"Ikaw, Raya? Saan ka? Blue school?" She was talking about the top 2 university in the Philippines.

"Hindi. Sa Melbourne ako," I asserted. I already made up my mind. Hindi ko sasayangin lahat ng sakripisyo ko kung hindi naman pala ako matutuloy roon.

"Saan 'yon? May university ba tayong gano'n?" Tanong ni Carl na nakikinig pala sa usapan.

"Sa Australia 'yon, beh! Big time na 'yan si Hiraya sa college." Si Jasmine ang sumagot ng tanong niya.

I nodded and smiled at them.

Siguro akala nila magiging madali ang buhay ko sa college. Kung pwede lang na hindi na lang umalis.

"Mag-aabroad ka na next year? Awit!" Agad tumayo si Carl at dumiretso sa labas ng classroom.

"Ichichismis ka no'n sa ex mo, beh..." Ani ni Marcus.

"Okay lang..." Alam niya na rin naman ang tungkol doon.

"Huwag niyo na nga banggitin ang mga ex dito! Bawal muna siya sa conversation natin." Umawat si Violet. "Good vibes only, okay?"

After that conversation, neither of my friends spoke of Steven. Unti-unti na rin silang nasasanay na hindi kami nag-uusap. Wala ring ibang nakakaalam kung anong reason ng break-up namin—hindi ko sure kung nagkwento na si Steven sa iba. Ayoko rin namang magkaroon ng sides at may magmukhang masama sa aming dalawa.

"Baba na tayo sa gym, guys! Laban na ng STEM at ABM. Dali!" Excited na announce ni Violet habang hawak ang pulsuhan ko at hinatak ako palabas ng room.

Intrams week na ngayon kaya balewala na lang kung lalabas kami ng room nang walang pasabi. Wala rin namang nagbabantay na teachers dahil halos lahat ay nasa gym na.

"Anong laro na ba ngayong araw? Sorry, hindi updated." Natawa ako sa sinabi ko.

"Volleyball! Naglalaro ngayon si Iñigo tapos si Josiah!" Tili niya.

"What? Edi magkalaban sila?"

She nodded at me with her wide eyes. "OMG, beh! Super excited akong panoorin ang magkaibigan. Anong strand kaya ang mananalo?"

Pagbaba namin sa gym ay hindi pa naman nagsisimula pero maingay na ang paligid. May kanya-kanyang banner ang mga estudyante at naka color coded pa ang shirts nila.

Nakuha ang attention ko ng isang malaking tarpaulin na hawak ng dalawang student. Sobrang laki ng size niya at makulay, halatang mahal nila pinagawa. May malaking puso sa gitna pero magkaiba ang color. Isang blue sa kabila at red naman sa isa.

A statement was written:

Sana dalawa ang puso ko (T_T) in the middle. On the right side, "GO, MY BABYCAKES SUGARPLUM, SOFT BOY JOSIAH!!" and on the left side, "LET'S GO, MY LOVIE DOVE DADDYCAKES IÑIGO BAYBE!"

When I stared at the two guys holding that banner, I laughed when I saw Cameron and Steven.

Dalawang jersey rin ang suot nila parehas na hindi ko alam kung paano nila nagawa 'yon.

Nang mag-start ang laro, tawang-tawa kami ni Violet kay Cameron na hindi alam kung kaninong strand sisigaw. Minsan ay mas na-checheer niya ang ABM strand kaya nagagalit ang mga kaklase niya dahil taga STEM siya.

One minute before the game ended, Iñigo landed on the wrong foot causing a time-out. Violet immediately ran to his side. His teammates gave her a way before she caught Iñigo in her arms.

What? Sa sobrang focus ko ba sa studies ay hindi ko na napapansing may progress na silang dalawa?

I could see Iñigo resting his head on her shoulders. They looked like a lovely couple—but the thing is, Violet never mentioned na sila na.

Amidst The Vying PsychesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon