OCEAN EYES

11 0 0
                                    

Trenta'y uno, Disyembre Dalawang libo at dalawampu't tatlo.

Andaming taong nagkakantahan, nagsasayawan at nag-iinuman. Siguro nga'y isa itong selebrasyon kung saan gaganapin ang bagong marka ng taon. Kung saan may bagong buhay nanaman ang naghihintay.

Sila ay kasalukuyang napapalibotan ng mga mamahaling pandekorasyon. Malawak ang lugar at karamihan dito ay puro mga imported na inumin.

Lahat ay nagsasaya at tila masigla sa kani-kanilang ginagawa.

Pero hindi ako sigurado dahil may mga iilan na nag-iisa.

"123." Sambit ng isang lalaki na kanina pa nakatanaw sa labas habang pinagmamasdan ang kalangitan sa taas.

Patuloy parin ang malakas na tugtog na pinapakawalan ng mga malalaking speaker. Yung tipong kaya nitong manwasak ng puso at baga lalo na sa mga taong may karamdaman.

Sa hindi inaasahan ay biglang tumigil ang malakas na ingay.

May mga bulungan na nagaganap sa palibot at mistulang malaki ang kaguluhang sangkot.

Hindi pa nagtagal ay may umagaw na ng eksena. May nangyayari ng kaguluhan sa may gitna. Na labis namang nakuha ang atensyon ng mga tao.

Nagsusuntukan and dalawang binatilyong ito sa hindi malamang rason. Mga magkakaibigan ang nangunguna sa kasiyahan. Pero sila rin ang ulo ng kaganapan. Kaya lamang dumami ay dahil sa mga iilan pang dumagdag na syang pasimuno at nag-imbita ng iba pang mga kasama.

"YOU HAVEN'T CHANGE YET! YOU'RE STILL THE SAME LOSER WE USED TO KNOW!!" Sigaw ng lalaki sa kapwa nya lalaki kahit na dumudugo na ang noo at gilid ng labi nito dahil sa natamong pinsala mula sa kanyang kalaban ngunit kahit lamog na ang kanyang mukha ay ipinagpapatuloy nya parin ang opensa sa inaakalang kaya nyang bawiin ang mga sugat na kanyang nakuha.

Walang sinabi ang kanyang kasuntukan na kasalukuyang kaharap nya ngayon. Madilim ang aura nito na sa unang tingin pa lamang ay yayanig na ang buto mo.

Matapos nyang magawa iyon sa kasama ay tinignan nya ito mula ulo hanggang paa at sa huli ay nagpakawala ng ngisi sa labi na para bang nangungutya. Tumalikod na rin ito at naglakad paalis. Ang mga tao sa paligid ay nagsitabihan na para bang natakot sa kanilang natuklasan.

"What's happening?" Tanong ng lalaking kakadating lamang na may hawak ng wine at naka-akbay sa kanyang kasamang kurbadong babae.

Tinignan lamang sya ng katabing pinagtanungan na nagpapahiwatig na itikom na lamang bibig at huwag ng alamin hanggang maari ang mga pangyayari.

Maliban sa kaguluhan ay wala ng may gustong gumawa pa ng ingay at tanging ang mga mata nila ay nakatuon doon sa away.

Ang mga babae namang nagsisigandahan ay napatayo rin at bakas sa kanilang mukha ang pagkagulat.

May mga pumagitna at tumulong para awatin ang dalawa. Tatlo ang nakahawak doon sa isa samantalang isa naman ang nakatuon at pilit na kinakausap ang lalaking may ibang kulay na mata.

"Ocean."

Hindi pa nagtagal ay tuluyan na rin syang umalis, iniwan nya ang isang nanlilisik na tingin mula sa kalayuan at mula sa marami. Maraming nagpapakalma at sadyang tumigil ang madla.

Imbis na magsaya ay napalitan ito ng takot at pangamba.

"that dumb guy."  Hindi pa rin mapigilan ang galit nito doon. Siguro ito ay ang epekto ng alak at pinagsama-samang sama ng loob.

Hindi naman natin sila masisi dahil hindi naman natin alam ang kanilang panig at istorya. Pero gayun paman ay sadyang uungkat parin ito sa ating mga isipan.

Mapupuno ng misteryo ang buong kwento at tauhan. Kaya huwag tayong magtiwala agad sa kanila dahil baka mamaya ay dumilat ang inyong mga mata.

At masinag sa katotohanan. Wala tayong alam sa mga pangyayari kaya kung sabagay ay tatanungin natin ang ating sarili.

Hindi naman ako kabilang sa kwento pero bakit parang may tagos sa aking kaluluwa na nagsasabing ako ang bida nito.




"T@NGINA! ANO BANG KLASENG KWENTO TOH?" Reklamo ko habang binabasa yung bagong labas na libro.

Tungkol pala ito sa dalawang lalaki na nag-aagawan sa iisang babae. Nakita ko lang sa cover. Yung isa kasi mayaman at mayabang tapos yung isa naman puno ng mystery.

Nakakatamad talaga magbasa lalo na kapag ganyang yung pagkakasulat.

Apaka hava. Unang chap palang. Mahihilo ka na.

"Miss, bibilhin mo ba yan?" Tanong nitong si Kuyang salesman na kanina pa nakatingin sakin.

Kung makatingin akala mo naman nanakawin ko tong libro nila. Grabe ang mga trust issues!

"Kuya wala naman sinabing kapag binasa mo, bibilhin na kagad." Pilosopo kong sambit sa kanya.

Pinapakulo neto yung ulo ko eh. Masakit na nga yung utak ko dahil dito sa libro tapos dadagdag ka pa.

Gusto mo suntukan nalang eh!

"Miss hindi naman sa ganon pero mababawasan na yung price nyan kapag may humawak o nadumihan." Paliwanag nito sa Sovra sobrang ayos na pamamaraan ng pakikipag usap.

Tánginà talsik laway ba naman.

Hinablot nya saakin yung libro at tinakot pa kong tatawagin nya yung guard.

Ang gusto nya samahan ko pa sya eh tutal sya pa yung magnanakaw saming dalawa.

Umalis na ko sa bookstore dahil naiinis na ko. Ang sasama ng ugali akala mo naman mamahalin yung librong binasa ko. Hindi naman ganon kaganda.

Nung nakalayo kayo ako at naglalakad ng pauwi ay dun kolang naisip na ang Bóbà ko talaga.

Pumunta nga pala ko sa bookstore kasi naghahanap ako ng libro about sa Elementary differential equations.

Isa pa tong course na to! Hanggang ngayon ayaw akong patahimikin.

Drained na yung utak ko sa mga solving tapos pa projects ng mga prof. Iniisip ko nga na baka i-summer class nanaman ako.

Parang gusto kong magpalit ng course. Eh kung mag shift kaya ako?

Sana pala accounting nalang kinuha ko para madali.

Pero may Math din yun eh!

Kung Architecture?

Kaso lang pangit ako magdrawing tapos hindi pa ko pantay magruler. Baka masira ko pa yung plate ko sa sobrang inis.

Chemistry?

Ngayon nga lang bagsak na ko sa Math sa Science pa kaya. ༎ຶ⁠‿⁠༎ຶ
Eh kung magboyfriend nalang kaya ako ng matalino?

Pero sa pangit kong to?? Magkakaboyfriend pa ko?!
Tomboy nga tawag nila sakin e. Diba ang kakapal ng mukha.

Maging tambay nalang?

Pinaka right choice na pipiliin ko.

Ohh I love my LiFe!

THE ROOM OF STARSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora