Chapter 1

3 2 0
                                    

[ Jhoylyn's POV ]

Ako nga pala ang nagmamay-ari ng isa sa sikat na bakeshop dito sa City na pinangalanan kong "sweet moments"

" Ano ba?! Bakit ang kalat naman dito?! " sigaw ko sa mga empleyado ko sa loob kung saan iniluluto at inihahanda ang mga cakes and breads bago ito idisplay sa counter.

" Yung wire whisk hugasan agad pagkatapos gamitin! 'Wag ibabad sa tubig at baka mangalawang! Naku! "

Sa pag-iikot ko para tignan ang mga ginagawa ng mga empleyado ko ay napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko.

"Ikaw? Anong tinitingin-tingin mo?" sigaw na sambit ko sa kanya.

Lumapit ito sa 'kin ng dahan-dahan " Ang aga-aga nagagalit ka na naman, Jhoy"

Natawa ako sa sinabi nito at sinagot ko agad ito.

"Hoy lalaki ka, ipupukpok ko 'yang rolling pin na hawak mo kapag ginanyan mo pa ako" pagbabanta na saad ko sa kanya.

"Keme lang anteh! Highblood ka na namam kasi eh, may pande regla ka ba ngayon? " pabirong sabi nito sa 'kin.

Nandiri ang mukha ko at akmang hahampasin ko na sana ito ng kamay ko pero nakatakbo agad at bumalik na sa kanyang pwesto.

" Walangya ka, Sebastian!! Kadiri 'to " sigaw ko sa kanya.

Pumunta na nga ako sa labas para tignan kung naka-ayos na ang mga lamesa't upuan at kung napalitan na ba ng bagong kurtina ang mga binta.

" Nice! Maganda ang kurtina, Khleia ah. Good job! " ngiting sambit ko sa kanya at binigyan ko ito ng finger heart.

Natawa si Khleia sa ginawa ko kaya naman ay ginaya niya rin ito.

Sumigaw ako para tawagin ang lahat ng empleyado para sabihin sa kanila ang mga kailangan gawin.

"Guys! Pumunta muna kayo rito" sigaw ko.

Nagmadali naman silang lumabas para pakinggan ang mga sasabihin ko.

Pinaalala ko lang sa kanila ulit ang karaniwang na ginagawa namin dito sa bakeshop.

Sinabi ko kung paano tratuhin ng tama ang mga customers para magkaroon ng magandang rating ang shop.

"And guys... 'wag kakalimutang ngumiti sa mga customers ah, para maramdaman nila na welcome sila parati sa shop na 'to okay?"

"Yes! Master Jhoy!" sigaw ng mga empleyado.

"And again kapag may nakasalumuha kayong rude customers palayasin niyo agad, dahil dito sa Sweet Moments..." saad ko at turo sa kanila para banggitin ang inihanda nilang entry sa araw na 'to.

"Bitter customers are not allowed!" sigaw nila at naghiyawan.

Napangiti ako sa entry nila at pinabalik ko na ang mga ito sa kanilang mga pwesto.

"Wow! Maganda ahh, hindi katulad noon nakaraan. Okay guyss, be ready na dahil 5 minutes nalang at magbubukas na tayo!"

Agad silang bumalik sa kani-kanilang pwesto at gawain, habang ako ay naka-abang sa pinto habang tinitignan ang oras sa relo para baliktarin ang karatula na ang nakasukat ay "closed"

Pagpatak ng 8:30 am ay agad ko na itong binaliktad, maya-maya lang ay may papasok na isang cutomer na lalaki. Matangkad, naka-shade at moreno, napaka-kisig pa nito maglakad papalapit sa pinto.

Binuksan ko ang pinto at agad ko naman binati itong binati.

" Good morning! Welcome to Sweet Moments " pagbati ko sa kanya.

Nakatitig ito sa akin ng ilang segundo, kaya naman ako ay nagtataka at napapaisip kung anong problema ng lalaking 'to sa 'kin.

" I like your outfit " aniya, agad naman itong pumunta sa mga bakanteng upuan.

Napatulala ako dahil sa sinabi niya at tinawag ko na lamang si Khleia para i-assist ang lalaking ito.

Tinignan ko nga lamang ito at hindi ko na napansin at nabati ang mga ibang customers na pumupasok sa shop.

Parang iba yung naramdaman ko nang sabihin niya 'yon sa 'kin.

"Walangya 'to ah, balak atang baliwin puso ko nito. Kalma hearty!" bulong ko at nakatingin ng masama kung saan siya nakaupo habang hinahaplos ang dibdib ko.

•°•°•°•°•°•°•°

HWAA [ Flower & Fire ]Where stories live. Discover now