"Ngayon lang kasi nagka vacant ang schedule ng kuya mo kaya ngayon lang kami nakabisita. Kamusta na pala si Theo? Bakit daw nilagnat? Anong sabi ng Doktor?"



"Tigdas. Naawa nga ako! Iyak ng iyak. Pati ako wala ng tulog. Salitan na nga lang kami ni Juan na magpatulog sa kanya..."



"Mabuti naman at gumaling na siya. Ang hirap mag-alaga talaga ng bata. Mabuti at may katuwang ka. Naalala ko yung pinsan kong si Jenny, mag-isa lang siya nung lagnatin din yung baby niya. Ang hirap kapag wala talagang katuwang."



"Kaya nga Ate Gia. Ang swerte ko diyan kay Juan."



"Nabanggit sa akin ni Arman na babalik ka na ng pag-aaral mo?"


"Oo Ate. May nahanap na rin kami na mag-aalaga kay Theo. Gusto ko kasi talagang tapusin yung pag-aaral ko.."


"Masaya ako para sayo. At para sa Kuya mo. Alam kong alam mo kung gaano kahalaga iyang desisyon na iyan para sa kuya mo."


"Oo Ate Gia. Hinding hindi ko bibiguin si Kuya. Magtatapos ako.." niyakap ko si Thea matapos niyang sabihin iyon. Masaya ako para sa kanya.









A week after——











"Minsan na lang kita makita dito sa bahay niyo, nagmamadali ka namang umalis. Hindi na tayo nakakpag-usap hah!" hininto ko ang pag-aayos ng gamit ko at humarap kay Jenny.


"Hala, nagtatampo na pala ang pinsan ko! Tara nga dito! Payakap!" lumapit si Jenny sa akin at sinalubong ang yakap ko. Tama naman siya. Sa sobrang busy ko , bihira na lang akong umuwi dito sa bahay.


"Gia, nakakapagpahinga ka pa ba? Okay ka lang ba? Kayo ni Arman? Kamusta?"



"Okay pa ako Jenny. Nakakapagpahinga parin naman ako. Medyo nagiging busy lang. Pero after ng concert , makakapagpahinga na din ako ng matagal. Sure na yan!"


"Eh kayo ni Arman? Kamusta?"



"Masaya. Masaya ang puso ko Jenny."



"Wag masyadong mag invest ng love hah! Matuto ka na! Magtira sa sarili okay?"



"Mahal ko pa naman ang sarili ko!" biro ko.



"Gia, alam mo kung anong ibig kong sabihin! Ilang buwan na lang, mag iibang bansa ka na. For sure naman, nasabi mo na kay Arman diba?" hindi ako nakapagsalita.



"Hey, don't tell me——"



"I changed my plans. Hindi na ako tutuloy sa Canada."



"Ano? Akala ko ba plantsado na? Akala ko ba wala ng magpapabago ng decision mo?"




"Jenny, iniisip ko pa lang na malalayo ako kay Arman, ikamamatay ko na yata?—— alam ko ang OA ko sa part na iyon pero Jenny, ngayon lang ako naging sigurado. Sigurado na ako sa kanya! Ayoko siyang iwan."



"Alam na ba nila Tita?"



"Oo."




"Okay. Pero—— paano yung mga loans , yung lupa—-"



"That's why tumatanggap ako ng tripleng raket. Pasasaan m eh matatapos din ito."



Niyakap ako ng mahigpit ni Jenny.






















Nandito ako ngayon sa hospital bed ni Arman. Isang linggo na lang at concert na niya pero ito siya, sinisisi ang sarili niya dahil sa pagkawala ng boses niya. Kahapon pa lang, pansin na namin yung pagkapaos ng boses niya. Dahil sa labis na pagod sa sunod-sunod na rehearsals. Kailangan ni Arman ng complete voice rest ng ilang araw para bumalik agad ang boses nito, iyon ang sabi ng doktor. Kaya nag-uusap kami ni Arman tru typing of words sa phone. Naaawa ako sa kanya kasi kanina pa niya sinisisi ang sarili niya, naging pabaya daw siya.



WANDA For YouWhere stories live. Discover now