Chapter 13

17 3 0
                                    


Guys..may video akong ini-upload nasa taas panoorin niyo..hihi music video ng lucky by cobie caillat and jayson mraz..

---------------------------------------
------------------------------------------------

April PoV's

Am i inlove with my bestfriend?!

Makailang beses akong napakurap.

"Hoy april!"napakapit ako sa lababo sa sobrang gulat.
Napansin kong kunot na kunot na ang noo ni stanley habang iginiwayway ang dalawang kamay sa mukha ko.

"Nabulag ka ba?"nakakunot pa ring tanong nito.

"H-ha?b-bakit?"kinakabahan pa ring tanong ko.

"Okey ka lang?namumutla ka april.Halika umupo ka dito."iginiya niya ako sa upuan para maupo.
Sumunod nalang ako para kasing nangangatog ang mga tuhod ko.

Paano ko ba sasabihin sa kanya ang nasa isip ko?paano ko sasabihin sa kanyang may kakaiba na akong nararamdaman para sa kanya?paano kung magalit siya sa akin at lumayo?paano na?

"Oh ito inumin mo para mahimasmasan ka.Ano bang nangyari sayo ha?may problema ka ba?ako lang yata ang tinatablan non eh?----nanlaki ang mga mata nito.
--april?wag mong sasabihin na ...na...nagdecide ka na talagang magtomboy?!"nahihintakutang tanong nito.

1
2
3
4
5sec-
"What??!!!!" Ang mga mata ko naman ang nanlaki ngayon matagal yata nag sink in sa utak ko ang mga sinabi nito.

"What?!are you saying----?"di pa talaga ako makarecover sa mga sinabi nito.
"Ah hindi ba?i mean ---?"

Naputol ang iba pang sasabihin nito ng tumunog ang doorbell.

Bell.
Bell.
Pareho lang kaming nakanganga habang nagkatinginan.

Bell.

"T-teka may bisita ka ata?"tanong ko sa kanya ng makabawi sa tamang huwesyo.

"P-palagay ko nga...t-teka- lang pagbubuksan ko lang."sabi nito pero di parin tumitinag sa pagkakatayo at nakaharap pa rin siya sa akin.

Bell.

"Bulldog!ang pinto!"tawag pansin ko sa kanya.

Napra-praning na yata silang pareho eh.Tsaka lang ito tumalima para pagbuksan ang kung sinumang makulit na nasa labas ng pintuan.

Muntik pa itong mabangga sa devider dahil sa pagmamadali.

"I miss you so much hon!"narinig niyang tili ng isang babae na para bang bingi ang kausap nito sa lakas ng pagsasalita.

Sinilip niya kung sino ang dumating.

Nakita niya ang isang matangkad na babae na naglambitan sa leeg ng bestfriend niya.

Dahil sadyang matangkad si stanley nakalilis ang maikling bestidang suot ng malanding babae kahit na sabihin pang matangkad din ito.Maganda at mapuputi ang hita nito,kung sakaling magkakasama sila nito magmumukha lang siyang atsay nito dahil sa tingin niya maganda din ang mukha nito at mas matangkad ito kaysa kanya.

"Ah,w-wait sandy.."awat ni stanley sa babae na ngayon pa lang ata natauhan sa sobrang pagkagulat.Nakita niyang dahan-dahang tinanggal ni stanley ang mga braso ng babae mula sa leeg niya.

"Bakit ba?di mo ba ako namiss?"malanding tanong nito.
Bumalik na siya sa ginagawa niya dahil parang may kung anong sumakit sa katawan niya sa mga nakita.

Di na niya narinig ang pinag-usapan ng dalawa dahil tumuloy siya sa likod-bahay papuntang garden.

Naupo siya sa swing na naroon at mahina niyang idinuyan ang sarili.

Parang naiiyak yata siya,uminit ang sulok ng mga mata niya.
"Ano ba april!ano bang nangyayari sayo ba't nagkaganyan ka?"gigil na tanong niya sa sarili.
At tuluyan ng tumulo ang mga luha sa mga mata niya.

Am i inlove with my bestfriend?tanong niya sa isip.

