Magkasing edad lang kami ni Reynaldo pero mas matanda lang siya ng dalawang buwan. Nitong mga nakaraang araw ay naging suki na namin siya sa coffee shop, nakilala na rin niya ang boss naming si Ma'am Helen at tulad namin ni Nadia ay nahusgahan din ni ma'am Helen si Reynaldo pero maliban doon ay wala na siyang ibang sinabi.







Hindi kagwapuhan si Reynaldo at tadtadan din ng tigyawat sa mukha, medyo may kaliitang tao rin siya at medyo maitim kaya siguro napakadali lang para sa mga taong husgahan siya. Pero kapag nakilala mo naman at naging kaibigan ay kabaliktaran ang pisikal na anyo niya sa kabutihan ng puso na meron siya. Kaya siguro kahit na hindi kagwapuhan ay dahil nagustuhan siya ni Ainsley dahil meron siyang mabuting puso.






"Anong gusto niyong inumin? Tutal birthday ko ngayon at kaibigan ko na rin kayo kaya ililibre ko kayo ngayong gabi," ani Reynaldo.





"Dry Martini sakin. Tagal kong hindi uminom e," ani Nadia.





"Sayo, Niña?"





"Beer na lang," sagot ko.






Tumango siya at nagtaas ng kamay. Lumapit ang isang waiter at sinabi ni Reynaldo ang order namin pagkatapos ay umalis din 'yong waiter.






"Kumusta pala si Ate Selene? Hindi pa rin ba nagigising?" Tanong ni Ainsley.






Bumuntong hininga ako at umiling. "Hindi pa. Hanggang ngayon nakaratay pa rin. Magdadalawang linggo na pero wala pa rin. Magaling naman na kasi 'yong sugat niya sa braso at binti, 'yong ulo na lang talaga niya at 'yong posibilidad na magkaroon siya ng amnesia paggising niya. Iyon na lang talaga ang inaalala namin."







Magdadalawang linggo ng nakaratay si Selene sa ICU at hanggang ngayon ay hindi parin nagigising. Wala pa ring nakakaalam kung kailan siya magigising. Habang tumatagal siya sa ICU ay mas lalo lang kaming nag aalala para sa kanya.







Kaming pamilya, mga kaibigan at kamag anak niya ay sobra ng nag aalala at pare pareho na lang na umaasa sa paggising niya ano mang oras.







Naibalita ko na rin kina Aling Marta ang nangyari at maging sila ay nag aalala rin para kay Selene. Pero ang mas higit na nag aalala sa sitwasyon niya ay ang asawa niyang si Czairex. Sa loob ng mahigit isang linggo ay walang segundo o kahit maski minuto ang lumipas na hindi umalis si Czairex sa tabi ni Selene. Lumipas man ang araw at gabi ay naroon siya.







Ni hindi na nga rin siya pumapasok sa opisina niya kahit pa ilang beses na siyang pinagsasabihan nina Tita Janice at Tito Hernando na libangin na muna niya ang sarili niya sa pagtatrabaho habang hinihintay na magising si Selene.







Ni hindi rin matutukan ni Czairex ang pag aalaga sa anak nilang si Serena kaya minsan ay si Ledger o di kaya ang mayordoma ng bahay nila ang nag aalaga sa anak nila. Dalawang gabi ko ring inalagaan si Serena dahil wala si Ledger at si Nanay Tess naman ay maraming ginagawa.







Sa dalawang gabing 'yon na pananatili ko sa bahay nila ay nakakasama ko si Theros. Nakakailang at nahihiya ako sa presensya niya pero mukhang hindi naman niya ako napapansin sa loob ng dalawang gabi na pananatili ko sa bahay nila dahil mukhang busy talaga siya. Ang alam ko kasi ay sa kanya muna ibinigay ni Czairex ang trabaho sa opisina nito.








Iyong mga mahahalaga namang meetings ni Czairex sa ibang bansa ay si Theros ang pumupunta at si Ledger naman ang naiiwan na umasikaso sa iba pang mga trabaho sa opisina ng nakatatanda nilang kapatid.







Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now