Chapter 12

37 2 0
                                    


Andito kami ngayon sa bagong gymnasium ng university namin, dalawa ito. Nasa loob ang isa ang pinakamalaki na sometimes ginagamit din pang tournament ng mga taga barangay ay itong bago na nasa labas.

Sa pagkakaalam ko, ito nila gaganapin ang intramurals for boys basketbol. Sa girls basketbol and volleyball ay sa isa na nasa loob. Malapit lang kasi ang ring at mas nakakashoot sila, pero pinagpa practice din sila dito in case na magiba isip ng staff.

Anyways, the reason why I'm here right now is kasi nga nanonood ako sa laro I mean practice nila. And nakakatawa sila tingnan except sa isa and you know who. Ang seryoso mag laro, tumatawa naman siya pero andyan yung vibe nya na kada tira nya shoot. May minsan naman hindi napapasok sa ring pero mostly shoot. Inadjust nya sarili nya sa ring ng bola.

Ang nakakatawa tingnan ay yung mga kaibigan ko. Si Ruan hinihingal na imbes pigilan ang kalaban, mukha na nyang niyayakap kaya napagkakamalan siyang chansing e.

Tawa ako ng tawa habang nagti-take ng video. Pang asar mamaya.

After a minute playing, they took a break. Lumapit sila saakin kasi katabi ko mga gamit nila. Ako naman pinapanood yung nakuha ko at pinapakita katangahan nila sa paglalaro.

Napansin ko lumapit si Zheyrine, inabot ko sa kanya tumblr nya.

"Thanks" she simply said which I smiled. She opened it and gulped what's in it which is water pero nakatulala nalang akong nakatingin sa kanya, from her lips my eyes went down to her throat and kada lunok nya ay parang subrang sarap ng tubig mapapalunok ka rin talaga. Agad akong naiilang tumingin.

Bakit parang ang sexy tingnan?

Pinagiisip mo Cyle. Umiinom lang ng tubig yung tao kung ano ano nasa isip mo.

Nakuha naman ng atensyon ko ang kulitan nila Ruan and Elloree, pupunasan daw ni Ruan si Elloree tapos aktong kinikilig naman yung isa tas hahampasin nya si Ruan and sasabihing tumigil ito.

Luvs tawag ni Ruan kay Elloree, well sa lahat naman ng girl friends niya. Kung hindi baby endearment luvs or love. Kasi daw ewan hindi ko naman tinanong kung ba't ganyan tawag nya.

Basta ganyan siya. Mabilis at malapit sa mga babae kaya napapagkamalan babaero.

Kinuha ko yung handkerchief na nakapatong sa bag ni Zheyrine at binigay sa kanya.

"Hindi mo pupunasan?"

"Huh!?!" natural reaction ko lagi kahit narinig ko naman.

Baka kasi mali pagkarinig ko ako pa mapahiya.  Kaya huh para ulitin siguro gets nya naman yun.

"Wala." Padabog na binigay nya sakin ang kanyang tumblr at kinuha ang handkerchief sa kamay ko saka umupo para magpunas.

"Anyare sa kanya" bulong ko.

Hindi nalang ako nagtanong baka kasi masapak ako sa expression pa lang ng mukha nya ngayon parang naiinis na ewan.

Pansin ko lately naging comfortable ako pag kasama ko si Zheyrine. Like, hindi ko kailangan itago ang totoong side ko sakanya. And I'm assuming comfortable din siya saakin kasi I noticed she let me see sides of her na alam ko hindi nya pinapakita sa iba. Iba kasi treatment nya sa ibang tao keysa sa akin.

So I'm different from them. Hindi ako ibang tao sa buhay nya. I'm considering her as a friend and I think she is too. We never established a official friendship. This just happened.

Basta isang araw lagi ko nalang siya kasama.

And she's always there when I feel pain in my chest because of Janette. And her well I try not to think about Janette. Hindi na siya nagpaparamdam. And ayuko naman yung nag mumukha akong naghahabol, we're not even a thing. Well there was something but hangang don lang yun and I didn't regret it.

Mas okay ako na yun nangyari.

I woke up one morning and I wasn't thinking of her. I wasn't expecting her chat in the morning. Like it just fade. Maybe that's what they called infatuation. A fleeting feeling.

Tumabi ako ng upo sa nakasimangot na babaeng nagngangalang Zheyrine. Have I told you na first time ko nabasa name nya is I find it unique and cool?

Bumagay sa kanya ang kanyang pangalan.

Na ugali nya nga rin ata. Ang topakin e.

Now she's pouting which I find adorable.

Nag-iba naman ang expression nito like she had think of a good idea tapos lumingon saakin. Of course she caught me staring at her kaya napataas ako ng kilay.

"W-what?" ba't ako nautal? I simply cleared my throat. "What?" pag-uulit ko.

"Gutom ako"

Ah okay.

"Guys gutom kayo?" Lingon ko sa tatlo.

"Hindi." Kanya kanya nilang sagot.

"Bibili lang kami." Paalam ko na tango lang ang kanilang sagot pero may ngiti na hindi ko gusto.

"Sige ingat kayo." Jen. Gusto ata ng sapak.

They're greening like an idiot, bibili lang naman kami.

Kinuha ni Zhey bag nya, pati akin and hand it to me. Tinanggap ko naman ito kahit nagtataka.

"Ewan nalang natin to, babalik naman tayo."sabi ko.

"No." Tanging sagot na nakuha ko at siya ay naglakad na. Wala akong nagawa kundi dalhin.

Utos ni boss e.

Habang palakad kami, ako na nasa gilid nya nagtaka bakit siya lumiko na dapat diritso lang kami kasi doon ang daan papuntang canteen.

"Saan ka?"

"Uuwi." Ako'y naguhuluhan.

"Bakit? Akala ko bibili tayo."

She shook her head. Ano tinatamad ata to magsalita.

Tinuro nya ang pinto ng sasakyan ko. Yes she's now standing beside my car.

"Open." She commanded. Ang cute the way she said it pero.

"Bakit tayo uuwi?" nagtatanong ako habang nilalabas ko naman car keys ko.

"And please habaan mo naman sinasabi mo. Hindi ako mind reader okay?" Mahinahon kong sabi.

She half rolled her eyes. Why is it that I find that cute too? She's been nothing but cute and adorable in my eyes lately what's happening to me? Shesh.

"Gusto ko kumain sa bahay." Abay.

Sa sinabi nya natawa nalang ako. Wag mo na tanongin kong bakit sa gusto ko tumawa sa naging sagot nya.

Napalingo na lumapit ako sa aking sasakyan at ito'y tuluyang binuksan. Pumasok siya agad sa loob sumunod ako, nilagay ko sa likod ang aming gamit bago ko pinaandar ito at kami ay umalis na sa paaralan.

"So?" I started while focusing my attention to driving and her. "What are you going to cook?"

"I don't know" she simply shrugged.

Ewan napapangiti nalang ako. Gutom siya, gusto nya umuwi para magluto pero hindi nya alam kung ano.

Is she joking?

"Well, whatever it is. I'm looking forward to it." Sabi ko nalang. It's going to be the first time na matitikman ko luto nya.

My story. My Life. BeginsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora