32: WARREN BEHAVIOR

24 5 0
                                    

THIRD PERSON POV:




Gumagabi na pero hindi parin nagigising si Nylia.


Pero kampanti naman sina Grey at Aidan na magigising si Nylia dahil ang sabi ni Jieou aabutin ng ilang oras bago tanggapin ng katawan ni Nylia ang gamot.


Gusto mang hanapin ni Grey si Warren dahil hindi pato nakakabalik ng Clinic ay hindi nya magawang iwan si Nylia.


Dahil sa mga naririnig nag kaka roon sya ng sama ng loob kay Aidan at Officer Nex.

Buong maghapon kasama nya si Aidan pero hindi sila nagkikiboan.

Nag aalala na sya kay Warren pero hindi nya kayang iwan si Nylia.

Samantalang nakapasok na ng Dark Woods si Jieou at hinahanap si Officer Nex sa loob.




May biglang kumatok sa pinto at sinabihan ni Officer Nex na pumasok ito.


At agad namang pumasok si Jieou.

Sinarado ni Jieou ang pinto at lumapit kay Officer Nex.

Agad na naagaw atensyon ni Jieou ng makita ang mga litrato sa table ni Officer Nex.


Kinuha ni Jieou ang ilang mga litrato at agad na naalala ang mga nangyare.


"Pa paanong? ". Jieou confused at napatayo si Officer Nex.


"Bata palang kayo lagi kuna kayong inaabangan dahil sa araw araw kayong pa balik balik sa lugar na yun. Bata pa lang rin ako ngunit nagawa kung makapasok ng North". Simula ni Officer Nex at napatitig sa kanya si Jieou.

"Sino ka ba talaga?". Jieou ask at bakas sa mukha ang kalungkutan dahil sa mga litratong nasa kamay nya.

"Nang gabing isinilang sya nalaman ni David na hindi lalaki ang magiging kapatid ko.
Habang pinag bubuntis si Killa itinago ng ina ang kasarian nya.
Para maka ligtas si Killa sa gagawing experminto ni David. Gusto ni David ng batang babae para gawin itong makabuluhan.
Ang akala ni Ina nakaligtas sya at si Killa dahil sa pagiging mabuti ni Ama . Bata pa lang ako walang alam pero gabi gabi kung nakikita si Ama na may mga nilalagay sya sa mga pagkain at inumin ni Ina mas malala na may ini inject sya ng tatlong beses sa isang gabi sa braso ni Ina.
Hindi yun maramdam ni Ina dahil sa mga nakahalo sa kinakain at inumin nya.
Paulit ulit yun sa loob ng syam na bwan.
Hanggang sa ipinanganak na si Killa. Kitang kita ko kung pano patayin ni Ama si Ina dahil sa nalaman nitong babae ang magiging kapatid ko.
Nagtatago lang ako sa likod ng mga kurtina at narinig kung may kinausap si David at inutos na pasabugin ang Hospital.
Patago akung sumama sa hospital kaya hindi nya alam na andon ako.
Nang makaalis sya nakiusap ako kay ina na gumising sya pero nagawa pa ni Ina na hawakan ako sa kamay. Duguan sya dahil sa ilang beses syang sinaksak ni David at nakikita ng mga mata kung nakabaon pa ang dagger sa dibdib nya umiiyak ako non pero nag maka awa si Ina na ilayo ko si Killa. Wala akung maintindihan pero sinigawan nya ako kaya dali dali akung lumabas ng silid at iniwan sya. Saktong pag labas ko nakasalubong ko si Cristofer Hyun na kung saan nag papanggap bilang isang Doctor ngunit ng mga araw nayun isa syang Spy galing North. Nakiusap ako sa kanya na tulungan akung makuha ang kapatid ko dahil sa pasasabugin ng ama ko ang Hospital. Tinawanan nya lang ako pero ng sinabi ko kung sino ang Ama ko ay dali dali nya akung kinarga papunta sa silid na kung saan andon ang mga babies. Nahanap nya si Killa dahil alam kung kakaiba si Killa ng isinilang sya may sugat sya sa noo pero tila nagiging peklat nalang at napakaputla nya pero normal syang pinanganak gusto ng mga doctor na e incubate sya pero wala namang mali kay Killa malusog sya na bata kaya sinusuri na muna sya.
Nang makuha nya si Killa napaiyak ako dahil sa nakangiti si Killa ng mga oras nayun biglang may pumasok na nurse sa silid at sinigawan kami pero hindi pa kami nakakahakbang sumabog na ang hospital.
Nararamdaman naming unti unti ng gumuguho ang Hospital kaya walang nagawa ang Nurse kundi hayaan kami nakakaawa ang mga bata pero hindi namin sila kayang iligtas ng mga oras na yun.
Naiiyak ako dahil sa iniwan ko si Ina pero gaya ng sinabi nya kailangan na iligtas ko si Killa dahil yun nalang ang natitirang meron ako dahil mamamatay rin si Ina. Umaapoy na ang paligid nun pero nagulat kami ni Cristofer ng biglang sumabog ang isang silid at nag karoon ng napakalaking butas . Hindi namin alam kung pano nangyare yun pero agad na kinuha ako ni Cristofer at tumalon don habang karga karga kami ni Killa. Nang mga oras na yun pakiramdam kung napakabait ni Cristofer para iligtas kami.
Natapos ang gabi at ligtas na naka takas kami , Dinala nya kami sa North at doon ko nakilala ang asawa nya na nag dadalang tao at sinabi sakin na huwag akung matakot hindi sila kalaban. Umiiyak lang ako non habang karga si Killa at natigilan akung hinawakan nya ang mukha ko ng mga sandaling yun at gumaan ang pakiramdam ko kaya simula nun pinangako kung magiging mabuting kuya ako sa kanya pro protektahan ko sya ano man ang mangyare.
Pero nang gabing nagkagulo ang North tumakas kami at nag tago sa kagubatan karga ni Cristofer si Killa at hawak hawak ng asawa nya ang kamay ko at biglang nanganak ang asawa nya.
Dahil sa sigaw nito may nakapansin samin sa gubat at agad na nakiusap ang asawa ni Cristofer na iwan na sya at itakas kaming tatlo. Nag flash sakin ang nangyare kay Ina noon kaya halos mawalan ako ng bait pero agad na nahila ako ni cristofer ng biglang may bumaril sa asawa nya ramdam ko kung pano nya pinipigilang huwag maiyak habang karga karga ang dalawang baby sumasabay ako sa takbo nya at rinig na rinig ko ang iyak ni Killa ng bigla akung natalisod at nahulog sa bangin.
Napapikit ako dahil sa akala ko mamatay na ako.
Pero sa ilalim ng bangin sa mga malabong na damuhan ako bumagsak at agad akung nawalan ng malay . Nagising ako sa matirik na araw at doon ko napag tanto na naiwan ako ,Iniwan ako.
Iiyak na sana ako nun pero biglang may lumapit sakin na matanda at pinagalitan ako dahil lalaki raw ako at bakit ako umiiyak.
Gusto nyang tumawa ako dahil kung hindi papatayin nya ako kaya wala akung nagawa kundi ang tumawa.
Sa ilang linggo tinulungan nya akung hanapin si Cristofer Hyun dahil nasa kanya si Killa. Pero nabigo kami hanggang sa nag kasakit ang matandang nag alaga sakin. Bago sya nag paalam sinabi nya sakin ang natitirang lugar ng North na hindi pa namin na pupuntahan ang Plardin .
At doon ko nga nahanap si Cristofer. Sa isang maliit na bahay inaalagaan nya si Killa at ang anak nito gusto kung lumapit pero may pumipigil sakin marami ng pinagdaanan si Cristofer kaya naisip kung huwag na yung dagdagan lumayo ako at sa pag layo ko hindi ko inaakalang makikila ako ng mga tauhan ni David naging sakim sila sa North nag lalabas masok sila at pumapatay ng mga pamilya.
Nang makauwi ako akala ko papatayin ako ni David pero natuwa sya ng malaman nyang buhay ako. Nag tanong sya kung pano ako napunta don sinabi kung may kumidnap sakin na pinaniwalaan nya naman galit na galit ako sa kanya pero wala akung magawa dahil inuunahan ako ng takot. Lumaki ako sa puder nya sinasanay nya ako sa pakikipaglaban sa murang edad at dinadala sa North sa ganong paraan hindi ko sya ginalit makasama lang ako sa North at gabi gabi na tumatakas ako mapuntahan lang si Killa.
Ang pangyayare na yun ay paulit ulit hanggang sa lumipas ang tatlong taon.
Natunton sila ng mga tauhan ni David pero nagawa pa ni Cristof na tumakas at dala dala ang dalawang batang babae.
Sa kalagitnaan ng gabi nasundan ko sila at nakita ko kung saan tinago ni Cristof ang dalawang batang babae na natutulog.
Hindi pa nakalayo si Cristof ng iwan nya sila Killa ay agad syang na baril tatlong beses na putok ng baril at nagising si Killa ng mga oras nayun pero pinakalma ko sya dahil mahuhuli sila sakali man.
Ang alam ko namatay na si Cristof pero hindi ko inaakalang buhay pa sya. Nang gabing tumahimik ang paligid ay nangako ako kay Killa na babalikan ko sya dahil sa oras na hanapin nila ako at makita si Killa papatayin sya ni David makikilala sya nito dahil sa peklat ng sugat nya na nasa noo.
Pero nabigla ako ng sinabihan nya ako non na huwag akung mag aalala dahil mabubuhay sya dahil ipaghihiganti nya ang ama.
Nang mga oras na yun napakabata nya pa pero naramdaman kung kakaiba nga sya .
Ngumiti ako sa kanya at nangako akung babalik ako.
Pero ilang taon bago ako nakabalik sa North. At pagkabalik ko nakilala ka na nya. Hindi agad sumagi sakin na ikaw ang binatang lalaki na yun,  Pero ng mga oras na yun hindi nya na ako makilala nakalaban ko sya ilang beses at don ako nag simulang panuorin sya mula sa malayo at ng mangyareng naghasik ng lagim si Killa sa buong North ay yun na ang huli kung pagkakataon na makita sya kaya sobrang saya ko ng makita syang muli at dalaga na ngunit hindi nya ako mapapatawad hindi ko sya na protektahan". Kwento ni Officer Nex at napapako sa pagkakatayo si Jieou.




LOVE KILLA Where stories live. Discover now