Tumigil lang ang dalawa sa paglalakad ng marating nila ang isang gazebo. Nagpahinga sila roon na saktong-sakto dumating ang butler kasama ang dalawang maid sa bahay na may dalang mga pagkain para sa kanila

Nang umalis ang dalawang maid, “Eugene, iwan muna kami dito. Gusto kong maka-bonding na kami lang dalawa ng apo ko. Magpahinga ka muna.” ani lola Sol sa butler na kaagad sinunod ang sinabi nito.

“How's your life sa mansion ng Briarlaine, apo?” tanong ng matanda sa kanya ng makaalis si butler Eugene.

“Okay naman po.” sagot niya. Saka sumimsim ng tsaa. Nasasarapan siya sa lasa ng tsaa na hinanda ng mga maid para sa kanila.

“Hindi ka ba binu-bully ng Madrasta mo at ng kanyang tatlong anak?” napatigil sa pagsubo si Airleya ng kanyang apple pie dahil sa sunod na tanong sa kanya ng lola niya.

Napatitig siya sa mukha ng matanda na mata sa mata na nakipagtitigan sa kanya.

“May alam kayo?” hindi niya kailangan magpanggap dahil alam ni Airleya na may alam ang lolo't lola niya sa kung anong buhay ang mayroon siya sa loob nang bahay ng Briarlaine.

“To tell you, my dear. Your grandfather and I have a spy there and he is the one who informs us of what is happening inside Briarlaine's house. Spy namin siya para malaman kung ano ang nangyayari sa iyo sa loob.” walang pag-aalinlangan pag-amin ng lola niya sa kanya.

Napanganga na lamang si Airleya, sa nalaman. Hindi niya akalain na may ipapasok ang grandparents niya na spy para alamin ang estado ng buhay niya sa loob ng bahay ng Briarlaine.

“We know what's going on inside. I really want to take you from your father's house. But this Bozi, he did not agree. It's not that he doesn't want you to live here. He let you get hurt so you could stand on your own two feet. That's the only thing he knows so you can change the habit you have.” saad ng kanyang lola.

Tumikhim si Airleya, saka nagtanong. “Ano ang pangalan niya?”

“Pasensya na apo, pero hindi ko masasagot ang tanong mo sa akin. Nasa batas na ginawa ng lolo mo bawal malaman ang mga pangalan nila. He was not alone. But we only have one spy in the house of Briarlaine.”

Kumunot ang noo ni Airleya. “Batas?”

Tumango ang ulo ng lola niya. “Sekreto lang natin 'to Airleya. Wala dapat makaalam. Your grandfather founded a secret organization that aims to protect people in need. They're like heroes hiding in the dark that your grandfather built. Pakalat-kalat sila sa ibat-ibang lugar ng Agracia Empire, para tumulong sa nangangailangan.” napatanga ng ulo si Airleya na may paghanga sa malaking ginawa ng lolo niya. She couldn't believe that her grandfather would form an organization that was only for people who needed help. But... She felt that the organization had other jobs besides helping people, which she didn't know what.

“Woah!” hindi napigilan ni Airleya na pumalakpak na ikinailing ng ulo nang kanyang lola Sol.

“Pero hindi nagustuhan ng lolo mo ang muntik ng pang-gagahasa sa iyo ng panganay ni Aghamora Villamor.” biglang balik ng usapan ng lola niya.

Hindi umimik si Airleya at nanatiling tikom ang bibig bago nagsalita.

“It didn't work out, especially since someone got in the way to stop him from doing what he was going to do to me. I don't know who helped me so that Rune couldn't do what he was planning to me, but I feel like he's the one you're referring to as the spy in mine, lola.” ani Airleya na ngumiti sa lola niya.

“Yeah.” tumango ang ulo ng lola niya.

“Pero alam mo ba Airleya, nong nalaman ng lolo mo na muntikan ka nang mamatay sa pagkalunod at makaligtas sa tiyak na kamatayan at nalamang bigla kang tumapang. Alam mo kung ano ang lumabas sa bibig ng lolo mo?”

AIRLEYAWhere stories live. Discover now