"Doon tayo sa may puno." Doon ko siya dinala sa wala gaanong tao.

"Bakit?" tanong nito.

"May tatanong ako. Sagutin mo ng totoo to ha?"

"Promise, cross my heart, hope to die. Pinky swear pa!" sabi nito. Batang-isip talaga tong babaeng to. Hahaha.

"M-may probinsya ba kayo? Bahay sa ibang bansa? Family sa ibang bansa? Or do you have any tendency na magtransfer ng school? O baka mag- err, you're just.. err using me?"

"Wala, taga-Maynila talaga kami. Si Mama lang ang nakakapunta dati sa ibang bansa pero wala siyang bahay dun. Andun kasi dati yung trabaho niya eh. Mukhang wala naman na silang balak na ilipat ako ng school nyan. Tapos..kung gagamitin ba kita... BAKIT NAMAN KITA GAGAMITIN?!! Laruan ka ba?!!!"

"Hayyyst. Don't get me wrong, I was used by someone from school lang kasi kaya 'lam mo na, I don't want it to happen again before I end up trusting you fully kasi sa totoo lang natutuwa talaga ako sa inyo ni Chan-Chan," paliwanag ko dito.

"Ahhh.. ok. Ang saklap naman non. Kung gagamitin ka namin ni Chan-Chan.. dapat binu-bully ka namin.. eh ikaw 'yung nambubully eh. Joke. Joke lang! 'to naman."

Sapakin ko kaya to? HINDI NAMAN AKO BULLY AH! Slight lang. Hahaha.

"Okay sige, sige at dahil diyan, samahan mo ko sa college department. May sisilipin lang ako," ngising-ngisi ko ng sabi.

"Sino naman pupuntahan mo dun? Sina Kuya mo? Anong gagawin natin dun?" tanong nito.

"Dami namang tanong. Kunyari lang sina Kuya pero dadaanan natin si Crush. Wag kang maingay ha? Secret to. Kahit kay Chan-Chan secret to okay?" Tumango-tango ito.

"Anong pangalan?"

"Si Aidan, kaklase ni Kuya J," simpleng sagot ko.

“Bakit gurang ‘yung kras mo? Nakakatawa ka naman, nagkakagusto ka sa gurang, hahaha,” pang-aasar nito. Ka-batch pala kasi ng Kuya Mark nito si Aidan.

Nilingon ko 'to at pinanlisikan ng mga mata na ikinatahimik nito. Maayos naman palang kausap eh. Takot din kasi 'tong maasar ko. Alam nitong hindi ako titigil hangga't hindi siya napipikon. Hahahaha. Kaya si Chan-Chan tuloy ang napagbubuntunan ko lagi. Masyadong pa-safe 'tong si Charlie sakin eh.

Nakarating na kami sa college department at pumuwesto sa bandang labas ng gym. Tamang tama lang na makita yung loob non. Kita ko na si Aidan. Hehehehe. Naglalaro sila ni Kuya J ng basketball. Kaso nakita ako nito.

"Louie! Tara shooting!" Tawag ni Aidan at kumaway pa.

Napalingon si Kuya J kaya naman malakas na hinagis nito ang bola. "Fast breaaaak!" sigaw nitong tawang tawa. Sinalo ko naman ang bola  at tinira na halos nasa half court pa lang ako. Napahiyaw tuloy ang ibang nanonood ng makitang pumasok ang bola, ring less. Nakipagbrofist na naman si Charlie. "Astig 'tol!" sabi nitong tumango-tango pa. Kinindatan ko lang to.

"Hahahahaha! Galing mo talaga!" sabi ni Aidan. "Sinong kasama mo?"

"Si Charlie, bestfriend ko 'to," pakilala ko kay Aidan.

"Oi, musta tol?" maangas na sabi ni Charlie at nakipagkamay kay Aidan.

"Hahaha! Astig 'tong kaibigan mo ah, di tulad nung Keira. Ayos lang ako tol," sagot ni Aidan.

"Wag mo ng ipaalala nababadtrip ako. Teka, alis na kami, balikan lang namin si Chan-Chan, yung isang kaibigan namin," paalam ko dito at tinawag ko na si Charlie na kasalukuyang tumitira tira na ng bola kasama ang mga pinsan ko. "Charlie, tara na!" Mabilis naman 'tong sumunod.

"Mabuti napadaan ka, ingat ha?" sabi ni Aidan at tinapik pa ang baga ko.

"Ah, kasi wala ng pasok eh. Hehe. Sige, ikaw din. Hehe," tumalikod na ako.

"ARAY LOUIE!" Napapisil ko pala ng todo ang kamay ni Charlie na hawak ko. "Sorry, hehe!"

Nakalabas na kami ng gym at naglalakad pabalik sa high school department. Ngiting-ngiti pa rin ako at inaasar ni Charlie pero hinahayaan ko na lang. Biglang umispring yung kamay ko dahil hinila ng kung sino mang hinayupak. At dahil mabilis yung reflexes ko nabigwasan ko siya ng wala sa oras. Balak ko pa sanang magsorry dahil sapu-sapu na nito ang mukha per--

"Hoy Tomboy, ang lakas din ng loob mong magpa-Cute kay Aidan ko ah! Ang nene mo pa nga!" sabi ng maarteng impakta. May kasama pang dalawang asungot na ampapangit din. Halatang nasa higher level na to. Maka-'KO' kay Aidan akala mo may karapatan ang itsura? Hahahaha. Eh mas matangkad pa nga ako halos dito. Sampolan ko kaya 'to?

"Hoy Maarteng Frog! Wag mo akong sisigawan lalung lalo na kung hindi ka pa nagtu-toothbrush!" Kala neto. Hindi ko naman talaga sure kung nagtoothbrush siya eh, trip ko lang lalong papangitin ang itsura niya. Narinig ko ang hagikgik ni Charlie. Natawa din tuloy ako. Hahahaha.

"Aba't ang yabang mo ah! Porke't magaling kang magbasketball?!" Akmang hihilain nito ang buhok ko, tinabig ko ang kamay nito. Pumagitna naman agad si Charlie.

"Subukan mo lang, kung gusto mong maging permanent yang pagiging bruha mo, pagbuhulin ko pa kayo ng mga alipores mo eh," banta ko din dito. Umatras naman ang dalawang kasama nito.

"Wag na kayong mag-away, ikukuha ko na lang kayo ng autograph ni Kuya Mark, Kuya ko yun eh," sabad naman ni Charlie.

"Talaga?! Promise ha?" sagot naman ng dalawang alipores ni Maarteng Frog.

"Ano, pustahan tayo mamayang alas singko sa field, softball. Tignan natin yang angas mo," sabad ni Maarteng Frog.

"Oo ba, yun lang pala eh, umalis ka na, overexposed na yung mukha mo sa mata ko, naalibadbaran ako," tinignan lang ako nito ng masama at umalis kasama ang mga alipores.

“Sandali lang,” pukaw sakin ni Charlie habang naglalakad. “Marunong ka bang mag-softball?”


Nung ngumisi lang ako, tinignan ako nito nang masama. “Syempre, tuturuan mo ako. What are friends for?” sabi ko dito. Alam kong magaling to sa softball kaya nga hindi na ako nagdalawang isip kanina sa Maarteng Frog na yun.


“Bakit ba kasi pumapayag ka sa pustahan tapos di mo naman pala alam kung ano’ng gagawin mo?” naaasar na tanong nito.


“Ehhhh.. sige naa. Bibigyan kita ng pagkain buong linggo,” pagsusuhol ko at ngiting-ngiti. Alam kong hindi to makakahindi dahil weakness niya ang pagkain. Matakaw to eh. Hahaha.

Mabilis pa sa alas kwatrong sumagot to.

“Sige.”

Hahahahaha. Hays. Ba't ba kasi ako napasubo sa softball na yan?! Bahala na. Bahala na si Charlie. Hahahaha.

Miss AstigWhere stories live. Discover now