Chapter 9: Laban ng Mag Ama Ang Slam Dunk Ni Sakuhako Laban Kay Sakuragi

Bắt đầu từ đầu
                                    

Sa sumunod na subok wala parin, naka limang bagsak na si Sakuhako dalawang daliri lang ginagamit ni Sakuragi sa pagtapik sa bola

"Hay nakakatamad, wala kabang natutunan dito ahh" sabi ni Sakuragi

"Tumahimik kahh, makikita mo madadakdak ko rin tohh maghintay kahh hindi ako susuko" sagot ni Sakuhako na hinihingal na

"Bakit hindi ka na lang kasi sumuko? Alam mong hindi ka mananalo sa ama mo" sagot ni Sakuragi

"Hindi ako magpapatalo, tatalunin kita pati si Akito kayong dalawa humandah kayohh" sagot ni Sakuhako tumakbo ulit sya tas tumalon sa pagkakataon na iyon, dalawang kamay na ang gagamitin nya sa pagdakdak

"Two Handed Dunk" sabi ni Lyion

"Magagawa na kaya nya?" Tanong ni Ace

"Hindi! Hindi nya magagawa milya milya ang agwat ng lakas nila" sagot ni Kate

Di man lang nag alinlangan si Sakuragi, dalawang kamay muli ang gagamitin nya, tumalon sya, at nang madikit na ang dalawang daliri nya sa bola

Medyo naramdaman na nya ang pwesa ni Sakuhako pero baliwala parin

Kaunting tulak lang nya, ay mapipigilan na nya ang dunk ni Sakuhako kaso biglang nadulas ang dalawang daliri nya sa bola na naging resulta ng

"Ahhhh" gulat na si Sakuragi

"Heto nahh Slam Dahhhhkk" sigaw ni Sakuhako at tumama ang bola sa ulo ng kanyang ama

"Ahhhhhhh" napanganga ang buong manonood

Bagsak si Sakuragi sa sahig na may malaking bukol sa ulo

"Parang nakita kona ang eksenang iyan ahh san nga ba yun?" Tanong ni Rukawa sa kanyang sarili

Nang makita ni Sakuhako na bagsak sa sahig ang kanyang ama

"Wahhhhh" napasigaw sya sa takot naging violet pa ang mukha nya

"Pambihira ano yun? Dinakdak nya sa ulo?" Sabi ni Lyion

"Nakakahiya yun" sabi ni Ace

"Ayokong gawin yun" sabi nman ni Renz

Habang si Kate

"Ahhkk ahhkk ahhkk" tameme sa nakita nya

"Pasensya nahh hindi ko sinasadyahh" sabi ni Sakuhako

Nang hindi gumagalaw si Sakuragi

"Huh? Papa?" Na sinundot ni Sakuhako ng daliri nya

Gumalaw si Sakuragi at unti unting bumangon madilim ang mukha nya

"Ayan nahh patay" sabi ni Daisuke

"Gggrrahhhhh wahhhh" sigaw ni Sakuragi tatakbo na sana si Sakuhako sa takot kaso

Hinila ni Sakuragi ang damit ni Sakuhako at binigay ng umbag sa ulo

"Grabe" sabi ni Yutaro ang Coach ng Team Legendary

"Hahahahha nakakatawa talaga" tawang tawa na si Gordon ang Coach ng Phantom Swords

Habang si Rukawa

"Dalawang gong gong" bulong ni Rukawa na nakikitang nagtatalo ang mag ama na si Sakuragi at Sakuhako

"Diko nman sinasadya ehh" sabi ni Sakuhako

"Tama nahh, yan lang ba ang kaya mo ahh" sabi ni Sakuragi na may bukol sa ulo

"Papa, akala nyo ba talaga hindi ko nahahalata? Hindi kayo seryoso, alam kong dalawang daliri lang ninyo ang ginamit mo, bakit hindi ka magseryoso" sabi ni Sakuhako

Suramu Danku: Next Generation 1Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