Acrimonious Heart - 4

13 3 0
                                    













"That was super wrong! Interviewed ka pa, meaning, you have the sole spirit of jeopardizing our family's reputation!"

"Part of the plan, 'Ta. Siyempre! Kailangan kong mag-effort, magkunwari na dapat kinamumuhian ko kayo and I know in that way, makukuha ko ang atensyon nila, 'Ta—"








"Hindi mo naiintindihan yang mga sinasabi mo!"

"Yes, I do!"

"Hindi!" Tita exchanged, tininag na ang tanga kong pakikipagtalo. She formed a facepalm before returning her attention to me.








"Walang hiya. Ano bang sabi ko? Magulang mo lang, diba? Magulang mo lang?" sunod niyang pananaway. Ano bang gusto niya? Damay-damay tayo rito. Walang maiiwan, lahat sama-sama. Mukhang hinihintay niya ako sumagot kaya tumango na lang ako nang dahan-dahan.

"See? Itatak mo riyan sa kokote mo..." she pinched my forehead saka tinulak nang bahagya gamit ang daliri niya. "Na magulang mo lang, 'wag mong idamay ang mga Valentine! You don't know them, Cass! Isa pa, nakaturingang anak ka ng mga alipores who knew how many beans make five—tapos tanga tanga ka? Boba? Ignorante? TANGA TANGA? Natural!" bumalik siya sa couch para i-dekwatro ang tuhod niya't ibaling muli sa akin ang nangangapoy na tingin niya.

"E, nanay kasi ng nanay mo—" natigil siya nang mabanggit niya 'yon. Tumahimik ang buong bahay kaya ako na ang nagsalita. Who's the mother of my mother? Bakit ba nila sinisikreto sa akin, ngayon, nadulas siya. Pareho lang naman sila ng nanay, pero kung itanggi niya mula sa linya na binitawan niya—tila ba'y demonyo na hinayaan lang siyang lumaki sa lansangan.








"Who's... my Lola?" I curiously asked, nakakunot ang noo't mga kilay ko. Yet, she didn't answer.

"I see..." I broke the silence. Unconsciously, nakalabas ako ng mga luhang kanina pa nagpipigil, which made her even more worried and confused. I knew she's going to feel guilty, pero hindi ko hinayaan ang pagkakataong 'yon para bumalikwas ako sa dapat na nilalabas kong luha. Hindi na ako nag-atubili na magtungo sa kuwarto ko, leaving Tita and her manipulative words behind.








Hindi pa sapat lahat ng ginawa sa akin. Yung pangungulila ko sa mga magulang ko—the way they purposely left me to my other and deceased Tita dito sa Tarlac. Hindi ko alam ang dahilan, pero alam ko na may dahilan kung bakit ako iniwan ng gano'n gano'n na lang. Hindi ko rin alam kung bakit parating defensive sila sa mga bagay na sobrang simple lang naman, like getting to know our middle name—ma-eexpose siguro kung sino ang lola ko, at sa gawing 'yon, baka lumayo ang loob ko sa kanila. E, hindi na nga kailangan. Matagal nang malayo ang loob ko sa kanila.

Pero may nag-iisa akong plano para masimulan ang misyon ko—and that's to get Adrion fall in love with me, kahit kailangan kong isakripisyo ang apelyidong Valentine dahil naka-arrange na sa kaniya si Aza, but that does not invalidate my goal. She's a bitch whom Adrion sees as someone who reeks toxic blindness, while I could do many things para makuha ang loob niya, and in that way, magsisimula na ang pagkabagsak ng mga Parriño.

Pero siyempre, hindi ko ipapahalata—kailangan 'to ng matagal-tagal na proseso.













               Yesterday — 2:27 PM

"Assistant, hey Cass— this— dalhin mo sa admin's office." he handed me the papers enclosed in an envelope. Right when I was about to exit his office, tinawag niya ako bigla.

"Dad's also there. Baka makita mo si Aza. Just be careful... okay?" he raised a brow after finishing his sentence. Tinanguan ko naman siya't nginitian saka umalis na ng silid. Mukhang hindi ko na kailangang gamitin ang sulok-sulok para kilitiin siya—my presence is already enough... siguro.








Acrimonious Heart: The Last Bullet 🔞Where stories live. Discover now