Naging tahimik na ang pagbaybay namin sa daan hanggang sa makarating sa tapat ng bahay.

"Salamat sa paghatid. Dito na lang ako." I was about to open the car's door when Akill speak.

"About my proposal," panimula nya dahilan para nakakunot ang noong tumingin ako sa kanya. Nasa unahan ang tingin nya at mula sa kinauupoan ko ay kitang-kita ko ang magandang hugis ng kanyang panga at matangos na ilong. Ang side profile nya nagsusumigaw sa kaperpektohan.

"You really need to marry me." bumuntong hininga sya. "I am the only grandson of Haderous Bloodmore, and the sole heir of Bloodmore's family. But inorder to get my inheritance, I need to get married."

"Kaya ba ako ang nilalapitan mo?"

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan, ayoko nang marinig ang mga sasabihin nya. Iyon pala ang rason nya para bigla ay alokin nya ako ng kasal.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagkadesmaya, dahil ba sa nalaman ko na gagamitin nya lang ako para makuha ang letcheng mana nya! o sa hindi ko malaman na dahilan.

"I don't care about my inheritance,"

Sapat na ang sinabi nyang iyon para muli ay matigilan ako sa paglabas ng sasakyan at lingonin sya.

"What I care about is my parents company. My grandpa will take the company from me and sell it if I don't get married." pumungay ang mata nya. "Ayokong mapunta sa wala ang pinaghirapan nila. Iyon na lang nagbubukod tanging iniwan nila sa akin. That's why, I worked even harder to make the company grow even more and get the recognition it deserve."

Tila piniga ang puso ko sa narinig. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko kanina.

"S-sorry... " mahina ngunit sapat para marinig nya. Tumingin sya sa akin,

"Don't be. I should be the one apologizing, because I'm asking for a big favor. Alam kong hindi madali ang hinihingi kong pabor, but I promise to give you everything, and do anything you want basta pumayag ka lang na pakasalan ako."

"P-pag-iisipan ko." bumaba ako ng sasakyan at nang isara ko ang pinto ay nagsalita sya.

"Take your time to think. I'll wait for your answer."

Pinagmasdan ko ang pag-andar ng sasakyan paalis, ilang segundo rin siguro akong nakatayo bago ko naisipang pumasok ng bahay.

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng pag-uusap naming iyon ni Akill, ngunit hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ang aking isipan.

Simula rin nang pag-uusap naming iyon ay madalas nya na akong ihatid sa bahay kapag galing ako sa trabaho. Minsan ay wala sya, at si kuya Nyx lang ang naghahatid sa akin. Hindi naman ako nag-aabalang tanongin si kuya kung bakit minsan ay wala ang lalaki.

"Good morning class!" bati ni Miss Ramirez, instructor namin sa Managerial Accounting. We greeted her back. "Today, we'll be diving into the fascinating world of cost behavior and cost-volume-profit analysis." sinulat nya pa sa whiteboard ang topic na pag-uusapan namin ngayon.

"I hope you all have your notebooks ready because this topic is crucial for understanding how costs behave in different business scenarios. Let's get started!"

"Cost behavior," Panimula nya. Binilugan nya ang salitang 'cost behavior' na nasa board. "can have a significant impact on a company's profitability. Cost behavior refers to how costs change in response to changes in a company's activity level. It's essential to understand the relationship between costs and activity levels to make informed business decisions. One model commonly used to analyze cost behavior is cost-volume-profit analysis."

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Onde histórias criam vida. Descubra agora