Hindi kaagad sila nakasagot at nagpalitan pa ng tingin bago si Lance ang sumagot.





"Naiintindihan po namin kung nag aalala kayo kay Leanna at hindi po kayo kaagad magtitiwala sa amin kasi nga po ngayon niyo lang po kami nakilala at hindi rin po ninyo kilala ang magbe-birthday. Hindi po kami umaasa na papayag kayo kaagad, sinusubukan lang po namin kung pwede po," mahinahon na paliwanag nito.





Huminga ako ng malalim bago sila tiningnan ulit. "Alam niyo, hindi naman talaga ako mahigpit na tao pero kasi si Leanna, pinsan ko, ang pinag uusapan natin dito. Pwede kong ipagkatiwala si Leanna sa inyo dahil tutal ay mukhang katiwa tiwala naman kayo pero sa mga kaklase niyo ay wala akong tiwala."




"Naiintindihan po namin," sabay sabay na sagot nilang tatlo.





Tinitigan ko silang tatlo bago ulit nagsalita. "Oh, sige. Papayagan ko si Leanna na sumama sa inyo pero mangako kayo na iuuwi niyo siya rito bago maghating gabi. Gets ba?"





"Opo!"




"At please lang, huwag niyo siyang iuwi rito na lasing na lasing. Pwedeng painumin pero hindi pwedeng sobra. Nagkaka intindihan ba tayong apat?"




"Opo!"





Tumango ako. "Sige," inilibot ko ang tingin sa buong sala, nang makita ng papel ay tumayo ako at kumuha, pati na rin ang lapis o di kaya ballpen saka inabot sa kanila. "Pakisulat ang number ninyong tatlo,"




Kaagad naman nilang ginawa, pagkatapos ay inabot pabalik sa akin. Ako naman ang nagsulat ng number ko sa papel na walang sulat saka pinunit at ibinigay sa kanila.




"Yan ang number ko. Pakitawagan ako kapag nagkaroon ng emergency, okay?"




"Sige po, ate."




Ngumiti ako sa kanila. "Nga pala, nag gabihan na ba kayo?" Tanong ko sila. Umiling naman silang tatlo. "Bakit hindi pa? Pupunta kayo ng bar at sigurado akong mag iinom kayo roon kaya dapat may laman ang tiyan ninyo. Hintayin na lang natin si Leanna at sumabay na kayong kumain sa amin,"




"Hindi po ba nakakahiya?" Tanong ni Jessica.




"Bakit nakakahiya? Pagkain 'yon, isa pa ay hindi kayo kumain kaya dapat may laman ang mga tiyan ninyo. Maliwanag ba?" Sabay sabay na tumango silang tatlo. "Oh. Dito muna kayo ha? Tatapusin ko lang 'yong niluluto ko."




"Sige po!"




Bumalik ako sa kusina at ipinagpatuloy ang niluluto kong sinigang. Naririnig ko naman ang mga boses ng tatlo sa sala na nag uusap usap, marahil upang hindi maburyo sa paghihintay kay Leanna.




Napatingin ako sa pintuan na nasa mismong kusina na namin nang makitang pumasok doon ang anak ko kasunod ang isa pang bata na si Anjo. Parehong naliligo sa pawis ang dalawang ito at mukhang may dala pang damit si Anjo na binalot mismo sa tuwalya.




Bahagya kong hininaan ang gasul pagkatapos kong timplahan ang sinigang para hindi umapaw ang sabaw kapag kumulo. Saka ko binalingan ang dalawang bata.




"Ano na naman ang nilaro ninyo at pawis na pawis kayong dalawa?" Tanong ko sa dalawang bata.




Hindi ako pinansin ng anak ko dahil tumungo siya sa maliit naming ref marahil para kumuha ng tubig doon kaya si Anjo ang sumagot sa tanong ko.




"Nagtakbo takbuhan po kami, Tita," kyut na sagot nito.




"Pawis ka na at dapat nagbibimpo ka na ngayon. Teka, damit mo ba yang nakabalot sa tuwalya?"



Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now