"Syempre naman, hindi tayo puwedeng naka-stuck, Tyronne. Alam mo naman, hindi dapat sinasayang ang kagwapuhan ko. Dapat nae-experience ng maraming babae 'yung katulad kong gwapo," sabi ni Titus at tumawa lang si Tyronne bilang pagsang-ayon.

Napailing-iling na lang ako dahil kanina sinabi ni Titus na hindi muna siya makipaghu-hook up, ngayon naman ready'ng ready na siya. Nakalilito rin talaga 'tong taong 'to madalas. Talaga naman.

We ordered our usual drinks and picked a table for us four. Muli kong inilibot ang mga mata ko sa mga nagsasayaw sa dance floor kung may matitipuhan ako. Ngayong nagtitingin na ako ng puwede kong maka-hook up, mas na-feel kong gustong-gusto ko talagang makipag-hook up ngayon. The feeling is just intensifying, and I'm ready for it.

Marami-rami rin ang tumitingin at napapatinging mga babae sa table namin. Nagla-landing ang mga mata nila sa akin kaya deretso ko lang silang tinitingnan sa mga mata nila at sila na ang mapangingisi sa akin nang kusa. Napangingisi na lang din ako at mahinang natatawa.

"Parang gustong-gusto mo na ng babae, Caiden, ah? Naghahanap ka na, e," sabi ni Titus 'saka humalakhak.

Abala kasi sila sa paglalagay ng mga alak sa baso nila, habang ako naglilibot ang mga mata. Hindi pa naman ako literal na naghahanap para basta na lang sumugod, nagtitingin-tingin pa lang kung sino ang matipuhan ko.

Mahina lang akong natawa. "Hindi, ah. Nagtitingin-tingin lang, pero gusto ko munang uminom. Pero ang daming tumitingin sa akin, hindi lang iisa. Baka mamaya dalawa ang lumapit sakin," sabi ko at mas lalong natawa.

"Chill ka lang diyan, Caiden. Babae ang lalapit sa 'yo. Nakaupo ka pa nga lang tinitingnan kana, paano kung nagpunta na tayo sa dance floor. Kung isa o dalawa, kayang-kaya mo 'yan," sabi ni Magnus at mahinang natawa.

I took a deep breath. "Yeah. Na-realize ko lalo na it's really been a while since we had this. Nakami-miss din pala talaga mag-club. Nakami-miss maglasing kasama ninyo. 'Yung binibilang na natin 'yung dumadaan na kotse sa sobrang lasing na natin. Tapos si Titus nakahiga sa daan," sabi ko at humalakhak kaya sabay-sabay silang nagtawanan sa sinabi ko.

"The best memory we had was that when Titus got in the wrong car, tapos ang malala pa sinukahan niya 'yung may-ari. Putangina! Grabe. Lasing na lasing tayong apat no'n, wala tayong magawa kundi humilata sa gilid ng daan," sabi ni Magnus habang tawa nang tawa.

"Tangina. Gagi, hindi ko 'yon maalala. Ang naalala ko lang kasama ko kayo sa kotse tapos do'n ako sumuka," sabi ni Titus habang nangingiti.

Umiling ako. "Hindi, nasa labas kami ng VNC. Nakaupo kami sa sidewalk. Tapos hinahanap mo kami kasi nahuli kang lumabas. Since iisa lang naman 'yung pinagpa-parking-an natin, akala mo 'yun 'yung kotse ni Magnus. Sa sobrang lasing mo, hindi mo na 'yon maiisip," sabi ko at humalakhak.

"Hindi pa nga natin alam na nakalabas na pala si Titus. Nalaman lang natin no'ng may sumigaw na babae. Putangina!" Sabi ni Echo habang humahalakhak.

"Nakakahiya pa ro'n, nagse-sex 'yung tao ro'n. Bobo rin kasi hindi nagla-lock," sabi ni Magnus at hindi pa rin matigil sa pagtawa.

"Kahit nakahihiya 'yon, gusto ko pa rin maulit malasing nang todo. 'Yung nasa bingit na ako ng kamatayan. Gano'ng eksena. Para takot na takot ako tapos mukha akong tanga," sabi ni Titus at umiiling-iling pa habang mahinang natatawa.

Humupa lang bigla ang tawanan namin nang biglang may lumapit sa aming limang babae. Umangat ang gilid ng labi ko dahil lahat sila ay magaganda. Mukhang tama nga si Magnus, babae nga ang lalapit sa amin. Nakaupo pa nga lang kami, e. 

"Hi, gusto ninyong sumayaw? Wala kasing gwapo sa dance floor. Nakita namin kayo, naisip naming ayain kayo. . ." sabi no'ng babaeng wavy ang buhok.

Nagtinginan kaming apat at sabay-sabay na ngumiti nang nakaloloko. Natawa agad ako dahil sa ngiti ni Titus. Mas sabik na sabik pa ata 'to kaysa akin. 

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now