Chapter 3: Dance Partner

4 0 0
                                    

[ Kabanata 3 ]

Nag memeryenda kami ng mga pinsan ko sa store na tapat ng bahay namin ng lapitan kami ni tita Jona,anak ng pinsan ni nanay Fely "mga bata gusto nyo bang sumali sa sayaw? Gaganapin ito next week,dibale madali lang naman ang steps" pag aalok nya saamin "sige po sali ako!" Masiglang sagot ni Anne
"Ako din po!" Sabi na din ni Mae at Bella. "Kayo Kathleen, Mira, Kisha?" Tanong ni tita Jona dahil hindi kami kumikibo.

"Oh Jona ikaw pala!" Bungad ni nanay Fely paglabas nila ng bahay. "Good morning po tiya Fely!" Masayang bati sakanya ni tita Jona "anong sadya mo dito at mukang napakasaya ng mga bata!" Tanong ni nanay Fely ng makita nyang tumatalon-talon sa tuwa sila Anne

"Gusto ko po sana silang imbitahan na sumali sa sayaw na gaganapin sa susunod na linggo" ngiting sambit ni tita Jona "Aba maganda yan! Sige na Kath sumali ka at ako na ang bahalang kumausap sa mga magulang mo na hindi ka muna makaka uwi sa susunod na linggo" saad naman ni nanay Fely kaya't napatango nalamang ako.

Sa totoo lang hindi ko naman talaga alam sumayaw huhu...dibale nangalang! I'll just try my best.

Pati sina Mira at Kisha ay sumama na rin.

Day-care teacher si tita Jona kaya naman sa Day-care school nya kami pinapunta upang mag practice ng sasayawin. Medyo malayo sa bahay nila nanay Fely pero kaya namang lakadin, tatawid lang sa highway and then mag lalakad ng mga 20 meters siguro.

Oh? Akala niyo kaya na naming tumawid sa highway ng mga pinsan ko ng kami-kami lang?Hahaha. Buti nangalang at kapitbahay nila nanay Fely si tita Jona kaya siya ang kasabay samin sa pag punta at sa pag uwi.

Madami-dami na din ang mga batang nandito na halos lahat ay ka edad lang namin, yung iba pamilyar ang muka na siguro ay kapitbahay nila nanay Fely, yung iba naman ay first time ko lang makita.

May isang lalaki na ka edad ko na nakakuha ng attention ko dahil kanina pa tingin ng tingin sakin! Sa tuwing titignan ko naman siya ay bigla nyang ibabaling ang tingin nya sa iba, kaya't tinuon ko nalang ang pansin ko sa mga iba pang batang naglalaro but in my peripheral vision ay kitang-kita ko na nakatingin nanaman siya! Geez!!!

"Okay kids, mag uumpisa na tayo" panimula ni tita Jona pagkatapos nyang i-set up ang speaker

"Okay, by partners tayo boys and girls" sambit ni tita Jona ngunit walang ni isang gumalaw saamin para mag hanap ng partner, marahil ay nagkakahiyaan pa tong mga kasama ko.

Ako? - eh wala naman akong kilala dito eh, paano ako makaahanap ng partner?

"Okay Anne and Paulo come in front" panimulang sambit ni tita sa pag aarange ng mga mag partners

"Next line, Mira and Gab"

"Third line, Kathlea and Kiel"

Nagulat ako ng pangalan ko na ang banggitin ni tita Jona. Napatingin ako sa lalaking tinawag nyang Kiel and to my shock! siya yung kanina pa tingin ng tingin saakin! Kung minamalas nga naman oh!

Hindi ko na naintindihan pa ang mga pangalan na binanggit ni tita Jona na kasunod namin dahil masyadong na occupied ang utak ko! Napansin ko nalang na magsisimula na pala ang sayaw. Napansin ko nalang na nasa unahan pala kami naka pwesto, pang una sa third line.

"Okay, first step is hold your partners hand and then face your partner" panimula ni tita Jona.

Dun palang tumayo na balahibo ko ng magkatinginan kami sa mata nitong si Kiel. Geez!!!

"And then swing your body back and fort 3 times"

Medyo mahirap yung steps para saakin dahil nga hindi ako marunong sumayaw, minsan natatapakan ko pa ang paa ni Kiel.

"Naku sorry ulit!" Pag aalala kung sabi ng makita kung napa pikit sya ng naapakan ko ulit ang paa nya for the third time. "Okay lang" sambit niya at ngumiti. No hindi ka okay! kitang kita kaya sa ekspresyon ng muka niya kung paano sya ngumiwi ng natapakan ko sya! Ang pangit nga nya eh! Char hehe!!!

Okay aaminin ko, cute si Kiel lalo pag ngumingiti o tumatawa kahit nga kanina ang cute parin nya eh!

Uy hindi ko sya crush ah!

Mahigit 2 oras ang itinagal ng practice namin kaya't mag-gagabi na ng makauwi kami.

"Nanay!" Sabay-sabay naming bati kay nanay ng madatnan namin syang nag didilig ng halaman. Sabay-sabay kaming yumakap kay nanay na syang ikinatuwa nila. Hinaplos ni nanay Fely ang maliliit at amoy pawis naming ulo.

"Naku! Ang lalambing talaga ng mga apo ko! Oh siya sige mag pahinga na kayo at ng makaligo, amoy pawis na kayo oh" pang aasar saamin ni 'nay Fely.

Pagkatapos ng yakapan ay nagsi uwian nadin ang mga pinsan ko sa kani-kanilang bahay. "Nay maliligo na po ako" paalam ko kay nanay Fely.
"Oh sige at nang ma preskuhan kana, amoy pawis kana eh" nakangiting sabi nila.

6pm palang pero grabe na ang antok ko, buti nalang at maaga kaming nag hapunan. Pagkahiga ko sa kama ay hindi kona napigilan ang pag pikit ng mata ko hanggang sa nagdilim na ang buong paligid ko.



Author:

Hello guys!

Keep reading!

Love you all! 💐

Love UntoldOnde as histórias ganham vida. Descobre agora