Chapter 10 - Dark Plans

Start from the beginning
                                    

“Nag-alala ako na baka anong nangyari sa'yo kanina no'ng umalis ka. Kaya naghintay ako.” Bakas ang pag-aalala sa mga mata niya hanggang ngayon.

Nagkatitigan kami ng ilang saglit. Saglit na katahimikan ang dumaan bago ako nagsalita.

“Ayos na po ako. Salamat. Pasensiya na sa abala. A-Aalis na ako.” Bahagya akong yumuko.

Akmang lalampasan ko na siya nang magsalita siya.

“Alam kong nagulat ka sa sinabi ko kanina. And I'm sorry.”

Napalunok ako't binalingan siya. Kung ganoon, lalayo na siya? Hindi niya na ako lalapitan simula ngayon? Naintindihan niya na ba ang sitwasyon? Magiging tahimik at maayos na ba ang lahat?

May pagsusumamo sa mga mata niya.

“Am I bothering you, Inneya?”

Napaawang ang bibig ko. Agad akong sinalakay ng kaba sa dibdib. Kahit kailan hindi ko inisip na ganoon siya. Gusto ko siyang lumayo sa akin pero hindi sa gano'ng dahilan.

“Just tell me, kung nakakaabala na ako lalayo ako, Inn.” Nanatili ang lungkot sa kaniyang mga mata.

“Diego...” Hindi ko na alam ang sasabihin.

“Maiintindihan ko, hindi ko rin ito ginusto pero naramdaman ko na lang bigla, and I'm sorry if that makes you uncomfortable. I'm so sorry.”

Kumuyom ang kamao ko. Nakagat ko ang ibabang labi nang makaramdam ng pagsikip ng dibdib.

“I'm going back to states tomorrow. Thankfully, I see you for the last time before I go... and I was given an opportunity, Inneya.”

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pamamasa ng mata niya. Tila iiyak. Tila may mahuhulog na luha doon ngunit pinipigilan niya. I didn't expect to make him cry. He's not that fragile to cry over someone like me. I'm not worth crying for, so please don't dedicate those tears to me.

Sa pangalawang pagkakataon. Aalis ulit siya. Ngunit hindi na tulad noong masaya ko siyang pinuntahan sa mansyon para bigyan ng flute. Ngayon ay babalik siya sa ibang bansa ng may pasakit na dala dahil sa akin.

Ano ba itong pinaparamdam mo sa'kin Diego? Ano ba itong paninikip dito na hindi ko mawari? Bakit kailangan ko itong maramdaman?

Katahimikan ng gabi, mahihimigan ang mga insekto na papalit palit sa pagtunog na nagkalat sa paligid. Tinatanaw ko ang likuran ni Diego. Nakasakay na siya ng kabayo. Tila pinapabagal lamang ang paglalakad ng kabayo niya. Tila binabagalan niya ang pag-alis. Sinadya niya ba talaga iyon o pakiramdam ko lang?

Nagkalat ang mga umiilaw na alitaptap sa paligid, napakaganda ng gabi. Ngunit ang atensyon ko ay nakatuon sa likuran ng lalaking papalayo... sa likuran ng lalaking binibagalan ang pag-alis. Tila hinahamon akong sumunod. At habang papalayo siya ay tila bumibigat ang pakiramdam ko.

At oo, nanalo siya.

Dahil natagpuan ko ang sariling tumatakbo upang sundan si Diego na papalayo. Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa ko ito sa kabila ng lahat ng pag-iwas ko kay Diego.

I'm doing what my heart tells me, I think I might regret letting him leave like this. Tila agad naglaho ang lahat ng inaalala ko nitong mga nagdaang taon. My mind is clouded. I can no longer see the consequences of the decisions I'm making. All I see is what's happening now... what I'm feeling now.

Bahala na, kung ano man ang magiging resulta nito. Bahala na!

Nang lingunin ni Diego ang likuran at nakita akong sumusunod ay agad niyang pinatigil ang kabayo. Mabilis niya itong nakabig at binitiwan ang renda upang bumaba. Kitang gulat na gulat siya, tila naguguluhan pero tanging gusto ay lumapit.

Dark Obsession / Dark Plans - tagalog (on-going)Where stories live. Discover now