Nagtimpla naman ako ng kape at ininom iyon. Napakagat labi ako ng malasahan ang masarap na kape.

Pumunta ako sa dalampasigan at umupo doon. Napabuntong hininga ako ng maramdaman ang malamig na hangin na sumagi sa buong katawan ko.

"Mr.Principal sali kayo!"

Napalingon ako ng marinig ang nagsabi na 'yon.

"No thanks! Miss" Napakagat labi ako ng sumagot no'n si Uno.

Nangunot naman ang noo ko ng makitang may dala-dala silang surfing board. Napakagat labi ako ng makitang naka topless sila. Kaagad naman akong tumaliwa at umiling. Napahawak ako sa pisngi ng maramdamg mainit iyon. Hayss, ano ba 'tong nangyayari saakin? Nababaliw kana Kayne!

Hindi ko mapigilan hinding mapatingin sa gawi nila. Nanigas ako sa kinatatayuan ng lumalapit sila sa pwesto ko. Kaagad naman akong tumayo ngunit napatulon laway ako ng makita ang apat na mga lalaki sa harapan ko.

"Miss Kayne" Napalingon ako ng makitang si Uno iyon.

"H-hi" Nauutal na aniya ko.

"Uno, let's go" Napaangat ang tingin ko ng makitang si Mr.Principal ang nagsalita na 'yon.

Napalunok ako ng dumapo ang mga tingin nito saakin. Kaagad naman akong yumuko.

"Miss Kayne mamaya nalang ha, dudes tara"

Tumango nalang ako at tiningnan silang lumalayong papunta sa dagat habang bitbit ang kani-kanilang surfing board.

Napapailing nalang akong pinagmasdan sila. Naningkit ang mga mata ko ng magsimula na silang makipag-sabayan sa alon. Napalunok ako ng dumapo ang mga mata ko kay Mr.Principal. Nakasuot lang ito ng manipis na short kaya bakat na bakat ang nasa gitna ng hita niya. Napailing nalang ako sa ginawang patingin ko do'n.

Nilibot ko ang aking mga mata at pumunta ito sa mga kasama nito. Napangiti ako ng makitang si Uno ay masayang nakikipagsabayan sa alon. Kasama na doon ang mga kaibigan nila. Pagkaka-alala ko ang mga pangalan nila lahat ay puro numero. Ang weird naman no'n.

Napailing nalang ako at bumalik sa tent. Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang e-contact si Adhara. Kumusta na kaya 'yon. Nagalit ata iyon dati sa pagtangka kong patayin ang tawag namin dahil sa inis sa araw na 'yon. Ang mismong Principal lagi nalang ang may kasalanan e.

Napabuntong hininga ako ng sawakas sinagot na niya ang tawag ko.

"Oh Kayne, ano na besss!" Napatakip ako sa tainga ng sumigaw ito. Nakita ko ang masayang ngiti ni Adhara sa screen ng cellphone.

"Ano ba, Adhara ba't naninigaw ka diyan ha? Kumusta kana?" Natatawang aniya ko dito.

"Eh kasi Kayne ba't ngayon mo lang akong tinawagan ha?" Nalulungkot na sabi nito.

Umiling naman ako at ngumiti."Bakit na miss muna ba 'ko niyan ha?" Natatawang sabi ko dito kaagad naman itong sumimangot.

"Kayne, pag nandiyan talaga ako sa tabi mo sasabunutin kita. Ano bang klaseng tanong 'yan ha?"

"Tsk, pero..oo na miss na kita. Kumusta naman pala yung trabaho mo diyan ayos na ayos ba ha?"

Natahimik naman ako sa tanong niyang iyon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa mga nangyari sa....Basta!

"Okay naman" Pagsisinungaling ko dito. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na ito nagtanong tungkol sa mga ganoon.

"Uy bes, nasan kaba ba't nasa..loob kaba ng t-tent ha?"

Nilibot ko naman ang paningin sa paligid at tumango.

"Nasan kaba nasa gubat kaba ha baka kung anu-ano ginagawa mo diyan ha?"

Kaagad naman akong umiling dito." Nasa beach ako nag a-outing kasama mga bagong kaibigan ko. Pero uuwi naman kami mamaya kasi may pasok bukas."

Tumango tango naman ito."Sinong mga bagong kaibigan mo diyan ha? Pagkakatanda ko si Alyssa lang kaibigan mo diyan diba?"

"Oo dati si Alyssa lang pero ngayon dumami na sila"

"Ah ganoon ba bes, hmm kung ganoon masaya ako para sa'yo bes"

Ngumiti naman ako sakanya at lumabas sa tent."Tingnan mo ang ganda ng paligid diba?"

"Oo bes, shesh ba't may apat na pogi doon nagsu-surfing ba sila?mga kaibigan mo ba 'yong mga 'yon?"

Napakagat labi naman ako sa tanong niyang iyon. Kaagad naman akong umiling at pinunta ang camera sa akin.

"H-hindi sila ha, hindi ko sila kilala, ito 'yong sinasabi ko" Nauutal na aniya ko dito at nilibot ang camera papunta sa mga kaibigan kong naglalaro.

"Ah, kaya pala, pero pwede bang ilapit mo 'yong camera do'n sa mga pogi hehe"

Napatampal nalang ako sa noo sa inusal nito."Wag kanang gumanyan Adhara sumbong kita sa Lover Axel mo."

Kaagad naman itong tumahimik sa kabilang linya. Nangunot naman ang noo ko ng nawalan ito ng signal. Napasinghap ako ng may umagaw ng cellphone ko sa harapan.

Nanglaki naman ang mga mata ko sa gulat at tiningnan kung sino iyon.

"Damn woman, why are taking pictures those my friends and me? Are you stalker?" Napalunok ako ng galit na galit itong nakatitig saakin.

Nangunot naman ang noo ko sa tinuran nito. Anong pinipicturan?

"P-pinipicturan? Hindi ah" Kaagad naman akong umiling.

"Hey Tres, anong ginagawa mo dito? At bakit kausap mo si--"

"Hi Kayne"

Napatango nalang ako ng bumati saakin si Uno.

"Uno what's wrong with you? Why are you so good to her?This woman is a witch. She's taking pictures of us while we're surfing. Maybe she's a stalker or what"

Nanguyom ang kamao ko sa inasal ng lalaking ito. Kung makapagsalita wagas tinawag pa akong witch at stalker.

"Wow, miss..hmm Uno what's her name again? Ah Kayne that's name as good though, she's good on me." Napakapit ako sa suot dahil bigla bigla nalang kumindat ang Dos saakin.

"Oh crap! Dos are you inlove with that witch?"

Halos manguyom na ang aking kamao sa mga pinagsasabi ng lalaki. Kailangan ko kumalma.

"Manghingi ka ng sorry saakin"

Nangunot naman ang noo nito sa sinabi ko.

"What!"

"Una sa lahat hindi ako witch lalaki at higit sa lahat hindi ako stalker. Kaya hawak ko 'yong cellphone ko kanina kasi may kausap ako sa video call. Ikaw naman akala mo namang assuming ka na kayo ang pinipicturan ko pero hindi!" Nang-iinit na ang ulo ko sa inis sa lalaking ito. Masiyadong assumero.

"Kayne bes, hello hello!"

"Damn!"

Napalingon kami ng tumunog ang cellphone ko na hawak ng lalaking assumero. Kaagad naman itong nangunot at tiningnan ang camera doon.

"Huy! Sino ka?Nasan si Kayne?"

Tuningin naman ako sa Tres na 'to. Nangunot lang itong nakatitig doon. Napasinghap ako sa gulat ng bitawan niya ang cellphone ko at nahulog iyon sa buhangin. Napailing naman itong umalis.

Nanguyom ang kamao ko at handa ko na sana siyang habulin at suntukin ngunit nanigas ako sa kinatatayuan ng may humawak sa kamay ko.


Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now