Chapter 10

35 3 0
                                    


"Here" I was busy entertaining myself with the cat hindi ko naramdaman ang padating niyang presence. Umangat ang tingin ko sa kanya, hawak nya ngayon ang isang cupnoodles na kanyang inaalok saakin.

Hinanap agad ng mata ko ang sugat nya. Meron na itong bandaid. Mabuti naman nilinisan nya na.

At dahil gutom narin ako kakahintay, hindi ko tinanggihan ang pagkain. Libre na to tatanggihan ko pa, and plus it's my favorite spicy noodles.

Ito yung lagi kong inu-order dito tapos dito narin kinakain. Mas masarap pag dito, ewan ko lang kung bakit. Siguro dahil sa atmosphere?

Pinakandong ko ang pusa sakin para makakain ako, tingin ko kasi walang balak kunin nong may ari nya para makakain ako ng ayos.

Busy ako sa paghigop ng maramdaman ko may nilagay siya sa gilid ko. Ito'y isang maiinom.

"Dahan sa pagkain, inom ka nito." She offered it to me.

Wala kang maririnig saking pagtanggi pagdating sa pagkain. Pagkain na yan e. Abno nalang tatanggi ngayon.

"Thanks." Uminom ako bago nagsalita ulit.

Umupo siya sa tabi ko. Kakain din, pariha kami ng kinakain. Ubos ko na noodles ko kaya ang pinagtuunan ko ng pansin ngayon ay ang aking iniinom.

I fucos my gaze sa pusa pero napapasilip kung paano siya kumain. E kasi, bakit ang sarap nya tingnan kumain? Tinitingnan ko lang nag watery na bibig ko. Parang gusto ko rin humigop sa hinihigop nya.

Ano ba to. Baka kulang pa yung kinain ko kaya ganyan. Ang daya naman kasi, hindi ako ganyan kumain e. Ang bilis ko kumain siya parang sini savour niya bawat sabaw, pag supsup sa noodles at pag lunok nito.

Nakaka turn on. Ha ano daw?

Baliw.

Wala.

Pinagiisip mo.

Kumakain lang yung tao jusko. Ganito ba ako? Erase erase. Mali pagkabasa mo.

Para hindi mag isip ng kung ano ano tinuon ko nalang ang fucos ko sa pusa at mukhang gutom narin.

Ah. "Salamat pala sa pagkain." Naalala ko lang magpasalamat ngayon. Pogi ko subra, baka nasa isip na nito ang kapal ng mukha ko ngayon lang nag thank you. Buti nga nag thank you. Kidding. Hindi kasi ako sanay.

Ika dalawang beses ko lang kaya na experience ma libre. Ako kasi mostly nanlilibre. Mas prefer ko rin naman ako manglibre kaysa ako nililibre. Ganun lang talaga ako.

Pangalawa ko ito na nalibre ako. First nanlibre sakin si tito hshs

"Gusto mo pa?" she slid her food to me. My eyebrows furrowed. Eh?

Naturally I shook my head refusing. Kinakain kaya nya yan why did she suddenly offering it to me. Hindi nya ba maubos? Busog na siya? Tatlong higop lang ata yun e. Parang hindi nga nakunan.

"No" I declined. She hummed bago tumayo.

Kita kong itatapon nya ito but before she could do that pinigilan ko siya agad.

"Huy ba't mo yan itatapon sayang!"

Napahinto siya. "Ayoko na e." She simply said.

"Bigay mo sakin."

"Ayaw mo rin. Edi Itapon nalang." Kinuha ko agad iyon sa kanya. Babaeng to iba din mag isip.

"Kung alam ko lang itatapon mo pala. Edi hindi ko tinanggihan. Bakit ka pa kumain nito kung hindi mo naman maubos." Sabi ko at bumalik ng upo.

"Tikim." Ang ikli ng sagot. Ahh okay gets.

"Here" nasa tabi ko siya nakaupo e, sabi nya tikim kaya susubuan.

But imbes kainin she rolled her eyes at me.

"Kala ko titikim ka? Tatapon mo tapos titikim ka." Abaw.

"Tss. Lagi mo kasi kinakain." Oh ano naman? E paborito ko alangan.

"Favorite ko kasi. Kaya ito lagi ino order ko. Sarap kaya."

"Oumm" agree siya pero itatapon. Hindi ba siya gutom? Galing siya sa pag trabaho sigurado ako gutom to. Pero baka hindi noodles hanap na kainin.

Hindi ko na pinansin presensya nya kasi ang sarap ng kinakain ko. Ng natapos ko na itong kainin at uminom ng RC. Nadapo sa chopstick na gamit ko ang aking tingin. And don ko narealize chopstick nya gamit ko. Hala

Haha I laughed in my mind. Well, okay lang yan. Walang malisya. We're both girls and malinis naman siya. Bango nya nga up close e.

"Tapos ka na?" Nagulat ako sa kanyang pagsalita bigla. Nalimutan ko katabi ko pala siya, hawak nya yung pusa. Wait. Was she watching me the whole time kinain ko yun? Gosh kahiya HAHAHAHAHA

Tapos parang ako lang isa kasi hindi ko siya napansin.

I awkwardly release a laugh. "Salamat ulit sa libre. And sorry kanina." Tiningnan ko ang sugat nya, nakita nyang nakatingin ako don.

"Malayo sa bituka." Amp. Ou nga pero na damage maputi and makinis nyang legs dahil sa kalutangan ko.

Sanaol maputi at makinis. Pansin ko lang kasi may mata ako.

"Tinitingnan mo?"

"Legs mong makinis na may sugat" deritso kong sabi na kina sungit ng kanyang mukha. Nakakunot na ito, subrang sungit kuhang kuha nya kasungitan na expression ng mga professor na nababasa ko sa wattpad.

"Perv." Bulong nya at pasimple na lumayo saakin. Luh complement yun at wala akong pagnanasa sa kanya. Sa taong gusto ko lamang.

Ou maganda siya, malaki katawan nya sarap siguro nyan e cuddle. Not that I want to. Just guessing lamang. And I'm describing her for you. Kasi nga may mata ako.

At akala ata nito hindi ko siya narinig.

Dalawang beses pa akong natawag na perv at sa isang tao lang yun. Nagngangalang Zheyrine.

Wala naman akong ginawa sa kanya para deserve sa name na yan abay.

"Complement talaga yun." I tried to copy her sa pagsusungit, I rolled my eyes at her. Yun din ginawa nya sakin kaya my friend ang corona ng kasungitan sakanya talaga. Walang kukuntra.

"May nagsabi na ba sayo na ang sungit mo makatingin?" I said frankly. Pati ugali siguro.

"Only a lot." Ah buti naman hindi lang pala ako nakapagsabi. Saludo nalang ako sa makakatagal ng ugali ng babaeng to. 1/4 pa sa kasungitan naharap ko. Ewan ko nalang pang ibuhos nya lahat. Well, goodluck sa taong yun. Luckily it won't be me.

May bigla ako naisip kaya tumayo ako. "Dyan ka lang."

Pumili ako ng icecream. Saktong sukli lang nilagay ko sa counter pangbayad. Ang nagtatrabaho po dito ay ka usap ko ngayon kaya walang tao sa counter. Wala naman customer so okay lang ata.

"Here. Pampalamig ulo mo." I offered slightly joking.

"Pang thank you." Dugtong ko.

"Strawberry" ngumiti siya. Uh hindi ko pinag-isipang pinili ang flavor na yan. Ayaw nya ba sa strawberry? Bumili kasi ako agad hindi nagtanong kung gusto. Hahay

"Thanks." Nagulat ako kasi kinuha nya ito.

Hindi na ako nagsalita at tahimik na umupo sa tabi nya.

Ngayon naman. Ako ang nakatingin sa kanya kumain. And she's so engrossed at what she's eating that she doesn't noticed me.

She looked like a kid. Rather cute.

My story. My Life. BeginsWhere stories live. Discover now