Chapter 16

5 2 0
                                    

Taong 2003

Gio

Malayo pa ang oras ng pag-andar ng barko pero nandito na kaming apat sa hintayan, panonoorin na rin namin ang pag-angat ng araw.

"May warm water d'yan, Ardel. Uminom kayo lalo na't maginaw." Payo ni Zhanxie. Habang usap sila nang usap ay hindi mawala ang pagtinginan namin ni Sky. Biglaang ngingiti sa isa't-isa at saksi ako sa pamumula ng pisngi niya, ramdam ko rin ang pag-init ng pisngi ko.

"Hoy teka, teka.. may naaamoy ako, ah?" Napalingon kami kay Zhanxie nang sabihin niya iyon pero na sa amin na ang tingin niya at naniningkit ang mga mata. Sabay kaming umiwas ng tingin ni Sky nang mapagtantong kami pala ang pina-ibig niyang sabihin.

"Naku, Zhanxie! Inggit ka lang." Tinapunan ni Ardel ng panyo sa ulo si Zhanxie na pasikreto naming ikinatawa ni Sky.

"Gago ka, ah?!" Galit na tumayo si Zhanxie at si Ardel naman na kaagad tumakbo na hinabol naman ni Zhanxie.

Tumatawa naming tiningnan lamang sina Zhanxie at Ardel na mukhang aso't pusa ulit.

"Nadulas si Ardel!" Sabay tawa ni Sky. Imbes magfocus sa kanilang dalawa, hindi ko na naiwasang hindi siya pagmasdan.

Ang ganda ng ngiti niya. Gusto ko 'yun makita araw-araw. Gusto kong pagmasdan ang ngiti niya buong araw, hinding hindi ako magsasawa. Gusto ko siyang samahan minu-minuto kahit saan man siya pupunta, gusto ko nasa tabi ko lang siya.

"Sky," tawag ko sa kaniya habang nakatutok ang polaroid sa kaniya, nang paglingon niya ay kaagad ko itong clinick.

"Hoy! Bakit hindi ka nagsasabi!" Mahina niya akong sinapak habang natatawa naming hinintay na lumabas ang picture niya, pinaypay ko ito at nang lumabas ang larawan ay parang lumundag ang puso ko sa ganda niya.

"Ang ganda mo, Sky!" Hindi ko napigilan ang sarili kong purihin siya.

"Bola ka, eh!"

"Hindi! Totoo, ang ganda mo! Sige mag-wacky ka." Muli kong tinutok sa kaniya ang polaroid at pinicturan siya.

"Hoy! Hoy! Isali mo'ko!" Sigaw ni Zhanxie habang tumatakbo papalapit sa amin.

"Ako rin! Ako rin!" Natawa kami nang halos matumba kami sa kinauupuan nang dumikit ang dalawa sa amin.

Itinaas ko ang polaroid para kita kaming apat sa larawan.

"One.. two.. three!"

Hindi ko pala akalaing, iyon na ang huling kuha ko sa aming apat.

----

Yumi

Napangiti ako sa larawang nakapaskil sa pader ni Uncle Gio. Tinitigan ko ang magandang mukha ni mama at Tita Zhanxie, ang lalaki ng ngiti nila sa larawan, sa tingin ko rin kung nandoon ako, ka-edad ko sila.

Sunod na nakita ko ay ang solo picture ni mama, hindi siya nakangiti rito, tila kinunan ito nang walang pasabi, humangin ang buhok ni mama at ang ganda-ganda niya. Nagmana ang mga mata ko sa kaniya.

"Yumi," napalingon ako sa gilid nang tawagin ako ni Eron. Kaagad niyang clinick ang polaroid na hawak niya at huli na nang matakpan ko ang mukha ko.

"Anong ginagawa mo!" Hindi ko mapigilang matawa sa ginawa niya, lumapit ako sa kaniya at hinintay na lumabas ang papel, pinaypay ito ni Eron at lumabas doon ang larawan ko.

"Wao.. photographer ka na pala, ah?" Siniko ko siya nang maganda ang nakuha niyang larawan sa akin.

"Ang ganda mo d'yan, Yumi." Aniya.

Mahina ko siyang sinipa sa paa, "Joker ka talaga."

"Hindi.. totoo talaga, ang ganda mo oh!" Sabay turo niya sa larawan. Napatitig naman ako sa kinuha niyang larawan.

"Ako naman kukuha sa'yo!" Kukunin ko sana sa kamay niya ang polaroid pero ang kamay niya tuloy ang nahawakan ko.

Biglaang nagbago ang ihip ng hangin na tila nagpalakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko akalaing nagtagal ang paghawak ko sa kamay niya.

"A-Ah sorry." Paghihingi ko ng tawad sa kaniya.

"No, it's okay. I like it– ouch!" Kaagad ko siyang binatukan. Ang gago ng trip ng lalakeng 'to.

"Magpose kana, dali." Tinutok ko sa kaniya ang polaroid pero hindi siya gumagalaw.

"Huy!" Winave ko ang kamay niya nang hindi kumakalas ang pagtitig niya sa akin.

Naglabas ako ng buntong hininga nang hindi talaga siya gumalaw, seryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin, "Ano na naman ba–"

"Yumi, kapag sinabi ko na gusto kita, maniniwala ka ba?" Natigilan ako sa sinabi niya.

Napakurap ako ng tatlong beses at hinawi ang mga sinabi niya sa utak ko.

"Ayan ka na naman sa trip mo, Eron–"

"Seryoso ako, Yumi." Pinutulan na naman niya ako ng sasabihin.

As I can see in his eyes, he was serious.

I know he likes me, noon pa lang. Halata ko na. Hindi naman kasi ako manhid na hindi nakakahalata, but I kept it hidden 'cause I don't like to assume, but now, he is confessing his feelings to me.

"Sa kwentong narinig ko kay Tita Zhan, napagtanto kong walang mapapala kung itatago ko nalang ang nararamdaman ko sa'yo. I regret not telling you more ealier, Yumi."

Kumunot ang noo ko sa huling mga sinabi niya.

"Bakit ka naman magsisisi?"

Umangat ng kaunti ang dalawang kilay niya, "Huh?"

"I've been waiting for you to confess, Eron."

The Girl Named SkyWhere stories live. Discover now