12

31 7 0
                                    

BELATED-ADVANCE HAPPY BIRTHDAY

***

"You're wasting my time, Aubrey." Nagdadabog na ako habang nakasunod lang sa kaibigan. Nagpasama kasi siya kasi may bibilhin daw siyang makeup.

"Saglit lang nga. Diretso na rin tayo sa Mr. DIY. 'Di ba may bibilhin kang Notebook for your journal?" Nakatuon lang ang atensyon niya sa pagpipili ng blush-on.

"Sige na nga, bibili na lang din ako ngayon." Wala sana sa plano ko ang bumili ng bagong journal notebook, eh. Pero since nandito na kami, bibili na lang ako.

Hindi nagtagal ay pumipili na rin ako ng clay blush at matte liptint habang hinihintay si Aubrey. Sa huli, nakabili rin ako! Nakakabudol talaga 'tong si Aubrey, eh. Tinatawanan niya pa ako habang naglalakad kami papunta sa Mr. DIY.

"Akala ko ba, nag-iipon ka ngayon? Grabe ba!"

"Ikaw kasi! Kakainis."

Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahilan para malipat ang tingin ko sa dalawang estudyante na nasa hindi kalayuan sa 'min. It was Dominic, and he was with a girl that I'm familiar to, yet I don't know her name. They looked good together, so close. Kilalang-kilala yata nila 'yong isa't-isa.

"Oh, anong mukha 'yan? Teka nga, ano nga pala ang mayro'n sa inyo ni kuya Dominic, ha?"

Agad akong umiwas ng tingin sa dalawa at binalingan si Aubrey na ngayon ay nakahawak sa baba niya habang nakataas ang kaliwang kilay.

"Wala, magkakilala lang."

"Weh? Nangangamoy selos yata." Nang-aasar na naman itong si Aubrey!

"Hindi! Bahala ka nga." Iniwan ko na siya at umuna nang maglakad papunta sa Mr. DIY.

I am denying myself in front of my friend but deep inside, it hurts a little. Para kasing wala lang para sa kaniya 'yong sa library, tapos ako.. hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa simpleng tanong niya! Kainis siya.

Until the exam passed by, I only saw him from afar. At kahit ano ang gawin ko, hindi kami binibigyan ng pagkakataon na magkasalubong sa hallway, magkatinginan, magkalapit, at magkausap. I suddenly miss him, I don't know why!

"Ayos ka lang ba, Ruth? You got high scores on the exam, you must be proud!" Naglapag ng fresh-milk box si Dale sa 'mesa at tumabi sa 'kin. "Drink it, baka mabulunan ka na sa kinakain mo. Ba't 'di ka nagdala ng tubig?"

"Naiwan ko sa room, salamat." Kinuha ko naman ang fresh milk at bubuksan na sana ito.

"Let me." Kinuha ito ni Dale at binuksan bago binalik sa 'kin. I thanked him again before drinking the fresh milk.

We had much free time again since the Teachers were busy doing our grades, so I was spending my time standing in the hallway while leaning my arms on the handrails and searching for Dominic on the part of the campus I could see from our floor.

At hindi nga ako nagkamali, nahanap ko nga siya sa may bukana ng covered court, kasama iyong mga kaibigan niya, at 'yong babae na kasama niya kahapon sa mall. Tumatawa pa ito habang nasa tabi ni Dominic.

She's beautiful, she has nice glowing skin, a nice face shape, and long eyelashes. Her lips were perfect, and even when she's laughing she's still gorgeous.

I also heard from other soccer players na wala sila masyadong training next week kaya patayan daw sila ng training ngayon sa field. I badly wanted to watch him play but my father said he wants us to eat dinner together.

I witnessed how he turns good in just one twinkling of an eye. Bigla na lang isang gabi, lumabas siya ng bahay para bumili ng midnight snack namin. Binilhan niya rin si Ynez ng bagong laruan at kami naman ni kuya ay binigyan niya ng additional allowance.

I wonder if he had an LQ with his mistress. Ang cute naman!

"How's the exam? Ruth, Ynez."

And this is what I mean, he started to ask for some updates about our studies. He spent some time with us!

"Everything's been great." Nasa pagkain lang ang tingin ko at hindi man lang siya sinulyapan.

