"Sige, antayin mo ako. Upo ka muna, bibili lang ako." Tumango ako saka umupo.

Sa loob ng canteen makikita mo ang mga estudyanteng nag tatawanan habang kumakain. Sa kutis at itsura pati na rin sa mga tatak ng dala-dala nilang bag at telepono ay alam mong galing sila sa mayamang pamilya. Yung isa nga'y parang ambassadress pa ng Louis Vuitton.

Hindi ko talaga mapigilang mamangha at mainggit sa mga estudyante dito araw-araw. Isipin mo 'yon, they are living their best life habang ako, mas mahirap pa sa daga at kailangan kumayod nang kumayod habang nag aaral para may pang tustos sa pang araw-araw dahil kung hindi ay mamamatay kaming mulat sa gutom.

Ganon pa man, kahit papaano ay naka hinga ako ng maluwag dahil ma-swerte pa rin ako dahil naka kuha ako ng magandang oportinidad na makapag aral sa pinaka maganda at pinaka prestihiyosong paaralan dito sa Pilipinas.

Hindi ko na kailangan mag bayad ng daang-daang libo para makapag aral dahil nakuha ako bilang scholar ng Azure Southridge College. Talino at sipag lang ang puhunan ko kaya kahit mahirap, kinakaya ko dahil may mga kapatid ako sa bahay na umaasa saakin.

Noong una nga ay nag dadalawang isip pa ako mag-aral dahil baka hindi ko kayanin at baka mag sayang lang ako ng oras kung pwede naman na ako mag trabaho dahil nakapag tapos na ko ng highschool, pero ayaw ko rin sayangin ang pag kakataon kaya mas minabuti kong mag aral.

"Jael, here, this is for you." Inabot saakin ni Cypress ang dala nyang pagkain.

"Hala, nag abala ka pa sabi ko okay lang eh. Napa gastos ka pa tuloy." Nakaramdam ako ng hiya dahil mahal pa ang binili nya.

"Ano ka ba, wala 'yon. Para saan pa na mag kaibigan tayo, diba? Kaya sige na, kain ka na bago pa lumamig yung pasta mo. I know it's your favorite!"

"Thank you, Cy. Babayaran ko 'to kapag nakuha ko sahod ko. Pwede bang utang muna?" Biro ko.

"Don't bother, Jael. It's my treat, you don't need to pay me back." Sagot nito.

"Salamat talaga."

She's Theodora Cypress Lucenzo, bestfriend ko. Nakilala ko sya nung first day of school. Akala ko nga sobrang sungit nya kase pag pasok palang nya ng room, may sinungitan agad sya sa hallway, naka harang daw sa dadaanan nya. Ang intimidating din kase nya, laging naka salubong ang kilay at ang tangkad pa kaya nakaka takot lapitan at saka mukhang mayabang. Sya yung unang nag approach saakin, akala ko pa nga ay may kasalanang ginawa ako sakanya pero yon pala ay nag tatanong lang sya kung pwedeng makipag kaibigan.

Doon na nag simula yung friendship namin, lahat ng akala ko kay Cypress ay kabaliktaran non. Sobrang down to earth nya. Nung nalaman ko ngang pamilya nya pala yung may ari ng biggest law firm dito sa Pilipinas ay sobrang nagulat ako dahil kapag may nag tatanong kung related ba sya sa may ari ng Lucenzo Prime Law Firm, tinatanggi nya.

"Naguguluhan ako sa Activity natin sa Pre-Calculus, wala akong naiintindihan sa pinag sasabi ni Sir Trey," nag salubong na naman ang kilay ni Cypress na nakapag patawa saakin. "Sis, same."

Maya-maya lang ay natapos na ang break time kaya bumalik na kami ng STEM Building. Sa sobrang laki ng Southridge naliligaw pa ako. Hiwalay kase ang department ng Elementary, Junior Highschool at Senior Highschool department pero halos malapit nalang din saamin ang College department, isang building nalang ang pagitan. Lahat ng yon sakop ng ASC.

Buti nalang talaga madalas kasama ko si Cypress, mas kabisado nya ang school, simula kinder garten kase ay dito na sya nag aaral.

Kawawa talaga ako kapag ako nalang ang mag isa, baka abutin na ko ng kinabukasan ay hindi pa ako makaka uwi pag naligaw ako kaya kailangan ko na aralin ang mapa na ibinigay saakin.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now