Nagkasalubong ang mata namin ni Ashton nang lingunin niya ako. He looks really worried. Ngumiti ako sa kaniya para malaman niyang medyo okay na ako at puwede na siyang mag-stop mag-worry.

Bumuntonghininga siya. "I'm sorry. Wala ako kanina," sabi niya at binagalan din maglakad para magkasabay kami.

I chuckled softly. "It's fine. Hindi mo naman kailangan palaging isipin ako or si Leroy kaysa sa sarili mo. Siyempre, gusto mo rin magsaya. Hindi naman na talaga natin maiaalis sa mundo 'yung mga taong bastos," sabi ko at tiningnan siyang nakatingin lang sa malayo.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya pinisil-pisil ko 'yon para ma-cheer up siya. Hanggang mamaya malulungkot 'to si Ashton. Iisipin niya, paano kung anong nangyari sa akin tapos nahuli siya. Wala na siyang nagawa para sa akin. Gusto ko na lang umiyak kapag gano'n siya ka-caring sa akin. Ganitong-ganito rin si Papa at si Kuya sa akin. Kaya putangina no'ng Caiden na 'yon.

"Naiinis lang ako. Paano kung may nangyari sa 'yong masama? Anong gagawin ko, Zern? Magpa-panic ako sobra," sabi niya at bumuntonghininga na naman.

"Shhh! It's fine. Okay naman ako. Naprotektahan ko naman 'yung sarili sa lalaking 'yon. Nagpatulong din naman ako kay Jack. May bobo lang ako nakasalubong kaya lumala 'yung pag-iyak ko," sabi ko.

Umigting ang panga niya. "Tangina no'ng Caiden na 'yon. Gusto ko na siya patayin sa suntok kanina. Kung hindi ka nakahawak sa braso ko, baka marami na akong nagawa sa kaniya," sabi niya at umiling-iling pa at halatang naiinis na naman.

"Bobo 'yon, e. Kahit sabihin niyang hindi siya usually caring kasi siguro hindi siya mahal ng magulang niya, hindi dapat siya gano'n sa ibang tao. Bobo siya. So, dapat pa akong mag-thank you kasi tinanong niya ako kung bakit ako umiiyak? Kasi hindi naman niya 'yon usually ginagawa at in the first place, wala naman daw kasi siyang pakialam sa akin. Duh? Meron bang may care na tinatawag akong prick?" Sabi ko at umirap sa ere.

"Diyan ako naiinis. Sa pagtawag niya sa 'yo ng ganiyang words. Na akala niya ang dumi-dumi mo. Ni hindi mo nga siya hinahawakan o hindi ka nga nakikipag-flirt sa kaniya. Tangina niya. Naiinis na naman ako," sabi niya kaya ini-sway ko ang mga kamay namin para maagaw ko ang atensyon niya.

"Shh! Tama na, Ash. Thank you sa pag-defend kanina sa akin. Okay na ako. Na-comfort na ako ng paghawak mo sa kamay ko," sabi ko at ngumiti sa kaniya.

Napangiti na siya at unti-unting natawa nang mahina habang nakatitig sa nakangiti kong mukha. "Ice cream tayo?" sabi niya at nag-angat pa ng kilay.

Hindi na namin namalayan ni Ashton na malapit na kami banda sa highway, at marami na ro'n bilihan ng mga pagkain. Bumili lang kami sa DQ ng ice cream, bago kami nag-taxi pabalik sa university. Hindi pa siya nakuntento at hinatid niya pa ako sa mismong room ko.

"Thank you sa ice cream, Ashton. Maga-alas dos na, kukuhanin mo pa 'yung kotse mo ro'n sa club at hinihintay ka pa no'ng taxi ro'n sa baba. Magpapahinga na rin ako. May pasok pa tayo mamaya," sabi ko.

Napabuntonghininga siya habang nakatitig sa akin. Hinila niya ako para yakapin nang mahigpit. Pinatong niya ang ulo niya sa tuktok ng ulo ko. Niyakap ko rin siya pabalik. Hindi ko namalayan na naluluha na naman ako at kusa na lang din akong napangiti. This feels comforting. . . after ng nangyari kanina. I feel safe now.

Muli na naman siyang napasinghap at ngumiti sa akin. "Sige na, Zern. Magpahinga ka na. Babalitaan kita kapag nakabalik na rin ako sa dorm ko. Titingnan ko rin kung nando'n pa si Leroy. Mukhang nag-hotel ata, nakalimutang may pasok bukas," sabi niya at mahinang natawa.

Tumango ako at saka siya kinawayan bago pumasok sa room. Ako naman ang napabuntonghininga at sandaling natulala sa walang laman kong silid. Wala pa pala si Mishael. Lahat ata sila busy makipaglampungan.

Naghilamos lang ako saglit at nag-toothbrush bago nahiga. Napapikit ako habang nare-recall ko ang nangyari kanina. Pero muli rin 'yon mapapawi kapag naalala ko kung gaano ko na-feel na safe ako no'ng kasama ko na si Ashton.

Hindi ko alam kung bakit sobrang draining for me ng nangyari ngayon. Siguro, napagod lang din ako sa paglilipat and all. Kailangan ko pang i-deal 'yung bobong Caiden na 'yon. Ewan ko, pota. Lahat ata fail ngayong araw.

Hindi ako nakahanap ng pogi sa university. Nakahanap nga, bobo naman at homophobic. Nakapag-club nga ako, fail din naman at namolestiya pa ako. Umiyak pa ako! Tanginang 'yan. What a great day. Sana bukas maging maganda ang araw ko. Hindi agad maging stressing 'yung first day ng pasok. Please, Lord. Sana mapili po 'tong prayers ko.

Chineck ko ang schedule ko sa phone ko, afternoon pa naman ang klase ko kaya maiaayos ko pa 'yung org ko. Hindi rin pala ako nakapag-sign up kanina, puwede naman bukas. Sabay-sabay na lang kami nina Ashton.

Iyak lang ako today at anxiety girly, bukas balik alindog na ulit at balik slut era. Sana lang talaga, maging maganda ang araw ko bukas. Dahil kung hindi, sisisihin ko si Caiden sa lahat ng nangyayaring masama sa buhay ko. Tangina niya. Ino-normalize ko 'yon.

tite @zjoshvilla

Sana maging maganda araw bukas, kung hindi kasalanan ni Caiden. Good night!

#NormalizeBlamingCaidenForEverythingDahilBoboSiya 

Don't forget to vote for this chapter! Thank you :)


Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now