Chapter 11

4 3 0
                                    

Taong 2023

Yumi

  Alas dos na ng umaga at kasalukuyan kong binabantayan si Eron dito sa hospital, ang taas ng lagnat niya kaya agad akong tumawag ng ambulansya dahil ayokong maulit ang nangyari sa kaniya noon.

   Nasagasaan siya nang biglang nahimatay sa gitna ng daan, wala ako sa tabi niya nung mga araw na iyon dahil busy ako sa research namin, pero bago nangyari 'yon ay napapansin kong palagi siyang walang gana, masakit ang likurang bahagi ng leeg, ang mga paa niya at ulo, iyon pala dahil sa stress at mas lumala, nagkaheavy headache s'ya.

Parang mahihimatay din ako nang malaman ang balitang iyon, iyak ako nang iyak habang nasa ICU s'ya noon. Dasal ako nang dasal dahil hindi ko yata kayang mawala siya.

I didn't know that I was already crying beside him as I remembered what happened to him last year.

I don't want to lose him again, not anymore.

"Hey, crybaby." Agad kong hinawi ang aking luha nang marinig ang boses ni Eron, gising na siya.

"Shut up, may naalala lang na tragic movie." Pagpapalusot ko.

"Palusot ka pa kilala na kita, Ms. Yumi." Hinay-hinay siyang umupo sa pagkakahiga at tiningnan ako sa mga mata.

His face went serious when he saw tears fell from my eyes, again. Damn, I can't stop it! He is right, I am a crybaby.

"Sorry.."

Agad akong umiling at hinawakan ang mga kamay niya.

"No, I'm the one who is sorry.. hindi kita naligtas noon."

His forehead creased and slightly chuckled, "Oh come on! Past is past, at wala kang kasalanan doon."

Yes, it already happened but still I can't forget it and it still haunts me until now.

"Pero kasi ayokong mawala ka, muntikan na 'yon eh."

Tumango siya at tumitig ang mga mapupungay niyang mga mata sa akin.

Halos apat na buwan siyang na-comatose noon kaya hinding-hindi ko malilimutan iyon.

"If that's so, stay by my side. Protect me, Yumi."

--

Kinabukasan ay nakalabas na rin si Eron sa hospital, dumiretso kami sa bahay ko dahil ayaw pa niyang umuwi sa kanila, maaabutan na naman niyang tulog ang mama niya dahil lasing ito kagabi.

Walang pasok ngayon at kasalukuyan akong gumagawa ng assignment sa laptop, habang si Eron ay napapansin ko ang madalas na pagtingin niya sa'kin, alam kong may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung paano sasabihin. Hinayaan ko nalang siya pero pati rin tuloy ako nacurious sa kung ano at nagkatypo na ang typings ko.

"Ano ba, Eron? Dinidistract mo 'ko." Kinuha ko ang salamin sa aking mata at seryoso siyang hinarap, na siya namang hindi umiwas ng tingin pero medyo nagulat nang napansin ko ang madalas niyang pagtingin.

He gulped before telling me what he wanted to say. "Naisip ko lang, hinintay ka niya para makipagkita sa kaniya. Grabe 'no? Lagpas dekada na pero hindi pa rin siya nagsasawa."

"Ewan.." iyon lamang ang naisagot ko.

Ewan ko talaga. Nineteen years na ang lumipas pero hindi siya nakahanap ng iba, siya at siya pa rin.

The Girl Named SkyWhere stories live. Discover now