Chapter 39

154 6 0
                                    

"Where is them?" natutop ako sa'king kinauupuan ang marinig ang boses na 'yan at dinaga ng kaba ang dibdib. Nagkatinginan naman kami nina Krisha at Aling Siling habang napahawak sa kaniya-kaniyang bibig para 'di makagawa ng ingay at hindi gaanong kumilos.

"We need to find that Girl names Catherine!" One man shouted his companion. Tumagaktak naman ang aking pawis sa takot at kaba. Habang papalit-palit ang mga tingin kay Krisha at Aling Siling.

"K-kailangan nating magtago." bulong na saad ni Aling Siling. Napakunot ang aking noo dahil sa kaniyang suhestiyon.

"Saan tayo mag tatago?" takang tanong ko. Habang marahang nakatingin kay Aling Siling.

"Find them!" nangilabot naman ang buo kong katawan ng sumigaw ang kung sinong lalaki at kasabay ng dalawang putok. Mas lalo akong kinabahan dahil sa mga narinig na yabag ng paa papalapit sa'min.

"Mag tago tayo sa ilalim ng truck," utos ni Aling Siling. "Kaya mo bang gumapang?" tanong nito kay Krisha. Marahan namang napatango si Krisha.

Marahan naman kaming dumapa para gumapang para magtago sa ilalim ng truck. Nanlaki naman ang aking mga mata ng makitang papalapit na sa'min ang mga paa ng mga lalaki.

"We need to hurry!" taranta ko at mas lalo pang binilisan ang pag-gapang sa ilalim. Kahit masakit sa balat ang magaspang na kalsada. Medyo mahapdi ito sa balat dahil may pagka lubak-lubak.

"Ouch!" ngiwi ni Krisha at napadapa sa sahig dahil sa kirot. Mas lalo naman kaming nataranta ni Aling siling. Kagaad naman na napahawak si Krisha sa bibig niya, natatakot din ito na maari kaming makita o mahuli sa pinagtataguan namin kaya dali-dali kaming kumilos kahit nagpipigil sa sakit si Krisha dahil sa kaniyang sugat na natamo kanina.

"What's that!" tanong ng isang lalaki saka dumako sa lugar kung saan kami nagtatago kanina. Mabuti nalang at nakatago kaagad kami rito sa ilalim ng truck bago pa kami maabutan. Nakahinga naman kami ng maluwag ngunit 'di mawala ang takot at kaba.

"There's no one here!" sigaw ng kunsino saka sila naglakad para mag si-alisan sa lugar na 'to. Mabilis silang nagtakbuhan para hanapin kami s ibang lugar.

"Don't stop, find her!" huli kong rinig bago sila tuluyang nakalayo sa pinagtataguan namin. Nakahinga naman kami ng maluwag saka gumapang paalis sa ilalim ng Truck.

"Kaya mo pa ba?" alalang tanong ko Kay Krisha at tinulungan itong gumapang paalis sa ilalim ng truck. Napapangiwi pa'to dahil sa sakit na nararamdaman sa kaniyang braso.

"Wala na sila, nawa'y ligtas na tayo." buntong hininga ni Aling Siling habang sumandal sa gulong ng truck at sapol-sapol ang dibdib dahil sa kaba't-takot.

"B-balikan natin si Aunti Idel. P-please, g-gusto kong makita si Aunti Idel." naiiyak na saad ni Krisha na siya naman naming pinatahan at pinagaan ang loob. Tumango naman kami ni Aling siling sa gusto ni Krisha. Alam kong nagdadalamhati siya sa nangyari sa Aunti niya.

"Nasaan naba sina Vincent at Calvin?" may halong pagtataka at takot na tanong ko habang lumilinga-linga sa paligid. Baka sakaling naririto na sila para iligtas kami.

"Baka hindi na nila tayo mahahanap pa, tara na't bumalik na po tayo sa Mansion baka maayos na ang kalagayan doon at hinahanap na tayo nina Calvin at Vincent." sambit ko na tinanguan naman ni Aling Siling. Inalalayan naman namin si Krisha na tumayo at naglakad papaalis sa lugar kung saan kami nagtatago. Hanggang sa maka tung-tung kami sa kalsada.

Hindi pa kami nakakalayo sa may truck ng biglang may isang Van na paparating. Nakakasilaw ang ilaw ng sasakyan na ito kaya napatakip ako ng mata gamit ang isang kamay. Kinabahan naman ako kung ano ito, b-baka ang ang mga gustong dumukot sa'kin!

Pleasuring The Billionaire TwinsWhere stories live. Discover now