Chapter 4

9 4 0
                                    

Maaga akong gumising para magluto ng almusal namin ni Ardel. Ngayon na namin sisimulan ang pag-iinterview dito sa lugar. Si Ardel lang din bahala kung sino basta't palagi lamang ako nakasunod sa kaniya dahil ako nga ang cameraman.

Sinubukan ko siyang gisingin alas-sais ng umaga pero hindi talaga nag effect. Nag-iwan nalang ako ng ulam sa mesa at lumabas ng unit dala-dala ang polaroid ko at nasa bag  naman ang isa kong camera.

Gising na si Lola Wela, nasa labas siya at dinidiligan ang mga halaman niya.

"Magandang umaga po." Bati ko sa kaniya.

Ngumit siyang tumingin sa akin. "Masayang makita na may mga bata pa ring maaga gumigising." Aniya.

Ngumiti nalang ako. Hindi rin kasi ako masyadong nakatulog. Nabaguhan ako sa lugar.

Nilibot ko ang aking tingin sa paligid. Baka gising na rin si Sky.

"Hinahanap mo ba si Sky?" Gulat akong napalingon kay Lola Wela nang tanungin niya iyon.

Masyado ba akong halata?

"A-Ah.."

"Nasa kaibigan niya. Maglakad ka lang doon tapos lumiko ka sa kanan, tapos bilangin mo ang bahay, kapag lima na, ang sunod ay nandoon siya." Pahayag niya.

Agad kong minemorize ang sinabi ni Lola Wela.

"Sige po.." napangiwi ako nang tumalikod na sa kaniya. Nakakahiyang masyado akong halata. 'Di bale na, mabuti nga't alam ko kung nasaan siya.

Nang makaliko ay ginawa ko ang sinabi ni Lola Wela, binilang ko ang bahay at nang ikaanim na saktong nakita ko agad si Sky at may isang babae pa na sa tingin ko siya ang kaibigan niya.

Mas lumapit ako roon nang makitang may hinuhuli sila. Pasikreto akong natawa nang hindi nila mahuli ang manok.

"Abangan mo ro'n, Sky!"

Teka.. anong ginagawa ko??

Gulat na napahinto si Sky at ganoon din ang kaibigan niya. Akala ko'y matatakot sila sa walang pasabi kong panonood sa kanila at sa pagsigaw pero nginitian ako ni Sky at tumakbo palapit sa akin. Binuksan niya ang gate na hanggang beywang ang haba.

"Pasok ka." Alok niya.

"A-Ah hindi na.." naramdaman ko na naman ang pag-init ng pisngi ko at kung anong pakiramdam sa puso nang hawakan niya ang braso ko't hilahin ako papasok sa bahay.

Lumapit ang kaibigan niya sa amin kaya agad kong kinalma ang sarili ko sa pamumula.

"Sino siya?" Rinig kong tanong ng kaibigan niya kay Sky.

"Siya nga pala si Gio, Zhanxie. Isa siyang photo journalist na bumisita rito para iadvertise ang lugar natin para sa exhibit ng university nila." Pagpapahayag ni Sky. Nasa kaniya lamang ang tingin ko. Lumalambot ang puso ko sa mga sinabi niya tungkol sa'kin, paano pa kaya mamaya? O sa susunod? Ang cute niya talaga.

"Photo journalist? Teka lang kasama mo si Ardel?" Tanong ng kaibigan ni Sky na si Zhanxie.

Paano niya nalaman si Ardel?

"Oo, siya ang writer na kasama ko." Sagot ko.

"Huh! So ikaw pala ang isa sa mag-iinterview sa'kin ngayon!" Galak na sabi ni Zhanxie.

"Interview? Ikaw ang iinterviehin nila ngayon?" Tanong naman ni Sky sa kaibigan niya.

"Oo! Pumunta rito si Ardel kahapon para sabihin 'yon."

"Hindi mo agad sinabi sa'kin! Alam mo dapat nakaupo ka ngayon at nagreready!"

"Pero kasi 'yung manok eh. Kaya nga nagpapatulong ako sa'yong hulihin itong ligaw na manok dahil baka maingay 'to sa interview." Tiningnan ko ang manok ngayon na tumutuka-tuka.

"Okay." Sagot ni Sky. Ikinagulat ko nang kunin niya ang bag na dala ko at ibinigay sa kaibigan niyang naguguluhan din.

"Hawakan mo 'yan at umupo ka ro'n." Utos niya sa kaibigan niya.

Anong ginagawa niya?

Akmang kukunin ko sana pabalik ang bag ko nang pigilan ako ni Sky.

"Tutulungan mo 'ko."

"Huh?"

Tinuro niya ang manok, "Tutulungan  mo 'kong hulihin ang manok na 'yan." Pangiti niyang utos.

--

"Isa.. dalawa.. tatlo!" Sabay kaming tumakbo, nasa kabila si Sky at nasa kabila naman ako kaso nakatakas ulit ang manok.

"Hinay-hinay lang.. mapapagod din ang manok na 'to.." hinihingal kong sabi.

"Kapag nahuli talaga kita gagawin kitang fried chicken." Rinig kong sabi ni Sky tumakbo para hulihin ang manok. Nanatili akong nakatayo, pinagmasdan siyang tumatakbo na may ngiti sa labi at ang mga pawis niyang tumutulo sa pisngi niya. Napagtanto ko na talagang gusto ko siya.

"Gio!" Nabalik ako sa huwisyo nang isigaw niya ang pangalan ko. Ang ganda sa tainga na marinig iyon. Sa dinarami-raming taong tumawag sa pangalan ko, tila nag-iisa siya na gustong-gusto ko. "Nahuli ko!" Itinaas niya ng kaunti ang manok na nahuli niya. Nagkaroon ng napakalaking ngiti mula sa kaniya hawak-hawak ang manok.

"Yey! Nahuli mo!" Tumakbo ang kaibigan niya papunta roon at ang saya-saya nilang inilagay ang manok sa kulungan.

Ilang minuto rin ang lumipas ay dumating na si Ardel. Nagulat siya nang makita ako rito. "Paano mo nalaman?" Tanong niya habang inaarrange ko ang camera at stand.

"Mahabang kwento." Tanging sagot ko.

"Kwento mo sa'kin mamaya ha?" Umupo na siya sa tabi ko hawak-hawak ang isang kuwaderno. Nakaupo si Zhanxie habang ang background nito ay ang malinis nilang bakuran na puno ng halaman.

"Hindi pa magsastart diba?" Tanong ni Sky sa akin.

"Ah hindi pa naman." Nang sabihin ko iyon ay pangiti siyang tumakbo papunta kay Zhanxie.

Pinaypayan niya ito at inayos ang mga hibla ng buhok. "'Wag kang kakabahan ha?"

"Pero kinakabahan ako eh.."

"Hinga ka malalim.. inhale.. exhale.. ulitin mo lang.." napangiti na naman ako. Napakasupportive niya na kaibigan.
Ilang minuto lang din ay nagsimula ang interview, itinanong din ni Ardel kung ano ang kalagayan sa tingin ni Zhanxie ang lugar nila.

"And we're done!" Sabay tayo ni Ardel at uminat-inat pa ito.

Rinig kong pumalakpak si Sky at lumapit kay Zhanxie. "Grabe galing mo sa pagsagot, ah? Tsaka ang ganda mo rin pati sa camera." Pagpupuri ni Sky.

Lumapit sila sa amin at nagpasalamat. "Mas mabuti yata kung kumain muna kayo sa loob. Masarap ako magluto!" Pag-iimbita ni Zhanxie.

The Girl Named SkyWhere stories live. Discover now