Chapter 1

45 4 0
                                    


Nagising siya sa mabangong amoy.Parang masarap na ulam yata ang naaamoy niya.Kumalam ang sikmura niya,kaya bumangon siya at pumunta sa kusina.
Kung di lang siguro siya nakipagdate kagabi di siya magugutom ng maaga.
Naabutan niya ang isang nilalang na dahilan ng mabangong amoy.
Abala ito sa pagluluto.
Uupo na sana siya ng lumingon ito.
"Good morning,sleeping kitty."bati nito.
Napanguso siya.Kahit kailan talaga di na yata mababago ang tawag ng lalaking 'to sa kanya.
Umupo siya.
"What's the good in the morning?Bulldog."nakasimangot niyang tanong.
Natawa naman ito sa reaksyon niya.
"Always good,dahil narito na naman ako at ipinagluluto kita."sabay kindat nito sa kanya.

"Yeah,ipinagluluto mo lang naman ako pag wala ng laman ang ref mo.hmp!kung alam ko lang na ganyanin mo ako di na sana kita binigyan ng susi."nakasimangot niyang sabi.

"Well,you have no choice.Ayaw mo naman sigurong pabalikin sa inyo?"tila nang-iinis na sabi nito.
"Shut up!"inis na sabi niya.
"Hey!what's happening with you lady? 'Bat ang sungit mo ngayon?"tanong nito.
Di siya kumibo ng bigla na lang itong ngumisi.
"Let me guess?alin kaya sa dalawa ang tama.Your date last night failed again or --....meyron ka?sabi nito na medyo lumapit pa sa kanyang mukha.
Itinulak niya ang mukha nito gamit ang dalawang kamay.
"Wala ako!next week pa!"sabi niya.Alam niya naman ang ibig sabihin nito.Alam na alam kasi nito na kapag nireregla siya laging mainit ang ulo niya.
"Naks,okey.Tell me what happened to your date?"tanong nito.
"I won't tell you.Pagtatawanan mo na naman ako."nakangusong sabi niya.
"Hay naku!kumain na nga lang tayo."sabi nito habang nilalagyan ang plato niya ng pagkain.
Ito ang pinakagusto niya rito.Lage siyang binubusog nito.She's so lucky to have him.Stanley James Mercado Del valle.Her greatest bestfriend,kababata at kinakapatid.Maraming mga babae ang naiinggit sa kanya dahil mas madalas pa siyang kasama nito kaysa mga naging nobya nito.
Ito naman kasi, lage siyang ginagawang panangga sa mga babae nito.
"Seriously april,what happened to your date last night?"kulit nito.
Hindi niya ito kinibo.
"Hey?masyado bang masarap ang luto ko at nabibingi ka na."sabi nito.
Nakasimangot niyang tiningnan ito.
Nakangisi ito sa kanya.Tinitigan lang niya ito.Ngayon lang yata niya napansin na lalong gumuwapo ito sa suot na puting t-shirt.Mapupungay ang mga mata nito,matangos ang ilong nito at mapupula ang mga labi.Napalunok siya,parang ang sarap kasing halikan ng mga labi nito.

"April?"nagtatakang tanong nito.
Napakurap siya.hey what's happening to you april?bakit mo pinagnanasaan ang bestfriend mo?
Kinurot niya ng kaunti ang kamay niya para mahimasmasan.

Napansin niyang tumayo ito.Kumuha lang pala ito ng tubig at ibinigay sa kanya.
"Oh.Uminom ka muna para mahimasmasan ka.Ano ba kasing ginawa ng kadate mo sayo kagabi at parang nawawala ka sa sarili?gwapo ba?mabait?okey na ba siya sayo?type mo ba?at--"itinaas niya ang dalawang kamay para tumigil ito sa pagtatanong.Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita.

"Actually,he's definitely handsome and rich."sabi niya.
Nakita niya ang pag-alala sa mukha nito.Di niya alam kung para saan iyon.
"At gusto mo nga?"seryosong tanong nito.
Umiling siya.
"I dont like him."maikling sagot niya at pinagpatuloy ang pagkain.Tatanggapin niya na lang siguro na tatanda siyang dalaga.
"Bakit nga?"kulit pa rin nito.Ganito ito lage kinukulit siya pag may di siya sinasabi rito at ganon din siya rito kaya sasabihin na lang niya ang nangyari kagabi.

"Dahil nga gwapo siya at sobrang mayaman di-aircondition na siya.At palagay ko pati lahat ng electric fan nasa katawan na niya."inis niyang turan.
Kumunot ang nuo nito.Pero nagulat na lang siya sa lakas ng tawa nito.
"Grabe ka, ganun ba talaga kahangin ang kadate mo?kaya pala nawawala ka sa sarili dahil masyadong nahanginan ang utak mo."nakangising sabi nito.

"At alam mo,sa loob lang ng isang oras pwede ko na yatang isulat ang buong talambuhay niya.Hindi man lang ako tinanong kung anong gusto ko,sinong mga magulang ko.Puri lang siya ng puri sa sarili niya."para na siyang nagsusumbong na bata na inaway ng kalaro.

Natawa ito.
"Alam mo,dapat ang idedate mo ang mga reporter o investigator para matanong ka rin."nang-iinis na sabi nito.
Inirapan niya lang ito.
"Yan!yan ang dahilan kung bakit ayaw kong sabihin sayo kasi pagtatawanan mo lang ako wala ka pang sasabihing matino."sabay tayo niya.
"Uyy!pikon!"tukso nito.
"Ewan ko sayo!"pasigaw niyang sabi.
Pumasok siya sa silid niya at naligo.Magliwaliw siya sa araw na ito.
Araw ng linggo kaya walang pasok sa opisina.
Magsisimba muna siya.
Di ko siya isasama!nakakainis siya!sabi niya sa isip.
Ang ibig niyang tukuyin ay ang bestfriend niyang nakakainis.Tuwing linggo nagsisimba sila at uuwi ng bahay at magmomovie marathon habang kumakain ng luto nitong pizza pero dahil inis siya rito di niya ito yayayain.
Bahala siya sa buhay niya.

I'm Lucky I'm Inlove with My BestfriendWhere stories live. Discover now