Tumango ng ulo si Airleya na may ngiti sa labi. “Yes, five books. Hindi ko alam kung ilan ang kaya pa niyang basahin na libro sa loob lamang ng isang araw, ako ang nagbigay sa kanya ng libro na dapat niyang basahin. Ang akala ko rin ay matatapos niya ng ilang araw o linggo ang mga libro na inihanda ko sa kanya. Pero natapos niya iyon ng hindi kami inaabutan ng takipsilim.”

“Base sa penmanship niya, lalaki ang sumagot nito.” sabad ng lolo niya.

Hindi na nagulat si Airleya kung nahulaan kaagad ng lolo niya ang kasarian ni Kaan.

“Yes. Ang pangalan niya ay Kaan Elame, nanggaling sa pinakamahirap na nayon sa west. Labing-anim na taong gulang at ulila na lubos. Namatay ang mga magulang niya dahil sa matinding pagkagutom ganon din ang nakakatanda niyang kapatid sa kanilang nayon, wala daw makain ang mga tao roon at minsan lang daw sila nakakatanggap ng biyaya. Napadpad siya rito para mabuhay pa ng matagal yun kasi ang habilin sa kanya ng mga magulang niya at ng ate niya at para matupad ang pangarap niya na maging knight ng Briarlaine, na kalauna'y naabot niya. Kasapi siya sa hanay ng malalakas, lolo. Actually kamakailan ko lamang na laman na hindi siya marunong magbasa. Maliban na lamang sa pagsulat ng pangalan niya at pagbilang ng hanggang one to ten.” aniya na ikinuwento na sa lolo niya kung paano niya na diskubre ang talino ni Kaan.

“West. Nanggaling siya sa teritoryo ng Marquess. Alam ko kong anong nayon ang tinukoy mo, apo... Kasama mo ba ang Kaan Elame?”

“Yes lolo.”

Bumaling si Baron Whitlock, sa  butler niya at yumuko ang ulo niya na kaagad ay lumabas ang butler para kunin sa labas si Kaan Elame.

Makalipas ang ilang minuto pumasok si Kaan Elame, kasama ang butler ng Whitlock.

“Good morning po sa inyo.” bati ni Kaan sa dalawang matanda.

“Wala siyang alam sa etiquette lolo, kaya sana maintindihan niyo—” hindi natapos ni Airleya ang sasabihin niya ng umangat ang kamay ng lolo niya para patigilin siya.

“Maupo ka Kaan.” anang lolo niya at itinuro ang upuan ni Airleya. Kaagad naman umupo sa tabi ni Airleya si Kaan.

Sinimulan ng Baron na magtanong ng mahihirap na tanong kay Kaan na wala namang patumpik-tumpik na sinasagot iyon ni Kaan. May pagkakataon pa na sinasadya ng lolo niya na magkamali para kilatisin kung itatama ba ni Kaan ang mali niya na hindi naman nabigo ang Baron ng pagtuonan niya ng pansin ang dinala ng kanyang apo upang gawing scholar niya.

Pasimple naman sumimsim ng tsaa si Airleya, at napansin niya ang titig sa kanya ng kanyang lola Sol. Ngumiti siya ang lumapit sa lola niya. Samantala abala naman ang lolo niya kay Kaan na seryusong nakikinig at sinasagot ang bawat tanong sa kanya ng Baron.

“Kumusta po ang kalusugan niyo lola? Pasensya na po kung ngayon ko lang po naisip na bisitahin kayo.” paghihingi niya ng paumanhin sa lola niya, na marahang sinusuklay ang mahaba niyang buhok na nakalugay gamit ang mga daliri nito.

Umiling ng ulo si Baroness Sol sa apo niya. “Hindi mo kailangan humingi ng pasensya apo. Halika, ipapakita ko sa iyo ang mga alaga kong bulaklak.” anang lola niya, saka hinawakan ang kamay niya para umalis sila sa silid.

Naiwan naman ang dalawang lalaki sa silid. Sumunod naman ang Butler sa kanila hanggang sa marating nila ang garden na tinutukoy ng lola niya.

“Gusto niyo po bang ipaghanda ko kayo ng makakain niyo rito, Lady Sol?” tanong ng Butler, na kasing edad lang seguro nina sir Exter at sir Ceasar. Apo ito ng dati nilang Butler na sumakabilang buhay na at ito ang nagpatuloy sa trabaho ng lolo niyang naiwan.

Tumango ng ulo si lola Sol, at kaagad na umalis ang Butler para kumuha ng makakain ng dalawang babae.

Ilang minuto naglakad sina lola Sol at Airleya sa malawak na garden na lahat ng uri ng bulaklak ay naroon sa garden ng matanda. May iba't-ibang uri din ng bonsai na naroon.

AIRLEYAΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα