"Thank you, Vi."

"Ano ka ba, parang others naman 'to. Maliit na bagay. Sabi mo rin naman 'di ba kailangan mo ng makakausap? Nandito kami!" She cheered me up.

Kahit papaano ay nabawasan ang bigat sa dibdib ko buong araw. Ang part lang na nahihirapan ako ay ang layuan at iwasan si Steven na hindi ko maiwasang makita lalo pa't nasa iisang classroom kami.

"Sabi ko naman sa'yo, beh. Huwag kang magjojowa ng classmate kasi tingnan mo ngayon, awkward kayo," bulong niya sa akin.

Lalabas kasi sana kami ng room para sa lunch nang saktong pumasok sila Steven kasama ang mga kaibigan niya. Dahil sa kagustuhan kong iwasan siya ay hinila ko ulit papasok si Violet bago humarap sa pader.

"Oo na, sorry na. Pwede na ba tayong bumaba kasi kanina pa ako nagugutom?"

Nagkibit-balikat siya bago humawak sa braso ko at sabay kaming bumaba sa cafeteria.

Gano'n ang naging routine ko sa school. Sa lahat ng pagkakataon ay iiwasan ko siya, kahit pa tumingin lang sa direksyon niya ay hindi ko ginagawa. Mabuti na lang din ay wala kaming groupings na magkagrupo kami kaya mas napapadali ang pag-iwas ko.

Even when he tried to talk to me, I would always make excuses to not have a conversation with him. After a week, he stopped trying and eventually mirrored my actions.

⌗˚ , ᜊ₊˚ ໑

"Mga bebe may damit na kayo?" Bungad ni Violet pagkapasok niya palang sa room. Umupo siya sa tabi ko bago naglabas ng cellphone at in-open ang online shopping app. "Ito pa lang nakikita kong maayos."

First week pa lang ng December pero ang pinoproblema niya na kaagad ay kung ano ang isusuot para sa Christmas Ball na sa third week pa.

Instead kasi na may classroom Christmas party ang mga senior high, nag suggest ang student council na magkaroon na lang ng pangkalahatang Christmas Ball. Hindi kami sigurado kung paano nila napapayag ang principal.

"Wala pa. Maghahanap pa lang ako mamaya, sama ka?" Sagot ni Cass sa kanya.

"Ako sasama," singit ko sa kanila. "Wala pa akong mahanap, e."

"Oo na! Pero after pa ng study session natin!" Inis na sabi ni Violet na masama ang tingin kay Marcus. "Ikaw, tumakas ka pa kahapon! Sabi mo masakit ulo mo tapos nakita ka namin kasama 'yung taga ABM!"

I laughed with her statement. It's true though. Mag-rereview sana kami kahapon but since tinakasan kami ni Marcus, dumiretso na lang kami sa mall para mag-arcade.

Consistent na rin si Violet na mag-host ng study session after class whether it be in their house or a coffee shop. Feel ko nga mas desidido pa siyang bumalik ang ranking ko kaysa sa akin. Gano'n siya ka seryoso na tulungan ako.

Since wala kaming klase ng last subject ay ginamit namin ang oras na iyon para makapag-aral sa library. Isang oras lang ang ginugol namin dahil pare-pareho kaming ayaw gabihin sa paghahanap ng isusuot namin.

We tried on different dresses that matched the theme of the ball which is glitz and glam. Marcus was the one who would rate our outfits and would give side comments that never fail to make us laugh.

After a week of being silent and crying with a heavy heart, I finally laughed again.

Alas sais na halos kami natapos sa pamimili ng isusuot. Si Cassandra ay nagpa-reserve na ng gown samantalang kami ni Violet ay maghahanap pa sa ibang shops. Hinatid nila akong tatlo sa bahay nila tita kung saan agad kaming sinalubong ni dada.

When they left, I remained silent as I walked inside the house.

"Saan po sila tita?" I asked him when I noticed that he was alone.

Amidst The Vying PsychesWhere stories live. Discover now