Chapter 5

16 0 0
                                    

Shannara Samantha's POV

Sana ganito na lang kami palagi noh?
Palaging naghoholding hands,shocks!

Ang ganda naman sa feeling neto,parang may kuryenteng dumadaloy sa kamay ko na hinahawakan ni Nate ng mahigpit.

Habang naglalakad kami ng nakaholding hands,tumingin ako sa kanya at parang nag slow motion at mukha niya lang ang nakikita ko.

Makikita mo talaga ang kagwapuhan ng lalaking 'to kahit na naka side view.May mahahabang kulot na pilik-mata,matangos ang ilong,at ang pinakanagugustuhan ko sa lahat,ang mapupula niyang labi na parang may kolorete dahil sa kapula nito at ang higit sa lahat it is a kissable lips.

O-M-G!Nasa kanya na ang lahat,physical appearance--perfect na perfect,matalino,mabait,matangkad,
hot,sexy,yun nga lang suplado, masungit,cold at mahilig mang-asar.

Pero ayos na yun kahit ganun ugali niya kasi kahit ano pa man siya,hinding-hindi ako titigil na mahalin siya ng patago.

Nagkaroon lang ako ng ulirat ng magsalita siya.

"Hoy Sis,tatayo ka lang ba diyan?"

Tanong niya habang nakaupo at nakatingin sa akin.

"Huh?"

Tanong ko.

"Ah,sabi ko gusto mo bang sa lap ko na lang ka umupo?"

Tanong niya at ako naman ay sumagot na siyang ikinahiya ko.

"Oo."

Bwesit!Ba't yun ang isinagot ko.

"A-ah,I mean is uupo na ako."

Sabi ko.

"Tsk."

Aniya at nakita ko siyang napangiti sa sinabi ko.Naks!Alam kong kamatis na naman ngayon ang pagmumukha ko dahil sa kahihiyan.

"Gusto mo pala na sa lap ko ka na lang umupo.Bakit di mo sinabi edi sana..."

Sabi niya pero binibitin niya yung word na "sana".

"Edi sana ano Nate?"

Tanong ko sa kanya.

"Alam mo na yun."

Sabi niya sabay kindat.

Shocks!Alam ko kung ano ang ibigsabihin niya dun ah,what the?

"Crazy."

Sabi ko sa kanya sabay irap.Napatawa na lang siya.Oh my!Tawa niya pa lang nabibighani agad ako.

Tinititigan ko lang siya habang tumatawa but hell nahuli niya 'ko na nakatitig lang sa kanya,patay!

Agad akong nag-iwas ng tingin dahil di ko na kaya na makipagtitigan sa mga kulay brown niyang mga mata.Tumikhim ako.

"Ehem.Order na tayo?"

Tanong ko sa kanya ng di pa rin tumitingin at nasa labas ng bintana lang ako nakatingin.Wait,bakit di siya sumasagot?

"Shan?"

Sambit niya sa pangalan ko kaya napatingin ako sa direksyon niya but nanigas na lang ako kasi di ko alam kung ano ang gagawin ko.

Bumilis ang tambol ng puso ko because he kiss me in my lips! Naks!Di ko alam kung pano mag response at dahil sa gulat natulak ko siya kaya naghiwalay ang magkadikit naming mga labi.

Agad akong tumayo at tumakbo,narinig ko ang pagsambit niya sa pangalan ko pero di ko siya pinansin at nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo.

Napahinto ako dahil malayo na ako sa kanya.

Andito ako ngayon sa banyo at nakatingin sa salamin.

Hinawakan ko ang aking pisngi dahil sa sobrang pula nito.Napahawak din ako sa aking dibdib,shocks!Ang bilis ng heartbeat ko ah.

Habang nakatingin sa salamin,napahawak ako sa labi ko,damn it.

Feel ko pa rin ang mainit,malambot at matatamis niyang labi sa labi ko.Oh god!He kiss me! Nananaginip ba ako?Sinampal sampal ko ang pisngi ko pero nararamdaman ko ang sakit edi ibigsabihin I'm not dreaming.O-M-G!

He kiss me!My first love,he kiss me!Hoohhh!My first love kiss me la la la la la la...Kanta ko.

Magce celebrate kaya ako?But di talaga ako makapaniwala na hinalikan niya ako,aahhhh.Kinikilig ako guys,biruin niyo ang taong matagal ko ng gusto ay hinalikan ako.

Ahhhhh,ayoko ng maalala yun kasi baka wala sa kaniyang malisya yun eh.

"Aaahhhhhh."

Sigaw ko sa harap ng salamin kasi di pa rin ako makapaniwala sa nangyari eh.

"Ayieee,Shan!The best ka talaga self!"

Sabi ko sa sarili ko ng proud na proud.

"Aaaahhhhh!"

Sigaw at tili ko ulit sabay yuko at sabunot ng buhok ko.

Napahinto lang ako sa aking ginagawa nang may pumasok.Phew!Mabuti na lang di nila nakita ang pinaggagagawa kong kalokohan.

Habang inaayos ko ang aking sarili,nag-usap ang dalawa kong kaklase na sina Jenna at Mica tungkol sa transferee habang nagmemake-up.

"Ang ganda nung transferee noh?"

Rinig kong sabi ni Jenna.

"Oo nga eh,di lang maganda kundi mayaman pa."

Pagsang-ayon naman ni Mica.

"Sana naging classmate nalang natin siya noh?"

Sabi ni Jenna.

"Oo nga eh para may kapartner na si Nate."

Sabi naman ni Mica.Wait,ano daw?!Para may kapartner si Nate?!Walang hiya ang babaeng 'to ah!

"What do you mean by that Mica?"

Tanong ni Jenna kay Mica.

"Para may kapartner na kamo si Nate kasi pareho silang mayaman,matalino,guwapo at maganda,oh di ba perfect couple sila?"

Sabi ni Mica.Ouch!Ang sakit non ah!Parang may kung anong tumusok sa puso ko dahil sa sinabi ni Mica,kasi ipinapamukha niya na dapat kasing pareho ni Nate ang maging kapartner nito.

Well,may point naman siya.Hindi kasi ako mayaman tulad ni Nate kaya I think hindi ako nababagay sa isang tulad niya.Hayysstt,sino ba kasi ang
transferee na yan?Magiging hadlang siya samin ni Nate.

Pano na to?Mas gugustuhin kaya ni Nate ang isang tulad niya kesa sakin?Pipiliin niya kaya ito kesa sakin?Harsh!Ang dami ko na ngang problema kasi di pa rin matanggal sa isip ko yung paghalik ni Nate sakin,dadagdag pa 'to.Hay Lord!

Tulungan niyo po ako na malagpasan ko ang mga problemang 'to.Hmm hmm.

Di ko nalang pinansin ang usapan nila at agad na umalis pagkatapos kong ayusin ang sarili ko.

Habang naglalakad ako papuntang room may nakabangga sakin kaya muntik na akong matumba,mabuti na lang may humawak sakin kaya di ako natumba.

Hay salamat!Tiningnan ko kung sino ang tumulong sakin but laking gulat ko ng si Nate pala ang taong tumulong sakin.

Pagkatingin ko sa kanya ay siya ring pagtingin niya sa aking mukha kaya amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga kasi 1 inch nalang siguro ang distansya ng mga mukha namin.

Nagtitigan lang kaming dalawa at kita ko kung pano
siya napalunok nang dumapo ang mga tingin niya sa labi ko.

Agad akong humiwalay kasi magkadikit na ang mga katawan namin at ang awkward na ng posisyon namin.

"A-ah,t-thank you."

Sabi ko sa kanya sabay takbo palayo sa kanya.

Narinig ko nalang ang pagtawa niya ng mahina at ang tawang yun ay nakakaasar kaya napanguso na lang ako.

Hay naku!Palagi naman akong talo pagdating sa asaran eh,huhuhu.

My Best Friend Is My Boyfriend Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum