"Don't make fun of what I cooked" Seryosong usal nito. Napahawak ako sa bibig ko dahil hindi ko na kayang hindi matawa.

Mahina akong natawa, pinipilit kong hindi matawa baka patayin ako at kalabitin ang gatilyo ng baril niya.

Napakagat labi nalang ulit ako para pigilan ang tawa. Tiningnan ko si Mr. Principal na nakaseryosong nakatingin pa din saakin.

"Ehmm I-l'm sorry Mr. Principal" Nauutal na aniya ko dito. Umupo nalamang ako at dumukdok doon sa upuan.

Tahimik lang akong sumusubo ng pagkain. Hindi ko alam kung paano ko babasagin ang bumabalot na katahimikan sa paligid namin.

Napapalunok nalang ako sa mga nangyayari. Gusto ko sanang itanong kay Mr. Principal kung bakit niya ako dinala dito?

"Ahmm---Mr. Principal may tanong sana ako" Napapatikhim na usal ko dito. Tumingin lang ito ng walang emosyon saakin.

"Ano kasi..B-bakit mo pala ako dinala dito sa bahay mo?" Nahihiyang sabi ko dito.

Hindi lang ito umimik bagkus tumayo ito at iniwan akong mag-isa sa lamesa.
Napatingin naman ako sa plato niya. Napabuntong hininga ako ng makitang kunti lang ang nabawas doon.

Napapailing nalang ako at itinuloy ang pag-ubos sa kinakain ko. At nang matapos tumayo na ako at hinugasan ang pinagkainan namin.

Umalis ako sa kusina at hinanap kung nasan ang Principal. Natagpuan ko itong nakatayo sa labas. Mukhang hinihintay ako nito. Hindi na ako nag atubli kaya lumapit na ako dito.

"Mr. Principal, uuwi na ho ako. Maghahanap nalang ako ng masasakyan." Sabi ko dito at yumuko. Aalis na sana ako ng tawagin ako nito sa pangalan ko.

"Kayne" Kalmadong tawag nito saakin. Napalingon naman ako sakanya habang nangungunot ang noo ko dahil sa pagtawag niya saakin sa mismong pangalan ko.

"You don't need that. I'll take you home" Seryosong aniya nito at pamulsang pumunta sa kotse nito.
Napakagat labi nalang ako at sumunod sakanya. Napapapikit nalang ako sa hiya sa t'wing sumasagi sa aking isipan ang mga naganap dito.

Napailing nalang ako at sumakay sa kotse nito. Sa labas lang ng bintana ako nakatingin. Ayoko ko nang tumingin sa kanya. Baka kung saang tingin pa ito mapunta. Napapailing nalang ako sa iniisip.

Hindi ko namalayang tumigil na pala ang sinasakyan namin ng Principal. Napahawak ako sa sintido at bumaba sa kotse. Napasinghap ako ng makitang si Alyssa ay tumatakbo papuntang gawi ko.

"Kayne, huu.. teka hihinga lang ako" Natatawang bumaling ako kay Alyssa na kasakukuyan naghahabol ng hangin.

"Huu..Ayan!, saan ka ba kasi nagpupunta?Saan ka natulog?.OMG! bakit mo kasama si Mr. Principal?"Napapasigaw na bulyaw nitong si Alyssa. Napapailing nalang ako dahil sa hiya para sakanya.

Napapaawang nalang ako hindi ko alam ang sasabihin ko.

"She slept at my house" Napalingon ako kung saang boses iyon nanggaling. Napapahawak nalang ako sa tainga dahil sa nararamdamang hiya.

"Alright, I'll go to Univ first" Sabi nito at pamulsang nagtungo sa kotse niya.

Napapailing nalang ako sa mga sinasabi nitong si Alyssa.

Mas lalong namula ang pisngi ko dahil sa pambubula nila Yvaine, Queren at Keirra. Napapailing nalang ako ng hindi makita si Xeline siguro busy pa iyon sa jowa niya.