Kung tutuusin maswerte rin naman siya kung sakaling mai-inlove nga siya rito kasi kilala na nila ang isa't-isa at alam niyang nasa mabuti siyang mga kamay kung sakaling magkakatuluyan sila.

Inlove na nga siya eh.turan ng isip niya.

Kahit na playboy ito,alam naman niyang di siya lolokohin nito kung sakali.Alam na rin nito ang mga ayaw at gusto niya.
Magkasundo rin ang mga magulang nila.
Ang problema nga lang niya ngayon ay kung paano sasabihin rito ang nararamdaman niya.Baka pagtawanan lang siya nito o di kaya sabihan siya nitong nagbibiro lang o mas worst pa kung iiwasan siya nito?

Inlove na nga siya.
She's lucky,she's inlove with her bestfriend but...paano na?

Kakayanin kaya niya ang mga tulad kanina na mga pagkakataon na makita niya ang mahal na bestfriend niyang may nakayakap na ibang babae?
Maski di niya nakita ang pagmumukha nito kanina dahil nakatalikod ito pero pakiramdam niya nangliliit siya sa sarili.Una,di siya nagsusuot ng mga sexing damit sa labas na tulad ng suot nito.Pangalawa,di siya mahilig mag-ayos ng sarili niya.Pangatlo,mas magaganda ang mga ito kaysa kanya.

Maganda rin naman siya,matalino,may pinag-aralan at may-kaya rin.Sexy rin naman siya kaso di niya 'yon ini-expose sa ibang tao.

Pero mas nakakalamang rin siya sa kung sino mang mga babae nito dahil siya ang palaging nasa tabi nito.

May panama rin naman siya.

Pero paano niya ba sasabihin rito?sa pagkakaalam naman niya wala pa itong sineryosong girlfriend at wala rin itong nabanggit sa kanya na pinag-aaksayan nito ng oras at effort.

Nag-isip siya.

Napangiti siya ng may maisip na magandang gagawin upang kahit papano mapansin rin siya nito bilang magandang babae na karapat-dapat mahalin.

Pero napalis ang ngiti niya ng biglang naalala ang sinabi nito kanina bago pa dumating ang panira ng moment na babae na 'yon.

"Ano raw?ako tomboy?as-in lesbian?"tinuro-turo pa niya ang sarili habang nagsasalita na para bang nasa harapan niya lang ulit si stanley.
Para siyang ewan ngayon.Nanlalaki ang mga mata niya at---

"No!hindi ako tomboyyyyy!!!"nakasabunot sa buhok na sigaw niya.

Naramdaman niyang nagliparan ang mga ibon na kanina ay naglalaro lang sa puno ng manggang naroroon.
Mukhang nagulat yata ang mga ito dahil sa sigaw niya.

"A-april?!anong nangyari sayo??"humahangos na tanong ni stanley sa kanya na mukha pang tumakbo pa ito mula sa loob ng bahay.Nag-angat siya ng tingin dito.Napansin niyang wala na itong pang-itaas na damit at may napansin pa siyang pulang marka sa leeg nito.

Napatayo siya bigla.

"Ano yan?!"nawala sa isip niya ang kanina.Kung kanina ay nanlalaki ang mga mata niya ngayon naman ay naniningkit ito habang sinisipat niya ng maigi ang leeg nito.
"Ang alin?"naguguluhang tanong nito.
"Ito?ito?lipstick ba yan?!stanley james?"gigil na gigil niyang dinuro-duro ang ang pulang marka sa leeg nito.
"Aray!a-ano kasi--".di ito natapos sa sasabihin dahil biglang sumingit na naman ang panirang moment na babae.

"Hon?ano bang ginagawa mo dito ha?"malanding tanong nito at yumakap pa sa beywang ni stanley.
Umasim naman ang mukha niya sa nakita.
Ang sarap-sarap sabunutan ng malanding hitad na ito!!pigilan niyo ako pleasseee!!baka mamurder ko ito!grrr!!!gigil na sigaw ng isip niya,kumulo yata ang dugo niya at uminit rin ang ulo niya habang nakakuyom ang dalawang mga kamay na parang handa ng manuntok ano mang oras.

--------------------
---------------------------

I'm Lucky I'm Inlove with My BestfriendWhere stories live. Discover now