumaba nga ako para tignan sa labas kung nakaalis na ba ang mga ito, baka kasi may part 2.

" Anong meron? " tanong sakin ni Khleia na nasa nakatayo sa pwesto niya.

Napakamot ako ng ulo at tumgin sa kanya " Nagkaroon ng away sa taas, yung kasama ng lalaki kanina totoong asawa niya at yung babae naman na nauna sa akin lumabas ay ang kabit "

" Ay! Kabitan ang nangyari sa taas, kwento mo sa 'kin yung mga nangyari " aniya, interesado itong malaman ang nangyari.

Tinignan ko ito " Eh kung magtrabaho ka kaya noh? " hinayaan ko ito at pumasok na sa loob.

" Damot! " sigaw nito sa akin.

•°•°•°•°•°•°•°

HWAA [ Flower & Fire ]Where stories live. Discover now