"Mr. X-xalvalde" Aniya ko ulit sakanya. Mas lalong nanigas ako sa kinatatayuan ng marahas niya akong hinawakan sa kamay.

"A-anong p-pong gagawin niyo?" Nanginginig na aniya ko. Hindi lang ito nag patinag hinubad niya ang kaniyang suot. Napatulon laway ako ng makita ang katawan niya. Nilibot ko ang paningin at napatuon iyon sa bandang ibaba. Nakita ko ang kaniyang tattoo.

Ngumisi ito at dinala ako sa loob ng bahay itinulak ako nito kaya napasubsob ako sa couch. Napahawak pa ako sa mukha ng maramdamang masakit iyon.

Hindi pa ito nagpatinag hinawakan niya pa ang aking mukha. Napangiwi nalang ako ng hawakan niya ang pisngi ko.

"M-mr Principal, wag please wag" Nagmamakaawa kong sabi halos pumiyok na ang boses ko dahil nararamdam ko ng dumadaloy ang mga luha ko sa pisngi.

Nanigas ako sa kinahihigaan ng puma ibabaw ito saakin at isinakop sa kandungan niya. Napakapit pa ako sa braso nito. Halos maubosan ako ng hininga ng ilapat niya ang labi niya saakin. Nalasahan ko ang malabot nitong labi.

Naramdaman ko ang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. Gusto kong umalis at itulak ito. At bigla nalang ako nagising na hingal na hingal na pakapit ako sa sintido at hinamas himas iyon.

Ano bang klaseng panaginip iyon! ...

Hinawakan ko ang bandang dibdib ko halos lumuwa na ang aking puso dahil sa nararamdamang kaba. Humiga nalang ulit ako at tinitigan ang kisame. Sumapit ng alas dos ng umaga ay hindi pa din ako makatulog.

Sumasagi pa rin sa aking isipan ang panaginip na iyon..
Nakatulog ako bandang alas kuwatro na ng umaga. Dahil pa din sa kadahilanang iyon.

Napasapo ako sa noo ng tumunog ang alarm clock ko. Nabuhay ang budhi ko ng makita kung anong oras na. Halos mapatalon ako sa kinahihigaan nang malamang.. patay late na ako.

Dali-daling tumakbo ako papuntang banyo. Napasapo nalang ako sa noo ng hindi mabuksan ang pinto. Pinipilit kong mabuksan iyon pero kahit anong pilit ko hindi iyon mabuksan buksan.

"Hello! May tao ba diyan?" Halos matapilok ako sa sariling paa ng bumukas iyon. Bumungad saakin ang lantad na katawan ni Mr. Principal. Gusto ko ng sabunutan ang sariling buhok dahil sa sariling ilusyon ng kinusot ko ang mga mata ko.

Bumungad ang nakasimangot na mukha ni Alyssa. Nagising naman ako sa sariling ilusyon ng pitikin niya ng malakas ang noo ko.

"Aray naman!" Asik ko naman sakanya. "Kayne anong nangyayari sa'yo ha?" Ngunot noong aniya nito.

Napasabunot nalang ako sa buhok dahil sa pagiging lutang. "Ba't ba ang tagal mong maligo ha Alyssa ? Hindi mo kaagad binuksan" Nanghihinang sambit ko naman at yumuko. Hindi ko kayang humarap sa sa harapan niya hindi pa na hiya. Binuksan nga yung pinto kaso lantad na lantad ang hinaharap nito.

"Hmm, sige na ipagpatuloy mo ng maligo. Nakakahiya 'yan"Sabay turo ko sa dibdib nito at tinakpan ang mga mata ko gamit ang isa kong kamay. Habang lumalayo sa pinto ng banyo.

Nagulat naman ang naging reaksyon nito at dali-dali niyang tinakpan ang dibdib niya at malakas niyang pinihit ang pinto papasara.

Pumunta na lamang ako sa higaan nila Yvaine, Queren, Keirra at Xeline. Ngunit napabuntong hininga nalamang ako ng madatnang wala na sila sa sariling higaan. Siguro ay pumasok na sila sa kaniya-kaniyang trabaho at sa eskwelahan.

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now