Bakit nandito pa sila? Wala ba silang mga trabaho at pasok?

"Uy Kayne, kaninong damit 'yan ha? siguro kay Mr. Principal 'yan yiee" Nanunuksong sabi ni Queren saakin.

Napabuntong hininga ako at umalis sa sala nagpunta ako sa loob ng banyo at naligo ulit. Lalabhan ko nalang mga ito at ibabalik sakanya para wala na akong utang na loob sakanya.

Napakapit ako ng mahigpit sa bag ko at nagtungo sa room ko. Malinaw pa saakin ang mga nangyari dito. Napabuntong hininga ako at pumasok sa loob.

Tumingin ako sa pwesto na inuupuan nila Rhenier. Napapabuntong hininga ako dahil bata pa sila nawalan na sila ng kinabukasan.

Tinuoon ko nalang ang sarili sa pagtuturo. Kahit mailan-ilan lang ang interesado saakin.

Natapos ang klase lumabas na ako ng silid at nagpunta sa may Cafeteria. Napapatampal nalang ako sa noo dahil sa nakakabutas ang presyo ang mga bilihin.

Tubig nalang ang binili kahit nagugutom pa ako.

"Hi miss Kayne right?" Sabi ng baritonong boses. Napapitlag ako sa kinatatayuan ng makita kung sino ito.

"Ahm Mr. Quervo! hello po" Napapailing na bati ko dito. Ngumiti ito at tinuro ang mga paninda.

"You want it, right? I will buy that just for you" Nakangiting sabi nito saakin. Napakagat labi ako nang makaramdam ng hiya.

Kaagad naman akong umiling. "Ay naku, Mr. Quervo wag na busog pa naman ako 'tsaka okay na ako sa tubig" Nahihiyang sabi ko dito.

Nangunot ang noo ko ng tumunog ang tiyan ko. Gusto ko nang sampalin ang sarili dahil sa kahihiyan.

"Looks like you need that" Natatawang sabi nito. Napakapit nalang ako sa tainga sa hiya.

Nandito kaming dalawa sa lagi kong pinipwestuhan sa may puno. Habang kumakain ng kanyang binili.

"You're so cute when you're hungry" Napasamid ako sa kinakain ng sabihin niya iyon. Mamula-mula ang dalawa kong pisngi dahil talaga sa hiya. Napapapikit nalang ako ng maalala ang unang kahihiyan ang ginawa ko noon. Kay Kharlex!

Ngumiti lang ako sakanya. "Nasan nga pala si Alyssa?" Pag-iiba ko ng usapan.

"I don't know, where is she. I think she's busy with someone" Napapatango nalang ako sa mga sinasabi nito.

Napatingin ako sa paligid ng tumunog ang bell ring hudyat na magsisimula na ulit ang klase. Nagpaalam na ako kay Mr. Quervo at nagpunta sa silid ko.

Habang naglalakad papunta doon. May sumalubong saakin na isang guro.

"Ms. Kayne, The paperworks I gave you before. Have you given that to Mr. Xavalde?" Nagtatakang tanong nito.

Napaatras ako sa kaba dahil hindi ko alam kung nasan na iyong mga papel na iyon."Ahh M-mr. S-salmente I haven't given the paperwork you gave to me. But don't worry, I will now give it to Mr. Principal" Nahihiyang sabi ko dito.

Tumango lang ito at inayos ang suot na salamin. "Okay thank you Ms. Kayne" Sabi nito at nagmamadaling umalis sa harap ko.

Napailing ako at dali-daling nagpunta sa room ko. Para hanapin ang mga paperwork na iyon. Napatampal nalang ako sa noo ng makitang nandoon ang mga iyon.

Tiningnan ko iyon napabuntong hininga ako ng makitang may kunting gusot doon. Napailing ako at nagtungo sa opisina ng Principal.

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now