Chapter 6: Seizure

4 0 0
                                    

[ Kabanata 6 ]

Third Person's POV:

[ 10 pm ]

"Yuna anak!, kamusta na ang apo ko?" Bungad ni 'nay Fely. Bakas sa muka nito ang pag aalala. Agad nyang hinaplos ang noo ng kanyang apo na si Kath. "Nakatulog po sya kanina dahil sa kaiiyak" malumanay na saad ni Yuna habang nasa tabi nya ang asawa na si Rouge, nakaupo sila sa tabi ng kama ng anak.

"Ang kawawa kong apo" malumanay at nalulungkot na sambit ni 'nay Fely habang hinahaplos ang ulo ni Kath. "Nga pala Yuna, kumain na muna kayo ng asawa mo, may dala akong kanin at ulam nasa bag ko" saad ni 'nay Fely. "Salamat po 'ma" sambit ni Yuna at pinilit na ngumiti.

Tahimik silang kumain ni Rouge sa isang maliit na table sa tabi ng pintuan nang may pumasok na nurse upang i-check ang kalagayan ni Kath, agad na napatayo ang mag asawa.

"Doc, kamusta na po ang anak ko?" Nag aalalang sambit ni Yuna. "Wala paring nagbago sa kalagayan nya,tila hindi na absorbed ng katawan nya ang mga gamot na binigay namin" kunot-noong saad ng doktor. Muli nanamang nanlumo si Yuna at napaupo, may nagbabadya nanamang luha na gustong pumatak mula sa kanyang mga mata. "Doc, please...gawin nyo ang lahat ... Huwag nyong susukuan ang anak namin" sambit ni Rouge habang pinapatahan ang asawa sa pag iyak.


"Doc, parang awa nyo na,pagalingin nyo ang apo ko" nagmamakaawang sambit ni 'nay Felly habang papalabas na ang doktor
"We'll do what we can"



After 3 weeks

[ 10 pm ]


Lumabas saglit si Lea upang bilhin ang niresetang gamot ng doktor.

"Ma, gusto ko nang umuwi at maglaro sa labas, mag aaral pa akong magpalipad ng saranggola. I'm sure hinahanap na ako ng mga pinsan ko" nanghihinang saad ni Kath sa kanyang ina. "Sige uuwi tayo...pero kailangan mo munang magpagaling okay?" Sagot naman ng kanyang ina na naka upo sa tabi nya habang hawak ang kamay ng kanyang anak at ang asawa naman nyang si Rouge ay nagkakape sa maliit na table.


"Ma, gusto ko ng gatas, iinom ako ng gatas para mas mabilis akong gumaling" pilit na ngiting saad ni Kath. Napangiti ang kanyang ina at agad na nagtimpla ng gatas.


"Heto, ubusin mo ha" nakangiting sambit ng kanyang ina. Nakalahati palang ni Kath ang isang basong gatas ng iabot nya na ito sa kanyang ina kasabay ng kanyang pag iling na nagsisimbolong ayaw nya na. "Akala ko ba uubusin mo?" Sambit ng kanyang ina "busog na ako 'ma" saad nya at sumandal sa headboard ng kama.

Di nagtagal ay nakabalik na si Lea na may dalang gamot at nagpaalam na uuwi muna upang makapagpahinga.


1 o'clock am na kaya nakatulog na ang mag asawa, pinagtabi ni Rouge ang dalawang monoblock na upuan at doon humiga,si Yuna naman ay nakaupo sa tabi ng kanyang anak habang ang ulo nya ay naka unan sa kanyang kamay na nakapatong sa kama.


May dumating na nurse upang i-check ang kalagayan ni Kath kaya't nagising si Yuna. Pagkaalis ng nurse ay ginising nya ang asawa upang painumin ng tubig ang kanilang anak na. Pinaupo ni Rouge si Kath at isinandal sa kanyang bisig. Napainom na nila si Kath ngunit tila ba hindi pa nito nilulunok ang tubig dahilan upang tumulo ito sa kanyang damit,ang mga mata ng bata ay napako sa kisame kaya't tinignan ng mag asawa kung anong tinitignan nito,ngunit wala naman silang nakitang kahit ano kundi ang ilaw.
Halos hindi kumukurap ang batang si Kath kaya't nag uumpisa ng mabahala ang kanyang ina.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Jan 04 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Love UntoldOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz