Chapter 15

21 2 0
                                    


Well guys,another chapter na naman poh hehe sana mag-enjoy kayo...^_^
salamat sa pagbabasa....*^_^*

**********

April PoV's

Nakaupo siya sa sofa sa bahay ni stanley habang ito ay pabalik-balik na naglalakad sa harapan niya.

Nahihilo na siya habang nakatingin rito.Halos mag-iisang oras na itong ganoon ang ginagawa.

"Look,i'm sorry okey?napikon lang talaga ako sa kanya eh.Biruin mo,napagkamalan pa akong maid mo.Kaya pwede ba stanley james,umupo ka naman?ako ang nahihilo sayo eh!"kunot-noo at nakalahad ang kamay na sabi niya rito.Kung di pa talaga ito titigil sa paglalakad sa harapan niya baka tuluyan na siyang mahihilo.

Tumigil nga ito at hinarap siya.Namumula ang mukha nito na tumingin sa kanya.Nakita niya ang galit sa mga mata nito.

"For pete'sake april mae!ang laking gulo ng ginawa mo!paano kung magdedemanda 'yon?di mo man lang 'yon naisip ha?!you're no longer a child kaya pwede ba umakto ka na aayon sa edad mo!"sa ilang taon nilang magkasama ngayon niya lang nakita itong ganon kagalit.Halos pumutok ang litid sa leeg nito sa diin ng bawat salitang binibitiwan nito.Napasabunot pa ito sa sariling buhok na para bang di na nito alam kung ano pang pwedeng gawin sa kanya.

Dahil sa sobrang galit niya kanina,nagkasabunutan sila ng babae nito.Dahil lubos na malakas siya,halos matanggal lahat ng buhok nito,at nagkaroon pa ito ng bukol,namaga rin ang dalawang mata nito sa suntok niya.
Buti na lang dumating si stanley kanina at inawat sila.Iyak ng iyak ang babae nito.Niyakap pa nga ito ni stanley at dinala sa hospital.Naiwan siya kaninang tulala.At iyon na nga ang nangyari pagbalik nito mula sa hospital,wala itong tigil sa paglalakad ngayon sa harapan niya.

Di niya namalayan tumulo na pala ang mga panira ng moment na luha niya.

"Sorry na nga eh..ba't ba ang sakit mong magsalita?pwede ka namang di makialam sa buhay ko!buhay ko 'to eh!kung natatakot ka kina mama wag kang mag-alala di kita idadawit sa mga ginawa ko!oo,aaminin ko na minsan isip bata ako pero ganon ako eh?!wag mo nang pahirapan pa ang sarili mo!mag-isa ko 'tong lulutasin!"di nakatiis na bwelta niya rito at tsaka nagmamadaling umalis.Nag-uunahang pumatak ang luha niya.Oo,aaminin niyang may kasalanan siya pero bakit ba ang sakit naman nitong magsalita sa kanya.

Pagdating niya sa kanyang bahay ay dumiretso agad siya sa kanyang silid at doon inililabas lahat ng nararamdaman niya.

Stanley PoV's

Natameme siya sa mga sinabi ni april.Ilang taon niyang inalagaan ang nararamdaman para dito,pero di niya ipinagtapat dahil natatakot siyang mawala ito sa buhay niya.Ngunit ngayon,sa isang iglap lang nanganganib na itong mawala sa kanya.

Nanghihina siyang napaupo sa sofa.

Oo,galit siya.Pero mas galit siya sa sarili niya dahil kung hindi niya pinatulan si biany,hindi hahantong sa ganito ang pangyayari.

Natiis niyang di makipag-communicate dito sa loob ng dalawang taon na pag-e-email nito sa kanya.Tumatawag din ito pero di na niya pinatulan pa.
Pero ng magpunta ito sa bahay mo sinunggaban mo?ano ka ba stanley mag-isip ka nga!kutya ng isip niya.

Napaigtad siya ng tumunog ang telepono.

Hinayaan niya lang na sagutin ito ng answer machine.

"Hey!james!where are you?were here in tagaytay!nauna na kami rito,asan ka pa?bukas ng umaga na ang photoshoots natin!"tinig ni steven,kasamahan niyang model.
"Yeah!loverboy!hurry up,we miss you nah!kailangan ngayong gabi makarating ka na dito,maaga pa ang trabaho natin bukas!dahil kung hindi ka na naman sisipot,huh!'lam mo na ang gagawin ni mother earth!"natatawang sabi ni zandra.At narinig niyang nagtawanan na rin ang ibang kasama nito.

Naman..!ngayon pa ba mangyayari ito??inis na napasabunot siya sa sariling buhok.

April PoV's

Kinabukasan,tanghali na siyang nagising.Halos di na niya maidilat ang sariling mga mata,nasobraan yata sa pag-iyak kagabi.Madaling araw na siya nakatulog at hanggang ngayon ayaw pa rin paawat ang mga luha niya.

Ano bang nangyayari sayo april?ba't ba iyak ka ng iyak?kung tutuusin naman,kasalanan mo naman talaga diba?ba't ka nasasaktan?wala namang nakakaiyak don sa sinabi ni stanley ah?sinabi niya lang naman ang totoo na isip bata ka!inis niyang tanong-sabi sa sarili habang mabilis na pinupunasan ang mga luha, gamit ang mga braso niya.

Tinawagan niya ang kaibigan na namamahala sa pagconstract ng maliit niyang botique upang ipaalam rito na uuwi muna siya sa probinsya at ito na muna ang bahala.

Nag-email din siya sa publishing nila ng two weeks leave letter.

Naiinis siya sa sarili niya.

Inaamin niya sa sarili nitong mga nakaraang araw,nasabi niyang swerte siya kung maiinlove siya sa bestfriend niya.Pero ngayon parang kailangan niya munang mag-isip.

Nalilito siya na ewan.

Kinagabihan,nagulat ang mga magulang niya ng dumating siya sa ancestral house nila.

Di niya ipinaalam sa mga ito ang totoong nangyari,ang sabi niya magbabakasyon lang siya sandali.

Stanley PoV's

Nakalutang ang isip niya habang ginagawa ang photoshoots nila para sa isa sa mga sikat na magazine sa pilipinas.

Ikalawang araw na nila sa tagaytay ngayon.Isang linggo silang mamálagi rito para sa photoshoots.

"Hey!parang kasing lalim ng dagat pacipiko ang iniisip moh ah!sino ba yan,babae ba?"tanong ng engot na kasamahan niyang si arnel.

"Di basta babae 'tong iniisip ko.."nakatingin sa kawalan niyang sagot.Pansamantala silang nagbreak dahil yung iba naman ang kinukuhanan ng mga litrato.

"Eh ano..?sino?.uy,pare ah,baka girlalo yang babae mo ha ?"
"Gago!di ako pumapatol sa mga babaeng may buntot!"sabi niya rito sabay sapak.

"Aray ko naman!eh ano nga?bakit di basta babae yan?"kulit nito sa kanya.

"Di basta babae,dahil she's my bestfriend.Nasaktan ko siya pare.."wika niya.

"Eh,paano?..ah!'lam ko na!nagtapat siya ng pag-ibig sayo noh?pero binasted mo?!"tanong nito.

"Sapak gusto mo?"inis niyang tanong rito.
Eh praning din 'tong isang 'to eh.
"Ehh..wag,bagbibiro lang eh..bakit nga,nasaktan mo yung bestfriend mo?"
Ang kulit talaga ng mokong na ito.

"Dahil tinaasan ko siya ng boses,ininsulto at sinisi.."nanghihinang sabi niya rito.

"Naku!malaking problema nga yan pare!..ang laking problema nga niyan talaga.."pailing-iling pa na sabi nito.Mukhang di naman talaga ito seryoso sa pakikinig sa kanya.Nang-aasar lang talaga ito.

Binatukan niya ito.

"Aray ko naman pare!ang sadista mo naman."reklamo nito habang hinihimas ang parte ng katawan na nasaktan.

"Magtino ka kasi,di basta-bastang problema 'to..at si biany,pinagbantaan niyang idemanda si april.."Namomoblema niyang saad.

"Ano?you mean si biany yung international model?pare,ikaw na talaga!pero teka bakit idedemanda niya ang bestfriend mo ha?"namamanghang tanong nito.

"Ah basta mahabang usapan--"
Di na niya natapos ang sasabihin ng tawagin sila ng manager nila.
"Guys!kayo naman!"tawag nito.

Napalatak si arnel.

"Panira ng moment 'tong si mother earth.."napailing na lang siya sa tinuran nito.At sumunod na sa manager.

★**************---------------------
<<<<<>>>>>>>>><<<<<<<<<<<

Pasensya na kayo ha,ito lang nakayanan ng utak ko eh haha..BTW,di pa ako nag-e-edit kaya kayo ng bahala umintindi kung may mga mali-mali diyan..
Hehehe

I'm Lucky I'm Inlove with My BestfriendWhere stories live. Discover now