Never na rin akong umangal kasi nagugutom na ako, at sobrang dilim na para mag hintay pa ako ng masasakyan. Buti nga mataas ang pasensya ni Luke at hindi ako iniwan dito.

"Ano bang problema mo? Kung nag seselos ka sabihin mo lang" aniya kaya napabaling ako sa kaniya.

"Hoi! Kahit mag chuk-chakan pa kayo sa harapan ko wala akong pakialam" mabilisan kong sagot sa kaniya.

"What is chuk-chakan?" Tanong nito saakin.

Talaga namang!

"Alam mo na yan, bahala ka sa buhay mo" dahil sa inis ko, mas pinili ko nalang manahimik hanggang sa makarating at makapasok na kami sa bahay.

HINDI ko parin siya pinansin hanggang makarating na kami sa bahay.

"Lil, what's wrong?" tanong nito. Pero hindi ko parin siya pinansin.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila paharap sa kaniya, kaya napabaling ako sa kaniya.

"Okay, kung tungkol ito kay Kiana, you don't have nothing to worry about. She's my ex and that's it! We don't have any communication kaya nagulat ako na nakita ko siya ulit dito" paliwanag niya.

"Ahhh, wala nang communication? Kaya siguro ang ganda ng usapan nyo no? Kaya siguro pangiti-ngiti kang kausap siya kanina kasi namiss mo siya"

"come on, it's not like that"

"then what, Luke?"

"Wala akong namiss sa kaniya, okay? We ended up our relationship with a closure. And after that wala na kaming communication because we respect our new journey without eachother"

Tumango-tango nalang ako, dahil doon palang sa part na nag karoon sila ng closure, lugi na ako. Aalis na sana ako, pero pinigilan ako ni Luke.

"wait" aniya. Pero pinilit ko pading kunin ang kamay ko na hawak hawak ni Luke.

"Okay na, na-iintindihan ko na" Ani ko, nang tuloyan ko nang makuha ang kamay ko. Tatalikuran ko na sana siya, pero may pahabol pa siyang sinabi.

"guilty kaba? nag throwback ba sayo yung ginawa mo dati kaya hindi moko magawang kausapin ngayon?"

hindi ko nalang siya pinansin at nag patuloy na akong naglakad papuntang hagdan. Pero talaga namang ayaw ako tan-tanan ni Luke.

"Luke, tumigil ka n–"

pinutol agad ako ni Luke "No! Let's talk about this" aniya at hinila niya nanaman ang kamay ko dahilan kaya mapaharap ulit ako sa kaniya.

"Ano ba!"

"let's talk, bigla-bigla ka nalang nagagalit nang walang dahilan. Okay, kung tungkol ito  kay Kiana, then let's talk about her"

"Wag na! dahil alam kong Ipapamukha mo lang saakin kung gaano ako kasama dati"

"What?"

"Forget about Kiana. Let's talk about the past, diba gusto mo pag-usapan yun? Diba this is the reason why you're here" tapang kong sinalubong ang galit nito sa kaniyang mga mata.

"Sige, linawin mo kung bakit moko iniwan?" galit na tanong saakin ni Luke.

Hindi pa ako nakapagsalita ay bigla nang inunahan ng mga luha ko "May dahilan Luke! Hindi kita iiwanan kung walang dahilan! I love you, and I'm happy being with you. But I'm afraid... Natatakot akong mapahamak ka nang dahil lang saakin. Mas okay pa saakin na malayo sayo, wag ka lang mawala"

"wha—I don't understand" pagtataka ni Luke.

Tumango-tango ako. Of course, hindi niya maintindihan kasi pati ako nagugulohan. Hindi ko alam kung anong takbo nang buhay ko dati, kaya siguro sinuko ko nalang lahat.

MAFIA BOYS SERIES #2 : LUKE WILLOW Where stories live. Discover now