Geeting R ady

2 0 0
                                    

Shane's POV

"Pupunta ba ako?" tanong ko sa aking kaibigan matapos makatanggap ng imbitasyon para sa aming High School Reunion.

"At bakit hindi ka pupunta? Diba kada taon kayo nagkikita kita para sa inyong reunion." sagot ng kaibigan ko habang abala sa kanyang ginawa.

"Alam niyo, and weird niyo. Sa lahat ng magkakaklase kayo lang ang nagr-reunion kada taon." dagdag pa niya.

"Eh ano naman ang masama dun?" pagsalungat ko sa kanya.

"Tsk. Para sa kaalaman mo mostly sa ibang magkakaklase ay kada tatlo o limang taon sila nagkikita kita. Diyan ka na nga kukunin ko pa ang mga sinampay ko at nagdidilim na ang kalangitan, mukang uulan na naman" sabi niya sabay labas ng kwarto.


*Makalipas ang ilang araw.


Yuki's POV

Napagpasiyahan namin na dito nalang sa aming dating paaralan idaos ang aming reunion.

May kalumaan na din ang buildin namin kaya naglagay na din kami ng dagdag na ilaw para hindi masiyadong nakakatakot pag gabi na.

Ilang araw din namin pinaghandaan to kaya nang makita namin na maayos na ang lahat ay na excite na kami dahil pagpatak ng ala 6 ng gabi ay magsisimula na.

Time check: 4:44pm

"Ilagay niyo na sa mesa ang mga pagkain, anong oras na paparating na ang mga kaklase natin." sigaw ko sa mga kasamahan ko para magmadali na sila.

"Ito na boss Yuki, masiyado ka namang excited" sabi ni Jyro sabay tawa.

"Sino ba naman hindi ma-e-excite e makikita na naman natin uli ang mga kaklase natin" sagot ko.

"Kaklase natin o si Shane?" pang-aasar ni James sakin.

"Ah si Shane... I guess it's that time of the year again huh." saad ni Jyro na biglang may naalala.

Nagkatinginan kaming tatlo.

Hindi lang kami nina Jyro at James ang naghanda ng classroom para sa aming reunion. Kasama namin sina Lara, Louise, at Jane. Bale anim kami na naghanda para sa aming reunion.

Si James ay isang matangkad, gwapo, at matalino simula pa lang nung nasa high school pa kami. Ngayon ay isa na siyang business man at CEO ng isang malaking kompanya. Simula nung high school palang kami ay marami na ang nagkakagusto sa kanya kaya binansagan siyang "crush ng bayan". Isa siya sa nag sponsor ng reunion namin kaya every year hindi kami nahihirapan na maghanda para sa aming reunion.

Si Jyro naman ay isa ng sikat na artista, high school palang kami ay pangarap niya na yun kaya masaya ako na natupad niya ang kaniyang pangarap.

Sina Lara, Louise, at Jane naman ay ang trio ng section namin. Kahit karamihan samin ay lumipat na sa iba't ibang paaralan pag college ay ibahin niyo sila, sama sama pa rin sila. Sa ngayon si Lara at Louise ay isa ng archeologist at si Jane naman ay isang Parapsychologist.

Syempre ako hindi pwedeng hindi ako magpakilala. Ako nga pala si Yuki, isang engineer. Simula high school ay matatalik ko na na kaibigan sina James at Jyro kaya kapag may pagkakataon ay nagkikita kami. Katulad ng sabi ni James ay totoong may pagtingin ako kay Shane kaya ngayong taon ay sana ay pumunta na siya at ng magawa ko na ang matagal ko ng gustong gawin.

Time check: 5:55pm

Isa-isang dumadating ang mga kaklase namin ngunit kahit malapit na ang nakatakdang oras ay kaunti pa rin ang tao.

"Mukang kaunti lang ulit ang pupunta." sabi ni James na alam ko na ang kanyang gustong iparating.

"Hayaan mo na maghanda na kayo at malapit na." ang tanging naisagit ko nalang kay James.

Oras na.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reunion Where stories live. Discover now