I want to confront him although it's been a week since that thing happened in front of my eyes. I badly wanted to tell him how much I was hurt, I wanted to slap him, punch him, and kick him out of the house.

But thinking that I used to be a daddy's girl hurts me more, how can I hate him if he's the first gentleman that shows me how to love a girl like me? Mas nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko 'yong panahon na sobrang saya ko kapag kasama ko si papa, siya 'yong laging kakampi ko kapag inaasar ako ni kuya at kapag napapagalitan ni mama.

Will that day happen again? Kailan kaya ulit magiging ayos? Mababalik 'yong dating kuya at papa ko.

"Hindi ka manonood ng training ni Dominic?" Bigla akong napatingin kay Kreska nang tumabi siya sa 'kin at nagtanong, kailan niya pa naisip na itanong sa 'kin 'to? "Ilang weeks na yata since no'ng last time na nanood tayo."

"Hindi, busy ako--"

"'Di mo ba namiss? Or may tampuhan kayo?"

"Hoy! Ano ka ba, Kres? Friends lang kami." Napairap ako.

"Bakit? Hindi ba p'wedeng magtampuhan ang magkakaibigan?"

"P'wede.. pero hindi naman kami gano'n ka-close." Or are we?

We're in the first week of December so I could tell how my parents talk about my birthday.

"Kaarawan n ani Ruth sa petsa singko, ano ang plano?"

Kahit nasa sala lang ako ay naririnig ko pa rin ang usapan nila mama at papa sa porch. Nakalimutan yata nila na birthday rin ni kuya sa siete.

"Isahin na lang kaya sa sais 'yong selebrasyon? Birthday rin kasi ni Yno sa siete." Narinig ko ang boses ni mama. Buti at naalala niya. Baka kasi mainis na naman si kuya at ako ang sumbatan.

"Tama, maaga ako mauuwi niyan. Family dinner na lang, kung sa dagat kaya?"

My family used to have a bond at the shore, kaya hindi na ako masusurpresa kung doon kami pupunta. Ang kaibahan lang ngayon ay halos isang taon na since no'ng last naming beach outing.

As it was planned, doon nga kami nag-dinner, sinundo kami ni papa sa school at kinuha rin naming si kuya sa basketball court, wala kasi siyang pasok every Wednesday.

I gathered strength to greet my older brother. Ilang ulit ko itong pinag-isipan at sinubukan. And finally when my parent's attention were on Ynez, I had the chance to talk to my brother. Kinuha ko sa tote bag ko ang gift at lumapit sa kaniya na nasa motor niya ngayon.

"Kuya," tawag ko sa kaniya dahilan para mag-angat siya ng tingin sa 'kin. "I just wanted to greet you a Happy Birthday." Inabot ko sa kaniya ang paper bag na linagyan ng gift ko, a golden wristwatch.

Tinitigan niya lang ito kaya medyo nagging awkward kami. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin na parang wala lang sa kaniya ang inaabot ko.

"Hindi pa ngayon. Gusto mo na agad akong tumanda." Umayos siya ng upo sa motor niya at humarap sa kabila.

Akala ko magiging maayos ang lahat. Mukhang wala pa ring panibago. Galit pa rin siya sa 'kin sa hindi ko alam na dahilan.

"Okay, I will just give this to you tomorrow." Aalis na sana ako nang huminga siya ng malalim.

"Gifts can't be delayed. Giving it in advance is much better." Nang balingan ko siya ay nakaharap na ulit siya sa 'kin at nakalahad na ang mga kamay para tanggapin ang regalo.

He's really a copy of our father! Nagpapakipot pa, eh tatanggapin naman.

"Advance Happy Birthday, kuya." Nakatingin lang ako sa regalo na binigay ko sa kaniya.

"Belated Happy Birthday, Hazie."

I was filled with joy when I heard the nickname he used to call me. Tumayo siya at hinubad ang lace ng susi niya at binuksan ang u-box ng motor niya. May kinuha siya rito at inabot sa 'kin. Doon ko ba nakita na isa itong bracelet na may clover pendant.

"Last week ko pa 'yan binili. 'Di ko lang nabigay sa 'yo kasi matagal natapos 'yong exam naming last night." Medyo natatawa pa siya. "Again, Happy Birthday."

Summertime RegretsWhere stories live. Discover now