14

29 9 0
                                    

BLACK PAIR, PERFECT!

***

"Ate Ruth, may juice pa ba?"

Agad kong pinatay ang cellphone ko nang makita si Jade na papasok sa kusina. Nangangati pa siya sa batok niya habang hawak-hawak si Jillian na nasa tabi niya lang.

"Inuuhaw raw kasi 'tong batang 'to, gusto raw niya ng juice." Mukha pa siyang naiinip kay Jillian. Bakit ito pa kasi ang pinabantay ko, eh, hindi naman ito sanay sa bata.

Napahinga ako ng maluwag at kinuha ang pinalamig na juice sa pitcher na nasa fridge.

"I-ito," nauutal kong sabi at inabot sa kaniya ang pitcher. "Diyan muna kayo, ah? May kukunin lang ako sa taas."

Kinuha ko ang phone ko sa 'mesa at tinignan ang call pero call ended na ito. Mariin akong napapikit habang umaakyat sa hagdan. Napatigil ako sa pinakadulong hakbang ng hagdanan.

"Teka nga, ano ulit 'yong sinabi niya?" Kunot-noo kong inopen ang messenger naming, wala kaming anong convo. Tanging 'yong tanong niya lang ang chat doon. "Ba't nakalimutan ko?" Napahilamos ako at umupo sa sahig habang ang mga paa ay nasa hagdan pa.

Chinat ko na lang siya para matanong na rin kung ano 'yong sinabi niya kanina bago na-end ang call.

ruth_soriano: sorry, bigla kasing pumasok 'yong pinsan ko.

_dominichiato: it's okay

ruth_soriano: ano nga ulit 'yong sinabi mo kanina?

_dominichiato: ah, happy new year? 'yon lang naman.

Napakunot ang noo ko, may sinabi talaga siya kanina bago na-end, eh. Kinulit ko pa siya kung ano 'yon pero ang sagot lang talaga niya ay greetings daw. Ako na lang ang nagsawa kaka-ulit ng tanong kasi paulit-ulit na lang din ang sagot niya.

January 08 ang balik ng klase naming kaya may 1 week pa akong bakasyon sa bahay, kasama si Jade at Andrew, mga maiingay kong pinsan na dumayo rito.

"Hindi kasi! Bobo mo maglaro. Umalis ka na nga lang."

"Ganiyan nga kasi rules niyan. Gumagawa ka ng sa 'yo, Drew."

"Bahala ka riyan. Tayo na lang maglaro, Roe."

Hindi na nga lang ako nag-advance study kasi ang ingay talaga nila. Ayaw ko naming patahimikin kasi bisita at minsan na lang may ganitong ingay rito sa bahay.

"Ate 'di ba ganito 'yong rules sa uno?" tanong ni Jade sa 'kin,

"Ah, wala akong alam sa mga ganiyan." Pinanood ko na lang sila kung paano nila ginawan-gawan ng mechanics ang laro. Ang saya nila kasama kahit sobrang sakit sa tainga.

That was my whole week routine. Simula umaga hanggang gabi ay sobrang ingay ng bahay. Hindi naman kasi sound proof ang room ko kaya rinig na rinig ko talaga ang boses nila. Katabi ko rin si Jade kapag natutulog, grabe ang kulit!

Sana hindi ganito si Ynez 'pag 12 years old na siya. Nako, araw-araw akong kulang sa pahinga at tulog.

"Mukhang stress ka yata sa bakasyon, akala ko ba makaka-relax?" Natatawa akong sinalubong ni Dominic. Kahit inaasar niya ako, hindi ako nainis. Ganito ka-gwapo ba naman ang mang-aasar.

"Dami pa ring tao sa bahay, eh." Tinanggap ko ang helmet na inabot niya at hinintay siya habang pinapa-andar ang makina ng motor. As he always do, he unfolded the foot rest for me.

"It's okay, you're still gorgeous as you are."

Nanginginit na naman ang mga pisngi ko! Suot ko ngayon ang hair clip na binigay niya sa 'kin, bagay rin kasi sa suot kong black dress ngayon. Nagkataon pa na same kami ng color ni Dominic, ah! Naka-white t-shirt siya sa ilalim at black long-sleeve polo na hindi sinasarado. Black din pati jeans niya. Bagay!

This is the last day of our Christmas vacation, kaya pagkatapos ng church ay didiretso kami ng dagat. Gusto ko munang mamasyal bago matapos ang araw.

"Gusto mo roon na lang din tayo kumain?" marahan niyang tanong sa 'kin, para naman akong bata na tumango sa kaniya.

We bought foods and drinks and went straight to the shore near to our campus. Sakto at hindi high-tide, hindi rin naman low-tide, sakto lang para maka-upo kami at kumain sa baybayin.

"Wait." Hinubad niya ang polo jacket niya at linatag sa dry part ng baybayin. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa ginawa niya. He gave me the three love languages: words of affirmation, giving gifts, and acts of service. Kulang na lang talaga ay ang love, hay!

Pinaupo niya ako sa linatag niya at siya naman ay sa tabi ko, medyo nahiya pa ako kasi polo niya 'to tapos ako ang umuupo. Binuksan niya ang isa sa meal na binili naming at binigay sa 'kin.

"Thank you."

This is the best start for my year. I will consider this as a date. Delulu na kung delulu pero kahit siguro sila Aubrey magiging delulu kung malalaman nila ito. Pero hindi, hindi ko sasabihin sa kanila!

"Totoo? Pangatlong beses niyo nang date sa dagat--?"

"Hindi naman siguro 'yon date, Kres!" HInarangan ko 'yong bibig ng kaibigan ko. "'Tsaka, hinaan mo nga."

"Ba't ngayon mo lang sinabi? Porke't ba dinala ka na naman niya kahapon?" sulpot ni Aubrey,

"Nako, ang saya naman ng new year natin!" Nangingiti si Naij habang nakahawak sa magkabilang pisngi niya.

"Ikaw rin, Naij? Ano ganap sa inyo ni Jairus? Mukhang ako na lang ang bitter ngayon." Napasimangot si Aubrey at bahagyang tumalikod sa 'min.

"Hoy, hindi tayo sure sa 'kin. Medyo blur kami ni Clarence." Kreska flipped her hair and smirk sarcastically. Mas lalo niya lang pinainis si Aubrey sa pagiging iconic niya.

Ang plano ko, hindi ko sasabihin sa kanila. Pero ngayon ako pa ang umunang chumika sa kanila.

"Basta, satin-satin lang 'to, ah! 'Wag niyong sabihin kahit sino, please!"

"Makaka-asa ka, Ruth. Nga pala, sabi ni kuya birthday ni Dominic sa Miyerkules. May maliit na salo-salo raw sa bahay nila." Proud na proud na humarap sa 'kin si Naij.

I didn't heard anything yet from Dominic, pero tama rin na maaga ko nalaman galing sa friends ko para naman makabili ako ng gift. Hindi ko nga lang alam kung paano ko ibigay sa kaniya, kahiya naman pumunta sa salo-salo.

The next day I asked my friends to help me find a gift for Dominic. Nagpaalam na rin ako kay mama na may bibilhin lang saglit at matatagalan ako sa pag-uwi. We were supposed to go home together but I told her that what I need to buy is very important.

"Sure ka ba talagang 10 ang birthday niya? Bakit parang 9 nag-greet si ate Mellie sa kaniya noon?" Nalilitong humarap si Kreska kay Naij.

"Sino papaniwalaan natin, ang greetings ng ex niya o si kuya?" Taas-kilay pang lumingon si Naij kay Kreska.

"Eh, paano mo nasabing matino si kuya Art?" Natahimik kami lahat sa tanong ni Aubrey. "Ah- eh- I mean, baka nagjoke lang, paano niya ba sinabi?"

"Seryoso si kuya. Sabi niya pa nga isasama niya ako kaya dapat isama ko si Ruth." Tumingin sa 'kin si Naij. Uminit ang mga pisngi ko sa 'di ko alam na dahilan. May alam kaya si kuya Art na hindi ko alam? SIyempre mayro'n! Bestfriends sila, eh.

"Hoy, si Ruth lang ba ang imbitado?" Kreska asked dramatically,

"Hindi, si ate Millie rin."

Summertime RegretsWhere stories live. Discover now