"Dito na ang building ko, mauna na ako sa inyo. See you later, bye." paalam ni Hannarah dahil ang building ng CHT ang unang bubungad pagpasok ng gate ng campus.

"Ingat ka, Hannah. See you later." bati sa kanya ni ate Estelle.

Patuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa building ng CAS. Maraming tao ang nasa field dahil mukhang may mga pasok din ng umaga ang iba.

"Dito na ako guys, see you later." paalam ko sa kanila dahil nasa building na iyon ang aking klase.

"Sunod ako sayo, Lex. Nasa function hall first subject namin. Chat na lang kita pag papunta na ako sa CAS building." saad ni Daphne kaya naman tumango ako sa kanyang sinabi.

They waved goodbye and continued to walk towards their building while I went inside the building of the College of Arts and Sciences.

Tahimik ako naglakad mag-isa ng maramdaman ko nag vibrate ang aking cellphone. Kinuha ko iyon at binuksan nakita ko agad ang ilang messages na galing kay Kuya Leon at kay Kuya Levi. Pero may isang mensahe pa ang aking napansin na nagpangiti sa akin.

Kuya Leon:

How are you, Lex? I heard you agreed to date Colton yesterday?

Kuya Levi:

Free ka ba mamaya, Baby Sis? May practice kasi kami need namin ng manonood at opinion no.

Luke:

Good morning, take care. See you at school.

Automatikong tumibok ang aking puso ng makita ang kanyang mensahe. Nagreply ako sa kanya. Dahil alam kong tatawag naman sa akin ang dalawa kong kapatid mamaya.

Ako:

Goodmorning din, have a good day.

Muli kong binulsa ang aking cellphone at naglakad patungo sa elevator. Nasa pangatlong floor ang aking unang klase. Habang nag-aantay ng sa elevator ay may kumalabit sa akin sa aking likuran na aking kinabigla. Paglingon ko ay nakita ko ang isa sa mga pinsan ni Daphne na nakilala namin sa gym.

"Goodmorning, Lex. I never thought na magka building pala tayo."nakangiting sabi sa akin ni Zandrix.

"Goodmorning din, oo eh dito ang building ng masscom." sabi ko sa kanya.

"Ohh I see, masscom student ka pala?" tanong niya sa akin kaya tumango ako.

"Ikaw ano course mo?" tanong ko sa kanya.

"Multimedia Arts yung course ko," sabi niya naman sa akin. Napanganga ako.

Magsasalita sana ako ng bumakas na ang elevator at nagulat ako ng lumabas mula roon si Ross, mula sa elevator kasama ata ang ilan niyang kaklase. Ang course ni Ross ay Political Science kaya kami magka building kaming dalawa.

Tumingin siya sa aking tabi bago sa akin.

"Lex, anong oras klase mo?" kaswal na tanong niya sa akin at mukhang hindi pinansin si Zandrix sa aking tabi.

"10:00 am sa third floor." tipid na sabi ko sa kanya. Tinitignan niya si Zandrix mula ulo hanggang paa bago muling bumaling sa akin.

Kahit na 2nd year na siya ay hindi ko siya tinatawag na kuya dahil months lang ang agwat niya sa akin.

"May practice banda namin sa mansion ni lola mamaya, pwede ka bang manood kasama ni Shivani?" tanong niya sa akin.

"Susubukan ko may need pa akong puntahan pagkatapos," sabi ko sa kanya at tumango siya.

"Si Zandrix nga pala, pinsan din ni Daphne." pakilala ko sa katabi ko.

"Hello, pre. Zandrix nga pala." ani naman ni Zandrix sa kanya pero tumango lamang si Ross.

Behind The Scars (Serviano Series # 1)Where stories live. Discover now