Sa ngayon, gusto ko munang sulitin itong panlalambing na ginagawa ni Theros baka kasi sa susunod o saw makalawa, hindi na madugtungan.





Kung tutuusin, hindi ko dapat hinahayaan si Theros na gawin ang mga ganitong bagay sa akin dahil unang una sa lahat ay wala naman kaming relasyon o espesyal na nararamdaman para sa isa't isa.






Pero minsan talaga hindi ko mapigilan ang sarili ko. Tulad na lang nung nangyari kagabi. Hindi naman ako lasing kagabi pero nalasing ako sa mga malalalim na halik at mga haplos niya sa katawan ko.






Mahirap talaga atrasan o tanggihan ang tukso kapag kulang na kulang ka sa lakas para labanan 'yon. Lasing ka man o hindi, kapag natukso ka na talaga, hinding hindi mo na maaatrasan.





"What are you thinking?"





Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ang tanong ni Theros. Nilingon ko siya at nagtama ang paningin namin. Bahagya ng nakalayo ang mukha niya sa akin.





Umiling ako at ngumiti. "Wala. Dali na, bangon na," nilingon ko ang bintana at maliwanag na sa labas. Hinawakan ko ang kumot para hindi 'yon maalis saka ako bumangon. "Nagugutom na ko,"






"Napagod ba kita kagabi?" Kaswal ngunit mahinahon ang boses na tanong niya. Bakit ang sarap sarap sa tenga pakinggan 'yong boses niya kapag nagtatagalog siya?





Tumikhim ako at umiling. "H-hindi naman,"





Tumango siya at bumangon. "Get dress. We'll eat outside,"






Kaagad naman akong tumanggi. "Ano...hindi na, Theros. Uuwi na lang ako, sa bahay na ako kakain. Linggo ngayon at walang pasok si Leanna kaya malamang nagluto 'yon."





Matagal bago siya nakasagot. Mukhang nag isip pa muna. "Then I'll come with you and eat to your house."





"H-huh?"





Tumango siya. "Also, I want to see your daughter,"





"Uhm.....okay."




Pinauna niya akong maligo at hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga damit na ibinigay niya pero hindi na ako nagtanong pa at naligo na lang. Pagkatapos ko ay lumabas kaagad ako banyo at siya naman ang pumalit na pumasok doon.





Habang naliligo siya ay inabala ko naman ang sarili ko sa pagpapatuyo ng buhok ko at paglalagay ng kaunting kolorete sa mukha. Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya nang maalala kong hindi pa pala ako naliligo at nagto-toothbrush kanina pagkagising ko.





Hindi ko tuloy alam kung ano bang itsura at amoy ko kanina? Nakasiksik pa man din ang mukha niya sa leeg ko.





"Oh. Tinanghali yata kayo. Pagod?" Nakangising mukha kaagad ni Ledger ang bumungad sa amin ni Theros nang makababa kami at nadatnan silang dalawa ni Marco na nakaupo sa bar counter.






"Napasarap yata sila," pang aasar ni Marco. Sabay na humalakhak sina Marco at Ledger.





Napa irap naman ako kahit pa nararamdaman ko ang pag iinit ng pisngi ko dahil sa mga sinasabi nila. Sa kwento ni Selene, mabait at matino si Marco pero sa nakikita ko ngayon, parang hindi. Mukhang nahawaan lang yata ni Ledger dahil madalas silang magkasama.





"Si Nadia pala?" Tanong ko nang maalala ang babae.






"Hinatid ko kagabi. Hinahanap ka pa nga pero sabi ko kasama mo si Theros," ngisi ni Marco.





Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now