Chapter 4: Kath is sick!

8 0 0
                                    

[ Kabanata 4 ]

The next morning, i was playing under the sun when i saw someone in my peripheral vision...yung lalaking magaling magpalipad ng saranggola...

He was buying something sa store sa tapat ng bahay nila nanay Fely. Agad kong inayos ang magulo kong buhok ng napalingon ito saakin

Call me assuming pero parang nakita ko syang ngumiti ng napatingin sya saakin?

OH MY GHAD!!! HALA HINDI 'TO PWEDE!....I THINK.....I THINK ...CRUSH KO NA SYA!

I suddenly ran towards our doorstep at agad na nagsara ng pinto.

BAKIT BA KASI ANG CUTE NYA!?

It's already 7:30, at ang usapan ay 8:00am ang oras ng practice namin ng sayaw. Mabilisan akong naligo at nagbihis ng yellow na floral dress. Si mama kasi! Ang hilig-hilig akong bilhan ng ganitong damit! Eh no choice naman ako kasi karamihan ng nilagay nya sa bag ko ay puro dress.

Nagsusuklay ako ng buhok ng nakaramdam ako ng pagka hilo, kumain naman ako ng almusal kanina kaya hindi ko alam kung bakit ako nahihilo. Umup muna ako saglit ng bigla akong sumuka. "Naku Kath! Anong nangyayare sayo apo! Masama ba pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong ni nanay Fely at dinampi ang likod ng kanyang palad sa noo ko "wala ka namang lagnat" nagtatakang pag aalala nila. "Opo 'nay ayus lang po ako" sambit  ko nalamang at pilit na ngumiti. Pagkatapos kung sumuka ay biglang umayos ang pakiramdam ko kaya tumuloy parin ako sa practice at pinayagan naman ako ni 'nay Fely, ang sabi nila ay baka may nakain lang daw akong hindi gusto ng tiyan ko.

"Kath! Ayus kalang?" Pag aalalang tanong ni tita Jona dahil sa kalagitnaan ng pag sasayaw namin ay bigla akong nahilo at napa upo, umiling ako kaya inalalayan  nya ako para umupo muna sa tabi.

Nagpatuloy ang practice habang ako ay naka upo lang at nanonood kahit na sinabi kong ayus na ang pakiramdam ko, baka daw kasi mapano pa ako kapag pinilit ko pang sumayaw.

Maaga ding natapos ang practice kaya minabuti ko nalang munang matulog at magpahinga.

"Kath-Kath...gising na apo, maghahapunan na tayo" gising saakin ni 'nay Fely. Mukang napasarap tulog ko at diko namalayan ang oras, gabi na pala.

"Kath, kamusta pala practice kanina? Nahilo ka parin ba?" Pag aalalang tanong ni 'nay Fely. Umiling-iling nalamang ako dahil ayaw ko silang mag alala.

Kinaumagahan, pupungay-pungay ang mata kong lumabas ng kwarto at tumungo sa balkonahe upang salubungin ng yakap si 'nay Fely.

Nag iinat akong lumabas ng pinto and to my shock, nandito si Kiel! May kasama syang babae na may katandaan na din na sa tingin ko ay lola nya. Nakaupo sya sa simentong upuan na nakakonekta sa pader.

Kung gaano ako kagulat na nandito sya ay sya ding ikinagulat nya, dahil kita ko ang paglaki ng mata nya at pag ayos nya ng upo hindi tulad kanina na tamad syang nakasandal sa pader at bigla syang napa unat ng likod.

Dali-dali akong pumasok ulit sa loob at nag ayos ng sarili, muli akong lumabas at umupo sa tabi ni 'nay Fely.

Mukang magkaibigan ata si 'nay Fely at ang lola nitong si Kiel.

"Kath magmano ka kay lola Lordes" sambit ni 'nay Fely kaya't tumayo ako at lumapit kay lola Lordes upang mag mano.

Di nagtagal ay nagpaalam na din sila. Nagpaalam ako kay 'nay Fely na pupunta muna ako kila Mira upang makipaglaro, lagi kasing madaming bata doon.

Total walang practice ngayong araw ay nagplano kaming magpipinsan na mag picnic sa silong ng mangga sa may bukid. Junkfoods ang dinala naming pagkain.

It's already 3pm kaya napagpasyahan na naming pumunta sa silong ng mangga. Naglatag kami ng kumot sa lupa at inilapag ang mga dalang pagkain na halos lahat ay junkfoods.

Makalipas ang dalawang oras ay napagpasyahan na din naming umuwi, kitang kita pa ang bahay nila Mira mula dito sa may puno ng mangga kaya't hindi ito masyadong malayo

Pagsapit ng gabi ay heto nanaman at nahihilo nanaman ako na pakiramdam ko ay magduduwal nanaman ako. Napatakbo ako sa labas at napahawak sa tuhod ko at nakayuko naman ang ulo ko sa tapat ng damuhan at sumuka nanaman ako.

Nahihilo na talaga ako, pakiramdam ko hindi kona kayang maglakad pa. Kahit nanginginig na ang mga hita ko ay pinilit ko paring makatayo at dali-daling naglakad patungo sa kwarto. Naglakad ako ng normal na parang walang nararamdaman dahil ayaw ko ng mag alala pa si 'nay Fely.

Dumaan pa ang mga araw at lalo pa atang lumalala 'tong nararamdaman ko dahil pati tagiliran ko ay sumasakit  din.

Nandito kami ngayon sa dress shop at nag susukat ng costume na isusuot para sa sayaw.

Up until now wala pa din akong pinagsasabihan ng mga nararamdaman kong sakit sa katawan, maging ako ay natatakot narin sa kung anong nangyayare saakin.

Bukas na i-peperform ang sayaw namin at kinakabahan na talaga ako dahil hindi parin bumubuti ang pakiramdam ko.

"Kath, nasabi ko na kay tita Jona mo na hindi ka makaka punta bukas" Malumanay at may halong lungkot na sabi ni 'nay Fely habang pinupunasan ng maligamgam na bimpo ang noo ko.

Di nagtagal ay hinihingal na pumasok ng kwarto si tita Lea at agad na tinignan ang temperatura ko sa gamit ang kanyang palad - si tita Lea ay ang bunsong kapatid ni mama. Sya ang the best tita sa lahat.

"Tinawagan ko na sila ate Yuna, ang sabi dalhin na daw natin sa hospital si Kath, susunod nalang daw sila" nag aalalang sambi ni tita Lea kay 'nay Fely.

Hindi ko na naalala pa kung paano kami nakarating dito sa hospital, basta paggising ko ay nasa hospital bed na ako at naka dextrose ang kaliwang kamay.

"Oh Kath, gising kana pala" bungad ni tita Lea pagpasok nya ng pinto.

Author:

Keep reading guys! Sorry for slow update...busy din kasi ako.😞

I hope your enjoying my story...este kay Kathlea pala😉

Have a good time! 😘

Love UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon