Chapter 6: Sa Bahay Ni Sora, At sa Takashita Family

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi nman sa ganun, siguro" sagot ni Kumi na naguluhan nman sa sagot si Kate

Sa harap ng salamin

"Wala ng mas gaganda sa isang babae kundi ang buhok nya" sabi ni Kumi

"Upo, kaya nga po nahirapan talaga ako na gumipitin ang buhok ko, umiyak pa ako non, pero mas iiyak ako kapag hindi ko parin mahanap, makilala ang papa ko" sagot ni Kate na nakaharap sa salamin

"Naniniwala ako na balang araw babalik at magpapakilala din sya sayo, dahil walang magulang na hindi mahal ang kanilang anak" sagot ni Kumi

May kinuha syang brown na curly wig pagkatapos inilagay sa ulo ni Kate, inayos nya, pati na ang bangs, sinuklay nya

"Maraming salamat Tita Kumi" sabi ni Kate

"Ayon ang ganda ganda mo pala" sabi ni Kumi

Habang si Kate imbes matuwa ang nasa isip nya ay

"Ibig sabihin panget ako nong walang wig hehehe" sabi nya sa kanyang isipan

Pagkalabas ni Kate kasama ni Kumi

"Ace" tawag ng kanyang ina

Lumingon nman si Ace

"Ma, Huh? Sino ka?" Tanong ni Ace nang makita si Kate di nya nakilala

"Hindi moba ako nakikilala? Buti na lang kasya sakin ang mga damit ni Tita, Ano? Maganda bahh?" Tanong ni Kate

"Pwede na" sagot ni Ace na panay lingon ng mata kay Kate

Habang si Kumi tamang bungisngis

"Mga lalaki talaga" sabi ni Kumi sa kanyang isipan alam nyang nagandahan ang anak nya kay Kate

"Bakit Ace? Meron bang problema?" Tanong ni Kate

"Ahhh wala, Iniisip ko lang kung magiging maganda ang teamwork natin" sagot ni Ace

"Ako ng bahala, Kung hindi mo alam baka ako ang pinakamagaling satin pagdating sa stratehiya, shaka meron na rin akong naisip na pangalan sa Team natin" sagot ni Kate

"Huh? Ano nman yun?" Tanong ni Ace

"Team Shohoku, Shohoku ang pangalan ng Team natin" sagot ni Kate

"Shohoku? Teka" sabi ni Ace na mukhang mayron naalala

Habang si Kumi nakangiti lang

"Ahhh basta yan ang pangalan ng Team natin, siguradong wala pang nakakaisip sa pangalan na yun hehehe" sagot ni Kate

Samantala sa Takahashi Family nman

Nasa bahay ng mga magulang ni Inami si Sakuhako kasama ang apat nyang teammates

"Bukas ng umaga mag jo jogging ang Takashita, mas mabuting sumabay na kayo samin" sabi ni Shino ang Coach at kapatid ni Inami

"Salamat Tito Shino" sagot ni Sakuhako

"Good luck sa training ninyo ahh, lalo kana hako" sabi ni Inami

"Tsu! Siguradong kami ang mananalo Tita, Makukuha ko namin ang mga lisensya namin" sagot ni Sakuhako bumulong si Lyion

"Malabo, hindi mo nga magawang idakdak ang bola" bulong ni Lyion

"Gggrahh anong binubulong bulong mo dyan ahh" sabi ni Sakuhako

"Hako, Dun ka na lang matulog sa kwarto ko, kulang kasi ngayon ng tulugan" sabi ni Inami napangiwi si Sakuhako

"Hindi na tita, tatabi tabi na lang kami sa iisang kama" sagot ni Sakuhako

"Hindi nman kayo makakatulong ng maayos nyan, shaka diba sabi ko, mommy ang itawag mo sakin" sagot ni Inami

Inami Takahashi 31 years old walang asawa, dahil noong nagkasakit ang lolo nyang si Coach Tesuya, nakipagbreak sya kay Kaede Rukawa isa sa studyante ni Caoch Tesuya

Para maalagaan ang lolo nya, ang papa nyang bulag ay di na nakapag asawa pa si Inami, may mga nanliligaw nman sa kanya ngunit di nya pinapansin

Noong dalawang taong gulang si Sakuhako, isinama sya ng kanyang ina na si Haruko dito, dumalaw sila, noong panahon na yun, gustong kunin ni Inami si Sakuhako o ampunin pero hindi pumayag si Haruko, kaya ganyan na lang ang pagnanasa ni Inami sa anak ni Sakuragi at Haruko na para kay Inami anak din nya

9:30am

Nakahiga si Sakuhako di sya makatulog

"Lagi nman ganito sa tuwing pupunta ako dito, pero bakit ganito? Mas lalong hindi ako makatulohhhgg" sabi ni Sakuhako nasa tabi nya si Inami

"Huh? Hako? Hindi ka makatulog?" Tanong ni Inami

"Ahhhh hindi mommy, hindi pa ako inaantok" sagot ni Sakuhako

Bumangon si Inami at inayos ang kumot ni Sakuhako

"Sigurado kung nakikita toh ni Haruko magseselos sya" sabi ni Inami

"Huh? Wala nman pakialam sakin si mama" sagot ni Sakuhako

"Hindi totoo yan hako, Alam mo ba noong isang buwan nandito ang mama mo" sabi ni Inami

"Ano nman ginagawa nya dito?" Tanong ni Sakuhako

"Mayron syang sinasabi sakin, palihim daw nyang pinapanood ang anak nya, at ikaw yun hako" sagot ni Inami

"Ano? Ang ibig sabihin" sabi ni Sakuhako

"Walang ina na hindi mangungulila sa kanyang anak, Ako nangarap ako maging ina at natupad yun dahil sayo, Pagkatapos mong makakuha ng lisensya umuwi kana sa inyo, ipagmalaki mo sa kanya ang naabot mo, sigurado akong miss na miss kana ng mama mo, pati narin ng mga kapatid mo" sagot ni Inami sabay himas ni Inami sa noo ni Sakuhako

"Mama" sabi ni Sakuhako ng maalala nya ang kanyang ina na si Haruko nang biglang

"Pero ngayon, ako ang mama mo, kaya wag mo na munang isipin si Haruko, magseselos ako" sabi ni Inami

"Ahhkkk upo mommy" sagot ni Sakuhako

Humiga si Inami at niyakap si Sakuhako habang si Sakuhako nakatingin sa kisami, tinignan nya sa kamay nya ang bracelet na niregalo sa kanya ng kanyang ina, pagkatapos pumikit na sya

"Matulog kana baby ko" sabi ni Inami

Samantala sa Hanamichi Residents sa Kanagawa

"Magiging ayos lang sya" sabi ni Sakuhako

"Gusto konang makita si Hako" sagot ni Haruko

Suramu Danku: Next Generation 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon