Nangunot naman ang noo nung isa at nameywang sa harap nito. "Hoy! Dahan-dahan ka sa pananalita mo, ah! Walang mas gaganda pa sa boses ng tangi ko!"

"Tangi, amputa..." Iñigo laughed. "Tangi kasi tangina ka?"

Josiah and I laughed at their argument. Sa lahat ng ikinakapikon ni Cameron ay kapag napagsasalitaan ng masama si Ann.

Hindi sinasadyang mapalapit ulit ako sa kanya habang nagliligpit. Itong mga siraulo ko namang kaibigan ay talagang inaasar pa ako.

"Umuwi ka na baby, 'di na ako sanay ng wala ka..." pagkanta nila.

Napapasong lumayo sa akin si Hiraya na nagdulot ng bigat sa dibdib ko.

She doesn't want me anymore?

"Please, stop. I don't want to hear anything like this again..." I don't want her to feel uncomfortable because of these jokes. "Para kayong mga bata."

Nag-walk out ako dahil parang kinukurot ang puso ko. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako lalo na kapag siya ang pinag-uusapan.

I kept my distance after that. I chose not to bother her and continued supporting him from afar.

Sana kapag tapos ng graduation, pwede na ulit.

Pagkagaling ko sa school ay nagulat ako nang makita ko si tito sa labas ng apartment namin.

Aaminin kong may galit akong nararamdaman sa kanya. Kung hindi niya lang kasi pinabayaan si Hiraya—kami... hindi sana magiging ganito.

"Pwede ba kitang makausap, Steven?"

I just nodded at him and opened the apartment door.

The ambience is not the same anymore. It was no longer home because she's not here. The space looked so dull and lifeless.

"I want to apologize formally to you, Steven... I'm sorry for what I did. Sorry kung napabayaan ko si Hiraya."

Iwinaksi ko ang tingin ko nang makita kong nanunubig ang kanyang mata. Ramdam ko rin ang pagsisisi sa kanyang boses at hindi iyon nakakatulong sa bigat ng dibdib ko.

"Ang laki ng tiwala ko sa'yong hindi mo pababayaan ang anak ko... to the point na nakalimutan ko na ang responsibilidad ko. I became selfish Steven... to you and to Serenity..."

Pumatak ang luha ko nang makita ko siyang umiyak.

"Masakit na makita siyang gano'n. Nasasaktan ako sa tuwing naririnig ko siyang umiiyak, Steven..." he cried. "Gusto kong humingi ng tawad sa inyo."

I kept silent. I didn't know what to say. Yes, I do blame him a little for what happened pero hindi niya rin naman kasi ginusto.

May inilabas siyang bills mula sa kayang bag. Inilagay niya ito sa isang envelope bago inabot sa akin.

"Please forgive me, Steven... sa pagpapabaya ko sa inyo. Gusto ko ring magpasalamat dahil sa hindi mo pag-iwan sa kanya..." He sniffed. "Tanggapin mo ito kasi ito lang ang nakikita kong tanging paraan para masimulan kong mapatawad ang sarili ko."

"H-hindi mo naman po ako kailangang bayaran... I did that for her, hindi po ako naghihintay ng kahit anong kapalit."

"P-please accept it... Gusto kong makabawi sa'yo kahit papaano. Alam kong hindi mo pa ako mapapatawad pero sana makabawas ito sa bigat na nararamdaman mo."

When I didn't answer, he quietly left our apartment. I was left alone... crying.

Nanghihina akong napadausdos sa inuupuan kong couch at yinakap ang sarili. Why does it have to be this hard?

Amidst The Vying PsychesWhere stories live. Discover now