ALMOST LOVERS

41 2 2
                                    

ALMOST LOVERS

PROLOGUE:

" Alodia "

Napatigil naman ako bigla sa paglalakad palayo sa kanya.

Pakiramdam ko may kung anong tumusok sa puso ko nang bigkasin niya ang pangalan ko.

Naramdaman kong lumapit siya at nakatayo sa likod ko. Di parin ako humaharap sa kanya. Ayoko, hindi ko kayang makita ang mukha niya, baka magbago pa isip ko.

Kaya nagpatuloy ako ulit sa paglakad pero agad naman akong natigilan nang marinig ko siyang sinigaw ang pangalan ko at biglang yumakap sakin mula sa likuran.

" Dont leave me Alodia. Please dont do this to me. Please ! "

Basag na ang boses niya. Wag kang ganito Jack, please. Wag kang ganito, baka bumigay ako.

Agad naman akong kumalas sa pagkakayakap niya at humarap sa kanya.

Nakayuko lang ako habang iniisip kong anong sasabihin ko. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.

Parang sumabog naman ang dibdib ko nang makitang may dumadaloy na luha sa mga mata niya.

" Im sorry Jack but this is the right thing to do. "

Tanging yan lang ang lumabas sa bibig ko. Di ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat.

Tatalikod na sana ako at aalis ng bigla niyang hawakan ang kamay ko ng mahigpit at iniharap ulit sa kanya.

" The right thing to do ? N-no Alodia ! Hindi mo akong pwedeng ipamigay nalang basta-basta sa babaeng di ko mahal ! Ikaw ang m-mahal ko Alodia ! N-narinig mo yun ? I-Ikaw ! "

Namumugto na ang mga mata niya sa kakaiyak. Habang ako, wala, ni kahit isang patak ng luha wala.

Napangiti ako ng malungkot. Tama lang Alodia, wag kang umiyak, dahil wala kang karapatan.

Tiningnan ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at agad ko naman ibinaling ang paningin ko sa kanya.

" Jack... "

Huminga muna ako ng malalim at humugot ng lakas ng loob bago nagsalita ulit.

" Hindi kita pinapamigay Jack... "

Napakunot naman ng noo si Jack na tila di niya naiintindihan ang sinasabi ko.

Napatingin ako ulit sa kamay ko na mahigpit niyang hinahawakan. Gusto kong bitawan niya ako pero bakit mas sinisigaw ng puso ko na mas higpitan pa niya ang paghawak at wag akong pakawalan ? Nakaramdam naman ako na gusto kong umiyak, pero pinigilan ko ito.

Tumingin ako ulit kay Jack. Tiningnan ko siya ng deretso sa mata. Halata namang hinihintay niya ang susunod konh sasabihin.

" Hindi kita pinapamigay, binabalik lang kita. "

Napailing naman ng mahina si Jack sa sinabi ko. Naramdaman kong medyo lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero di parin niya ito binibitawan.

" D-di kita... Di kita maintindihan Alodia. Ano bang ibig mong sabihin? "

Imbis na sumagot ay binigyan ko lang siya ng isang malungkot na ngiti.

Unti-unti lumuluwag ang pagkakahawak niya.

Nang tuluyan na niya itong bitawan ay agad na tumulo ang luhang kanina ko pang pinipigilan.

Bago pa siya makaimik ay agad ko ng pinahiran ito at tumakbo palayo sa kanya.

" Alodiaaa ! "

Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko pero di na ako lumingon pa!

" Alodiaaaa ! "

Run Alodia... Run and dont look back.

Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ko hanggang sa makalayo na ako sa kanya.

Hinihingal ako sa pagkakatakbo at narandaman ko naman na parang may tumulo na sa noo ko.

Napatingin ako sa langit at tila uulan yata.

Bago pa ako makaalis sa kinatatayuan ko ay agad namang bumuhos ang inaasahang ulan.

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pag-agos ng mga luha kong kanina ko pang pinipigilan.

Napapakit nalang ako ng mata at napahawak sa kwentas na naging simbolo ng pinagsamahan namin.

Binuksan ko ang mga mata ko at bumulong sa hangin...

" I dont love you because I need you Jack. I need you because I love you...

But she needs you more than I do. "

-- Almost Lover by SimpleBlaite --

Im not begging for votes but I want you guys to give me some feedbacks about my story. Tell me what you think. I'll also accept suggestions or opinions from you guys !

ALMOST LOVERSWhere stories live. Discover now