My mouth parted when Violet and Iñigo only had seven fingers left. Pinalakihan ko siya nang mata na ngumiti lang sa akin at nag peace sign. Nagtawanan ang mga kasama namin dahil halos lahat ng nasabi ay nagbaba sila ng isang daliri.

Pagdating kay Cameron ay ngumisi siya. 'Yung ngising nakakakilabot.

Pakiramdam ko ay may balak 'tong isang ito.

"Put a finger down kung mahal mo pa ex mo." Sabi na nga ba.

Kasabay ng statement niya ay ang pagbaba rin ng isang daliri niya.

Nakita kong natigilan si Steven sa tanong bago inabot ang isang shot glass na may laman. Hindi niya sinagot ang tanong ni Cameron.

Because of that, I chose to take the shot, too. I immediately put a lemon on my mouth. Literal na humagod ang tequila mula sa bibig ko hanggang sa tiyan. Ramdam na ramdam ang init at tapang no'n.

"Put a finger down kung hinihintay mong balikan ka ng ex mo kasi hindi mo masabi sa kanya na mahal mo pa siya." Iñigo smirked.

Hindi pa nga bumababa ang ininom ko kanina pero mukhang kailangan ko na namang kumuha ulit. Ayokong sumagot dahil nandyan si Steven. Ayoko namang umasa at maging desperada sa harap niya.

Gusto ko kapag kami na lang.

Hindi lang pala kami ang uminom dahil si Cameron din ay umabot ng shot glass.

Medyo nahihilo na ako kaya nang turn ko na, ang nasabi ko lang ay, "put a finger down if you like to talk about exes in this game?" I chuckled.

Sabay-sabay silang nagbaba ng daliri na ikinatawa ko.

"Put a finger down kung nagkagsuto ka na sa kaklase or ka-band mate mo," si Nadya ang nagsabi kung saan binaba niya rin ang kanyang daliri.

Halos lahat ay nagbaba ng daliri nila—kasama ako, except kay Iñigo, Violet, at MJ.

So, nagkagusto si Nadya sa ka-bandmate niya? Is it Steven?

When it was MJ's turn, he wiggled his eyebrows at us. "Put a finger down kung umaasa ka pang magkakabalikan kayo ng ex mo."

I wanted to be brave and put my finger down... but I didn't because I don't because I was embarrassed. So, I chose to drink another shot that made my head spin.

Fuck, pang-ilang shot ko na ba ito? Ang lakas pa naman ng tama.

Ang tanging hindi lang nagbago sa akin nung nasa Australia ako ay ang alcohol tolerance ko.

When it was Steven's turn, everybody zipped their mouths. They were all waiting for his statement.

"Put a finger down..." He paused. "Put your finger down if you miss someone," he said, almost a whisper.

And he put his finger down while staring at me.

⌗˚ , ᜊ₊˚ ໑

Buong gabing malalim ang iniisip ko dahil sa larong pasimuno ni MJ. Mukhang ako lang ang nakapansin at nakarinig sa sinabi ni Steven dahil hindi sila nag-react. Nag-suggest si Cameron na ibang games na lang daw ang laruin namin.

Ngayon ay nagsasayawan sila sa gitna na akala mo mga bata.Hindi pa rin pala talaga sila nagbabago, makukulit pa rin sila.

Para tuloy kaming nagbabantay ng maraming anak.

Nasa gitna ng dancefloor si Cameron at Josiah. Parehas silang sumasayaw pero mas grabe kung gumalaw si Cam. Si Josiah naman ay sasayaw lang saglit tapos tatawa na naman ulit. Kasama nila roon ang mga college friends yata nila at 'yung mga high school friends namin.

Amidst The Vying PsychesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz