Nilibot ko ang aking mga mata at napunta iyon sa noo niyang pinagpapawisan na papunta rin iyon sakaniyang leeg.

Napakagat labi ako at umiwas kaagad. Hindi ko nalang namalayang ang paa kong tumatakbo ng mabilis papunta sa aking silid.

Nakahinga ako ng maluwag ng sawakas hindi ko na nakita ang principal. Napahawak ako sa dibdib ng hindi ako makahinga dahil sa sobrang hingal.

Inangat ko ang aking paningin napatampal ako sa noo ng makitang tatlo nalang ang aking mga estudyante.

Ngunot noong tumingin ako sa tatlo."Good morning class and w-where's the others??"

Ilang minuto pa at walang sumasagot."Again nas--"

"Ah ma'am yung iba po ay umuwi na sila akala po kasi nila ay walang pasok. At...yung iba po ay nasa court po. Naglalaro ng basketball" Mahinang usal nitong si Deina.

"Ha?kung ganoon pupuntahan ko sila dito lang kayo ha? Babalik ako may klase tayo" Kaagad naman akong tumakbo papunta sa court.

Pagod na pagod na nakapunta ako sa court. Napahawak ako sa noo ng makaramdam na may tulo ng pawis ang dumadaloy doon.

Napaangat naman ako ng tingin at nakita ang mga kalalakihan na naglalaro ng basketball. Mukhang masaya naman ang mga ito.

Humanap ako ng tiempo upang sabihin sakanila na tapusin na ang laro dahil may klase pa silang haharapin saakin. At nang makahanap ng tiempo ay walang pasubaliy ay lumapit ako dito. Habang abala sila sa pag inom ng kaniya-kaniyang tumbler.

"C-class! good morning!" Bati ko sakanila. Napaiwas ako ng pwesto ng isa sakanila ay napabuga ng ininom at halos matamaan ako no'n.

Naiinis namang tiningnan ang gumawa no'n. Si Brandon!

Ngumiti lang ito at nag piece saakin. Pinandilatan ko naman ito ng mata hudyat na hindi ako sang-ayon sa ginawa niya.

"Class! tama na 'yan let's go to our classroom we have a class!" Malakas na sabi ko sakanila.

Nangunot naman ang noo ko ng makitang wala lang silang pakealam saakin. Ang iba ay pinagpapatuloy pa rin ang paglalaro.

"Class! Just listen to me! May klase tayo, mamaya na kayo maglaro" Halos maupos na ang aking boses dahil sa lakas ng sigaw ko na 'yon. Pero wala pa ring nakikinig saakin. Huminga ako ng mas malalim na hininga at nilabas ang buong lakas para tawagin sila.

"Brandon! tumigil na kayo!" Nanigas ako sa kinatatayuan ng makitang tumigil na sila sa sakanilang ginagawa. At mariing din silang nakatitig saakin.

Napalunok ako ng isa-isa sakanila ay lumapit saakin. Nakangisi silang nakatitig saakin. Napatingin ako sa kanilang kamay na nakakuyom na ngayon.

"A-anong gagawin niyo h-ha?" Nabasag ang boses ko ng sabihin ko iyon. Ano bang nangyari sakanila?Ba't sila nagkakaganyan?

Napapaatras ako ng unti-unti silang lumalapit saakin.

"Ma'am ang ganda niyo naman pala" Napakapit ako sa may gilid ng nabangga ako sa may kung saan.

Nanginginig ang mga tuhod ko sa takot. Napapikit ako ng makitang pa- palapit na sila saakin. May-maya pa 'y Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Napasinghap ako ng makitang tumatakbo na sila papalayo sa akin na takot na takot.

Naghihinang tumayo ako ng tuwid at hinimas ang buhok ko na magulo. Anong nangyari sa mga 'yon ba't sila tumakbo na takot na takot?

Naghihinang bumalik ako sa aking silid na malalim ang iniisip. Naiisip ko pa rin ang nangyari kanina sa court. Kung hindi sila tumakbo kanina maari kayang may gawin silang masama saakin?

Nagklase pa rin ako kahit tatlo nalang ang mga estudyante ko na interesadong makinig saakin.

Napahimas ako sa noo ng tumunog ang ring bell ng univ hudyat na tapos na ang klase. Pumunta ako sa palagi kong tinatambayan sa may puno. Habang dala-dala ang aking baon.

Napapailing ako sa paligid baka kung sakali makita ko si Alyssa kaso mukhang busy pa rin siya.

Mag-isa nalang akong kumain bawat subo ko napapatulala nalang ako sa may halamanan. Napapaisip pa rin ako sa mga nangyari kanina. Uminom naman ako ng tubig ng makaramdam ng pagkauhaw.

"Excuse Ms. Morelos, Mr. Principal said you should go to his office right now" Halos mailuwa ko ang tubig ba ininom ko ng may nagsalita sa harapan ko.

Inangat ko naman ito at napakagat labi ako ng umalis na ito sa harapan ko. Anong problema no'n?

Napapailing nalang na tinapos ko ang aking kinakain at nagtungo sa harapan ng opisina ng principal.

Kumatok naman ako sa pintuan nito. Napabuntong hininga ako ng walang may nakarinig no'n. Napapailing na naglakad ako paalis sa opisina niya. Pinapunta niya ako dito tapos wala pala siya?

Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ako ng tunog ng sapatos sa aking likuran. Dahan-dahan ko naman iyon nilingon. Napatulon laway ako ng makita si Mr. Principal ay nakasuot ito ng salamin sa mata. Nakapamulsa ito habang mariing nakatingin saakin. Ba't ang hot niya pag suot iyon? Napapailing nalang ako sa iniisip.

"Hindi ka ba marunong maghintay?" Napalunok ako ng malamig itong nagsalita.

"A-ah, sorry" Yumuko ako ng makaramdam ng hiya.

"Come inside" Inangat ko ang aking ulo at sumunod sa gusto nito.

"Ah Mr. Principal bakit niyo pala ako pinapunta dito?" Nagtatakang tanong ko dito.

"We have to wait for your friend at first"

Nangunot naman ang noo ko. Anong kinalaman ni Alyssa dito.

Napalingon naman kami ng may kumatok sa pinto. At dahan-dahan doon iniluwa si Alyssa.

"Kayne? Andito ka rin?" Nagtatakang tanong nito saakin.

Tumango nalang ako at tumahimik.

"So, now the two of you are here. I will start." Lumapit saakin si Alyssa at naghihinang yumuko sa harapan ng Principal.

"Why are the two of you late today?" Napahawak kamay kami ni Alyssa ng magsalita si Mr.Principal.

"Don't you know that I don't want anything to be late. That's my policy." Nagkatinginan naman kami ni Alyssa. Mukhang hindi namin kaya ang tensyon nabinibigay ni Mr. Principal saamin.

"The two of you are the only ones who dare to do that. Now I need a valid reason not to fire you and also you!" Kaagad naman nagmakaawa si Alyssa Kay Mr. Principal.

"Mr. Xavalde naman wag naman po. Na late lang naman kami kasi..." Tumingin naman itong si Alyssa saakin hudyat na kailangan ko siyang punan.

"Edi okay tanggalin mo kami." Nangunot naman ang noo ni Alyssa ng marinig ang mga sinabi ko.

Napapailing na tinitigan ko ang Mr. Principal. Ngumiti lang ito at tumango. Mukhang gusto niya talagang tanggalin kami.

Pinandilatan ko ito at walang pasubaliy hinatak ko ang kamay ni Alyssa at umalis sa opisina niya. Umalis pala ah edi sige!

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now